Hindi ko alam kung matatawa ako o mananapak? Me!? Having an affair with his dad? Is he even serious!?
Baliw!
"Nababaliw kana ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Me!? And your dad!?" I laughed without humor.
"Yes."
Napa iling ako ng ilang beses. "Baliw kana nga."
"Bakit naka lock ang pinto?"
"Bakit hindi ang tatay mo ang tanungin mo?" Mataray kong tanong pabalik. Tinatamad na akong mag-isip ng dahilan kaya bahala na si Kody sa anak niya.
"Bakit hindi na lang ikaw ang mag sabi sa akin? Bakit kailangang siya pa? Simple question yet hirap na hirap kang sagutin, kaya sabihin mo, paanong hindi ako magdududa? Also, kanina pa ang uwian ng students, anong ginawa mo sa office ni dad? Nagpapalamig? Tumatambay? Kelan pa kayo naging close? Ano hidden relatives' kayo? Or hidden affair?" sarkastikong tanong niya.
Marahas kong binawi ang braso ko sa kanya. "Hoy!" Dinuro ko siya. "Wala kaming relasyon ng ama mo! Isaksak mo 'yan sa madumi mong isip!" Gigil na sabi ko. Kung kanina ay kaya ko pang magpigil ng galit pwes ngayon hindi na! Grabe mang judge ang kupal na 'to, akala mo naman ay napakalinis at walang tinatagong sekreto. Anong akala niya sa akin? Sugar baby? What the fuck? Marami akong pera kaya hindi ko na kailangan ng sugar daddy!
"Kung wala kayong relasyon bakit naka lock ang pinto? Kanina pa ako nandito, Chrizshel," seryosong aniya kaya napairap ako.
"Kanina kapa pala nandito, eh, bakit hindi ka kumatok? Saka porket nag lock ng pinto may relasyon na agad?" Iritadong tanong ko. Ilang beses naman ako huminga ng malalim para kumalma, ayokong mag tunog defensive dahil mas lalo lang mangungulit ang isang 'to. Nakakairita. "Alam mo kung gaano kamahal ng tatay mo ang nanay mo," mahinang sabi ko pa at huli na para mabawi ko pa 'yon.
"A-anong...paanong alam mo ang tungkol sa magulang ko?" Puno ng kalituhan ang ekspresyon niya kaya natahimik ako.
"Hindi na mahalaga yun," sagot ko na lang bago siya tuluyang nilampasan pero huminto din ako at muli siyang nilingon.
Nakatalikod siya sakin at mukhang may malalim na iniisip. "Kade..."
Ilang segundo ang hinintay ko bago siya lumingon kaya naman hindi na ako nag aksaya ng oras. "Alam kong wala kang tiwala sa akin pero sana sa ama mo meron, dahil hindi siya gagaw ang bagay na ikakasakit mo lalo na ng mama mo." Muli akong tumalikod at naglakad na paalis pero nahinto ako ulit.
"I trust my father." Rinig ko ang paghinga niya ng malalim bago muling nagsalita na siyang dahilan ng pag ngiti ko. "I'm sorry."
Hindi na ako sumagot at tuluyan na lang akong naglakad palayo. Bahala na ang ama niyang magpaliwanag. Masyado nang sumasakit ang ulo ko punyemas!
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...