Chrizshel's pov
Nagising ako dahil sa sakit na nararamdaman, pakiramdam ko ay paulit ulit na hinihiwa ang ibang parte ng katawan ko.
"I'm glad that you're awake."
Kusang dumapo ang tingin ko kay Kade, nangunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Muli akong pumikit para alalahanin ang mga nangyari pero sumasakit lang ang ulo ko.
Kung sila Kade ang dumating, ibig sabihin sila ang sumaklolo sa amin ni Leah—
Si Leah!
Agad akong bumangon pero muli akong napahiga nang may sumigid na kirot sa likod, tagiliran, balikat at braso ko, actually buong katawan. "Fuck!" Malakas na mura ko.
"Shit!" Inalalayan ako ni Kade pero saktong nahawakan niya ang sugat sa braso ko kaya muli akong napadaing sa sakit. "Fuck! Fuck! Fuck!" Binitawan ako ni Kade kaya tuluyan akong nahiga sa kama.
"Ouch!" Nahihirapang daing ko.
Ilang beses akong huminga ng malalim para mapakalma ang sarili dahil mas humahapdi at kumikirot ang buong katawan ko. Nakatingin naman si Kade sa akin na para bang may gusto siyang gawin pero hindi niya magawa.
"Asan si Leah?" Tanong ko nang makayanan ko na ang sakit at maayos na rin ang paghinga ko. "Is she okay? May sugat ba siya? May pilay ba siya? Pas—"
"—Bakit hindi mo kaya muna tanungin kung ano ang lagay mo?" Putol niya sa pagsasalita ko, "Leah is okay," sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"That's good to hear," mahinang sabi ko. Nakita ko ang pag tigas ng ekspresyon ni Kade kaya kinunutan ko siya ng noo.
"May malaki kang hiwa sa likod, may saksak ka sa balikat, may hiwa ka sa tagiliran pati na sa braso. Bugbog ang katawan at mukha mo pero ibang tao pa rin ang inaalala mo." Nagtatagis ang pangang sabi ni Kade na ikinatahimik ko. "Bakit Chrizshel? Bakit mas una mong tinatanong ang kalagayan ng iba kung ang totoo ay ikaw naman itong mas malala ang kalagayan?! Bakit alalang alala ka sa iba pero sa sarili mo hindi? Bak—"
"—Because they're more important! Their lives are more important than mine!" I snapped cutting his words. "Leah's life is more worth it than mine, and I'm willing to risk my life for her safety." Ipinikit ko ang mga mata ko. "Oo, nasasaktan ako ngayon pero kung kinakailangan kong iharang ulit ang sarili ko para sa kanila, gagawin ko. Isa pa, I'm the reason why siya nandon kaya ano ang gusto mong lumabas sa bibig ko?"
Hindi ako mag dadalawang isip na gawin ulit ang ginawa ko kung sakaling mangyari ulit ang nangyari, mas gugustuhin kong ako ang makatanggap ng sakit kesa makita silang nasasaktan dahil sa akin.
Iminulat ko ang mga mata ko at sakto namang nag tama ang paningin namin ni Kade, "What?" Matabang na tanong ko dahil matalim ang pagkakatitig niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...