New House

6.1K 171 1
                                    

"Kamusta ang bahay,nagustuhan mo ba?"excited na tanong niya sakin sa  telepono

"Kakarating ko lang,hindi ko pa nakikita ang loob."walang gana kong sagot

Lumipat kasi ako ng bahay today,at ang half sister ko  ang naghanap ng bahay..

"Oh c'mon kuya,cheer up.. maganda dyan...pinili ko nga ang malapit sa gubat,alam ko naman na mahal na mahal mo ang nature..."

Tiningnan ko lang ang bahay mula sa gate,
Sa itsura ng bahay,kitang kita na inaalagaan ito ng maayos...
Maaliwalas din ang kulay nito...
Hanggang second floor ang taas at may rooftop din...
Mula dito nakikita ko kasi ang tanim na mini trees,sa malaking paso.
I guess nagugustuhan ko ang bahay na ito...

"Okay" maikli kong sagot

"Kaizen Pablo ,yun na yon??walang thank you,salamat???"asar na tanong nya..

"Thanks"

"Tipid ha,well anyway..ibaba ko na ito..saglit lang akong tumakas sa trabaho,para tawagan ka...
Ingat ka dyan ha..
Call me if you need anything,ok?..
Bye bye. ..."

"Ok"bago ko ibinaba ang tawag...

Binuksan ko muna ang gate bago muling bumalik sa sasakyan at minaneho  papasok sa loob ng  gate...

"Bagong bahay,bagong buhay..."

Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko,bago lumabas...

Dala-dala ko ang susi ng bahay...
Ng binuksan ko ang pinto,napamangha ako sa bumungad saakin,bawat desinyo at tekstura ng bahay...
Napakaganda...

May chandelier din..
bawat pinto,bintana at kisame  ay wala akong masabi sa ganda ng pagkakaayos...

Malaki ang space,at kompleto narin ang kagamitan...
May mga display ding gawa sa kahoy na mga hayop.

At ang pinaka gusto ko,ang  malaking wolf...
Ang ganda ng pagkakagawa...
Nakakamangha....

Pumunta ako sa dining room...
This house is perfect...

Dahil gutom na ako,mas inuna kong dinala ang binili kong pagkain...
Kaunti lang ,gulay at prutas
Iluluto ko nalang,...

Lumapit ako sa ref,para ilagay muna ang ilang mga binili .
Akma kong bubuksan ko na ito
Ng may napansin akong sulat na nakaipit sa magnet  sa ref.






Kuya Kaizen,
                Kuya,alam kong wala kang oras para mamili dahil tamad ka..
Kaya inutosan ko si Yaya Lissing na ibili ka ng grocery..
Iniwan ko ang contact number ni Yaya ,kaya tawagan mo sya pag naubusan ka na..
Yun lang  ,take care..
                                 Janissa pablo




Ng binuksan ko ang ref,
Punong puno ito ng mga pinamiling grocery...

Tamang tama ,tamad akong umalis ng bahay eh....

Isa pa,wala akong oras...

Matapos kong makakain ,kinuha ko na mga importanteng gamit ko, na iwan sa loob ng kotse...

Isa isa kong dinala sa loob ng bahay,..

Inabot ako ng mga ilang oras bago maubos lahat ng mga dalahin...

Sa pagod ko bigla nalamang akong humiga sa sofa,wala na akong pakialam...

Nakakapagod talaga....

Dala ng pagod sa byahe at pagbubuhat ng mga gamit...
Mas minabuti ko nalamang magpahinga...

Dahil narin sa pagod,kusang pumikit ang aking mga mata...

Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon