NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 54: Confused
PENNY
Napadukdok ako sa lamesa sa canteen. Bakit ba ang tagal ni Kaoru? Ang sabi niya, kakausapin niya lang sandali si kuya Yoshiro (yung senpai niya). Eh bakit 30 minutes na, wala pa siya? Magta-time na para sa last subject oh. Hanep ang babaeng yon ah. Wala na yatang balak bumalik. Nakipag-date na siguro 'yon.
Haist bahala siya! Mag-date sila ni kuya Yoshiro hangga't gusto nila! Nakakainis! Palagi niya na lang kasama si kuya Yoshiro. Nag-seselos na tuloy ako.
Penny, pabayaan mo na. Broken hearted pa yon.
Noong isang gabi ba naman, bigla na lang tumawag sa akin na ngumangalngal. Sinisigaw niya ‘Ang sama sama sama ni Alistair! I hate him!’ Nung tinanong ko kung bakit, pagbabaan ba naman ako ng telepono!? Tapos kinabukasan, hayun, naglabas na ng sama ng loob. Shete! Sarap suntukin ni Alistair! Pinaglaruan niya beshie ko! Isa pa siya eh! Mag-sama sila ni Hudas sa hell! Bagay nga silang mag-kaibigan! Parehong walang pakialam sa nararamdaman ng babae!
Wooh! Relax Penny! Don't stress yourself.
Naku, mauna na nga ako. Siguradong nabarkada na yon. Yari siya sa akin mamaya.
Pumasok akong mag isa. At buong klase, hindi na nga nagpakita ang babaitang ‘yon. Hanggang uwian, wala akong trace sa kanya. Saang lupalop ba siya nagpunta!? Naka-ilang missed calls na ako sa kanya. Nagri-ring pero hindi niya sinasagot.
Tinext ko siya. Sana naman, sumagot siya! Mamatay matay na ako sa pag-aalala rito!
To: Kaoru
Hoy babae! Anyare syo!? Kukutusan kta kpg d ka ngtxt!
"Kyaaaaaaah!" Napatalon ako sa kinauuuan ko nang biglang nagsigawan na naman ng mga babae sa room namin. Una-unahan silang nagtakbuhan papunta sa pintuan ng room namin.
"Penny! May naghahanap sa'yo! Boyfriend mo!" sabi ni Mae, kaklase ko.
Boyfriend!? Sino naman kaya? Binitbit ko ang bag ko at lumabas ng room.
It's Skye. Looking good as usual. Pinagkakaguluhan ng girls. Nang lumapit ako sa kanila, "Bigyan natin sila ng privacy!" sigaw ni Mae sa mga kaklase ko. Nagpasukan naman sila. Atleast hindi sila katulad ng iba na bibigyan muna ako ng nakamamatay na tingin.
"Penny, sabay na tayo," he said—smiling. At hayan na naman, nagu-guilty na naman ako.
"You used him to forget me, hindi ba? You're too desperate to forget me."
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ginagamit ko lang ba talaga siya? But I'm trying my best to love him too, to return his feelings. "Uh, sa ibang araw na lang Skye. May kailangan pa akong puntahan ngayon eh." Naalala ko na makikipagkita pala ako ngayon kay ate Vanessa. Tumawag siya sa akin kagabi. At alam kong masama aang loob niya. Hindi kasi siya sumisigaw katulad ng dati. Malumanay siyang magsalita pero mababakas mo ang disappointment niya.
"Samahan na kita," prisinta niya.
"A-ano. May susundo na sa akin."
"Sino?"
"Si ate V-vanessa. Kailangan ko siyang kausapin ngayon," nakayukong sagot ko.
Halata ang gulat sa mata niya at the same time, disappointment. Naku naman, pakiramdam ko tuloy, ang sama sama ko. Ito ang ayaw ko eh. Ang nagco-cause ako ng ganito kay Skye. "I see. Sige. Bukas na lang. Samahan na lang kita hanggang sa gate."
Hala! Hindi muna kami pwedeng makita ni ate Vanessa na magkasama! "Mauna ka na Skye. H-hindi ko pa kasi masyadong naipapaliwanag kay ate Vanessa ang nangyari. Baka magulat siya kapag nakita niya tayong magkasama. I'm sorry. Don't worry, ipapaliwanag ko na sa kanya lahat."Ipapaliwanag ko talaga. I'll try to fix this. Kailangang matapos na ito.
Ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay. "I understand. Text ka na lang kapag nakauwi ka na. Take care." Hinalikan niya ako sa pisngi bago umalis.
Pinanuod ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Sana ikaw na lang talaga ang mahal ko, Skye. Wala na sigurong problema kung ikaw na lang ang mahal ko. Hindi yung lintek na lalaking yon.
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Genç Kurgu[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...