Chapter 18: Why!?

30.2K 341 36
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 18: Why!?

 
PENNY

 
Napagdesisyunan ko ngayong araw na ito aminin kay Vaughn ang nararamdaman ko. Gusto kong maging malinaw ang lahat. Hindi ko ito naisip noon dahil nasaktan ako sa mga sinabi niya. Pero ngayon, nasa malinaw na akong isipan.  Halos dalawang linggo ko rin ito pinag-isipan. Halos hindi na nga ako makatulog sa kakaisip. Sinadya ko rin na hindi muna siya makita.

 Bawat araw kasi na dumadaan, pabigat nang pabigat yung sakit na nararamdaman ko. Akala ko mababawasan yung feeling ko para sa kanya pag hindi na kami nag-usap. Pero kabaligtaran pa pala ang nangyari. Mas lalo lang nahuhulog ang loob ko sa kanya habang tumatagal.

 Mamayang recess ko siya kakausapin. Kaming dalawa lang. Susundin ko na ang payo ni ate Freya at Kaoru. Alam kong nahihirapan na din silang nakikita akong nagkakaganito. Lalo na si Kaoru.

 Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng excitement. Miss na miss ko na ang boses at ngiti niya sa akin. Namimiss ko na rin tuwing tinatawag niya ako sa pangalan ko, parang tuwang tuwa siyang binabanggit yon.

Pero nakaka-kaba pala talaga! First time kong mag-confess eh! 

Syempre. Siya lang naman kasi ang lalaking nagustuhan ko!

 

 

Siniko ako ni Kaoru.

Napatingin ako sa kanya.

"Bakit para kang pusang hindi mapa-anak diyan?" pangungulit niya.

 Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya ang balak kong gawin ngayon. Kagabi palang kasi nagging final ang desisyon ko.

 "U-uh..ano kasi. A-aano na ako kay a-ano," nangangautal na sabi ko. Tignan mo nga kay Kaoru pa lang kinakabahan na ako. Paano pa kaya kung sa kanya na mismo!?
 
"Ano!? Puro 'ano' lang ang naintindihan ko sa sinabi mo eh! Ayusin mo nga!" nayayamot na sabi ni Kaoru.

 Humugot ako nang malalim na hininga. "A-aamin n-na ako... kay...a-ano...k-kay V-vaughn." Pakiramdam ko, nag init ang pisngi ko.

Nanlaki ang mata ni Kaori. "Huwaaaat!? As in ngayon na!?" bulalas niya.

 "O-oo?"

Tumalon talon si Kaoru. "Uwaaaa! Nice! Good luck girl! Kaya mo yaaan! Aja! Suportahantaka!" sabi niya habang pinagtutulakan ako palabas ng classroom. 

 
Pinigilan ko siya at itinulak pabalik ng room. "Ano ka ba!? Mamaya pang recess no! Atat ka masyado! Excited much!?"
 
Para kaming tangang nagtutulakan sa may pintuan ng room. Lahat ng nakakakita sa amin, natatawa.

"Miss Diaz! Miss Hayashi! Tigilan nyo na nga yang harutan at pumasok na kayo sa loob. Magsisimula na tayo," saway sa amin ni Ma’am Cora, ang Biology teacher namin.

Tumigil kami ni Kaoru. "Sorry po ma’am!" sabay naming sabi.

Habang ongoing ang klase, hindi ako mapakali sa pwesto ko. Parang ang tagal ng oras. At habang papalapit nang papalapit ang time, tumitindi ang kaba na nararamadaman ko. 

Pagkatapos ng ilang oras na pagkaklase, tumunog na ang bell. Ang tunog na kanina pa kinangangatugan ng tuhod ko.
 

Pagtunog na pagtunog nito, hinila ako kaagad ni Kaoru palabas ng room. Hinanap namin si Vaughn. Una sa hallway pero nang hindi namin siya makita roon, dumiretso kami kung saan madalas tumatambay si Vaughn.

 “Ayuun!” turo ni Kaoru. “Sakto! Mag-isa lang siya!” 

 Tinakpan ko ang bibig niya."Ang ingay mo!" Ang lakas kasi ng boses niya. Gusto niya yatang mabisto kami rito.
 
"Uuuy~ this is it!" pang-aasar ni Kaoru.

Nakaramdam ako ng panic. Parang gusto ko nang tumakbo na lang paalis sa lugar na ‘to. "Waaaaaa! Kaoru! Aatras na ako! Hindi ko pala kaya!"

"Sira! Yan na eh! An duwag mo talaga! It's now or never girl!" sabi ni Kaoru habang pinagtutulakan ako.

 "Sandali lang!" awat ko sa kanya.

 "Ano ba!? Ang arte mo naman! Akala ko ba napagdesisyunan mo na ito!?" naiinis na sabi niya.

Hinatak ko siya. “Sa kinakabahan ako eh! Ikaw kaya rito!?” Kung alam lang ng babaeng to ang nararamdaman ko ngayon! Oo nga at desidido na akong gawin ito pero kinakabahan pa rin ako!

Nagtago muna kami sa may halaman na malapit doon.

 Umupo ako nang maayos at huminga nang malalim paulit ulit. Kailangang pakalmahin ko muna ang puso ko.

 
Kaoru rolled her eyes. "Kaartehan nga naman oh

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon