Before you start reading, I want to warn you. This chapter contains violence. Hindi man ganun ka-elaborated at detailed, please, be open minded pa rin. Okay?
You're warned..so enjoy! ;)))
Fool
Special Chapter 7: Danger
Kaoru's POV
"Kaoru-chan? Are you okay?" Inalalayan akong tumayo ni Yoshiro-senpai.
"Okay lang po. Na-out of balance lang." Nasa kalagitnaan kami ngayon ng kendo practice. Tinuturuan ako ni Senpai kung papaano ang tamang handling ng shinai at ng tamang tindig.
"Are you sure? Parang lagi kang wala sa sarili mo nitong mga nakaraang araw eh. Something's bothering you?" nag-aalalang tanong niya.
Yumuko ako. Masyado pa rin kasi akong apektado sa nangyari. Ilang gabi nga akong hindi makatulog dahil doon.
"Well, you thought wrong. Masama ako. Katulad nila ako. No! Mas masama ako kesa sa kanila. At hindi lang yun. I'm dangerous. Kayang kaya kitang paglaruan. Kayang kaya kitang saktan! In just one snap. And guess what, I just toyed you! Sa'yo ako pinaka-naaliw sa pakikipaglaro. Napakadali mo kasing paikutin. Pero sawa na ako eh. Ayoko nang makipaglaro sa'yo. You're starting to get into my nerves!"
Nag-iinit na naman ang sulok ng mga mata ko.
No Kaoru! Don't cry. Especially in front of Senpai. I shook my head to stop myself from crying. "Pwede po bang break muna?"
"Sure. Come on. I'll treat you."
Nginitian ko siya. "Sasabay po ako ngayon kay Penny. Medyo nagtatampo na po siya eh." Nitong mga nakaraang araw kasi, lagi akong nasa kendo club kaya lagi kong nakakasama si Yoshiro-senpai. Medyo nagtatampo na nga si Penny. Bakit daw laging si Senpai ang kasama ko. Pinagpapalit ko na raw siya.
Dito kasi, nakakalimutan ko kahit papaano ang problema ko. I feel like I'm home.
"Okay. Balik ka na lang mamayang vacant mo."
Nagpaalam na ako kay Yoshiro-senpai at pumunta sa canteen.
Nadatnan ko roon si Penny na nag-iisa at parang may malalim na iniisip.
I snapped in front of her na ikinagulat naman niya. "May problema ba?" tanong ko. Umupo ako sa katapat niyang upuan.
"Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong niya.
Hay...si Penny talaga. May sarili na siyang problema, ako pa rin ang iniisip. Kaya nga love na love ko 'to eh. "Oo naman. Katatapos lang ng practice namin ni Senpai. At I'm doing good sa kendo. Gumagaling na ako! Gusto mo, demo ko sa'yo natutuhan ko?"
Ngumiti siya at tumango. "Sige. Punta ka sa amin bukas."
Masaya kaming kumain ni Penny. Nagku-kwentuhan ng kung anu-ano. Nakakatawa, kalokohan at iba pa. Iniiwasan naming pag-usapan yung dalawa. Ngayon kasi, pareho na kami ng kapalaran. Siya ipinag-palit sa iba, ako naman, pinag-laruan. Pareho na kaming kaawa-awa ngayon.
Ay may swerte pa rin pala si Penny. Nandiyan si Skye para sa kanya. Nakaka-inggit nga eh. Sana may ganun din ako para naman makalimutan ko na si Alistair.
Nagkikita pa rin naman kami, pero parang hindi na kami magkakilala. Napansin ko ring iba't-ibang babae ang kasama niya. At parang enjoy na enjoy naman siya sa company nila. Magsama-sama sila sa empyerno! Wala akong pakialam sa kanila!
Katulad din pala siya ng iba eh. Well, lalaki nga naman. Hindi nakukuntento sa isa. Hindi ko naman nilalahat. Pero karamihan ganun. Bakit ba ang hilig nilang paglaruan ang damdamin ng mga babae? Sa kanila kaya gawin? Sheeeet! Nakakainis!
Tssss...bitter na kung bitter! Sino ba naman kasi ang hindi mabi-bitter doon?! -.-
---------------------
Vacant....
"Penny. Dito ka lang. Babalik ako after 30 minutes. Pupuntahan ko lang si Yoshiro-senpai," paalam ko kay Penny. Katatapos lang ng second to the last subject namin at may 45 minutes kaming vacant.
Bumusangot naman ang mukha niya. "Yoshiro-senpai na naman."
Natawa ako. "Eto nga oh. Magpapa-alam ako para mamayang uwian, sabay tayo. Tampururot ka pa diyan!"
Lumiwanag bigla ang mukha niya. "Talaga? Sabay tayo?"
Tumango ako. "Hintayin mo ako rito ha!" sabi ko habang kumakaway sa kanya at tumatakbo palayo.
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...