Chapter 11: Nightmare

33.4K 369 25
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 11: Nightmare

 
PENNY

 
Nasa gitna ako ng garden nina Vaughn. Ang ganda talaga rito. Napakaraming mababangong bulaklak. Parang paraiso.

“Penny!”

Napalingon ako at hinanap kung sino ang tumatawag sa’kin. At nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin, kusa na lang akong napangiti.

 "Vaughn."

Nakita ko si Vaughn, nakangiti rin sa akin. Tapos lumapit siya at hinalikan ako sa noo. Parang nangyari na ito. Yung nga lang, iba ang lugar. Pareho rin ang pakiramdam.

"I love you," bulong niya.

Ibinuka ko ang bibig ko para sumagot. Pero, walang lumabas na kahit anong lumabas na salita sa bibig ko. Napahawak ako sa leeg ko.

 Tumalikod siya. At naglakad papalayo.

 "Teka Vaughn!" Hinabol ko siya. Pilit akong sumisigaw, pero walang kahit anong tunog ang lumalabas sa bibig ko.

 Hindi siya lumilingon. Papalayo siya ng papalayo sa akin kahit na tumatakbo ako at siya naglalakad lang. Bakit hindi niya ako naririnig?

 "Vaughn!" sigaw ko ulit.

Bakit hindi ko marinig ang sarili kong boses? Bumibigat na din ang mga paa ko. Nahihirapan akong humakbang. Natatakot na ako. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

 Yung magandang garden kanina, biglang naging gubat na madilim. Maraming lantang puno. Para ring maya mababangis na hayop na kahit anung oras, pwedeng lumabas.

"Vaughn! Hintayin mo ako! Please!" sigaw ko. Bakit niya ako iniiwan?

Hindi! Ayoko! Wag! Wag kang umalis Vaughn! Please!

 "VAUGHN!"

 

 

 

 "Penny, gising," sabi ng isang boses
Napabangon ako bigla. At nakita ko sa tabi ko si daddy. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit at umiyak sa balikat niya.
 
“Daddy! I-iniwan niya ako. Ang dilim. Natatakot po ako!”

 Hinaplos ni daddy ang likod ko. “Shh..shh. It's okay darling. Daddy is here”

Nanatili lang kaming ganun hanggang sa kumalma na ako. Hinahaplos haplos ni daddy ang likod ko.

 Bigla akong nahiya kay daddy. Sabi kasi ni kuya Peter, nag i-sleeptalk ako. Baka narinig ni daddy na binanggit ko yung panglan ni Vaughn.

 Napansin kong nakapang-alis si daddy. 12:00 na ng hating gabi. Saan naman siya pupunta?

 "Daddy, saan po kayo pupunta?"

Biglang parang may naalala si daddy. "Magbihis ka na din anak. May pupuntahan tayo."

"Eh!? Saan po?" Sa ganitong oras!?

"Nasa hospital ang mama ni Vaughn," malungkot na sabi niya.
 
Nanlaki ang mata ko. "ANO!? Bakit po!? Ano pong nangyari!?"

"Hindi ko alam anak. Tumawag na lang sa akin si tito Vassil mo at sinabing nasa hospital daw asawa niya. Magbihis ka na anak, hintayin ka na lang namin sa baba," sabi ni daddy bago lumabas ng kwarto ko.

 
Dali dali akong nagbihis. Kinakabahan ako. Baka may nangyaring masama kay tita Lea.

 

 Habang nasa biyahe kami, hindi ako mapakali. Siguradong malungkot ngayon si Vaughn. “Vaughn,” bulong ko.

 

--------------------------

 Pagdating naming sa hospital, pumunta kaagad sa reception table si daddy. "Miss, saan po ang kwarto ni Lea Laguema, yung naaksidente?" tanong ni niya doon sa nurse.


Naaksidente!?

 "Nasa ER pa po siya sir. Diretsuhin nyo lang po yung kaliwa," sagot ng nurse.

 "Sige, salamat."

Dali-dali kaming tumakbo doon sa itinuro nung nurse.

Habang papalapit kami, nakita ko sila. Naroon si tito Vassil at Vaughn. Naroon din ang ate niya at kalong yung bunso. Nakatanaw lang sila sa may salamin ng ER.

 Inakbayan ni daddy si tito Vassil. "Pare." 

Halatang naiiyak  si tito Vassil. Walang kurap siyang nakatingin sa may salamin. Yung ate naman ni Vaughn, iyak na nang iyak. Pero si Vaughn, nakatulala lang. Nakatingin sa may salamin ng ER. Pero kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya.

Napansin ko ring pumutok yung ibabang labi niya. Ano bang nangyari?

 Tumingin din ako sa may salamin. 

Natataranta lahat ng tao sa loob. Pinupump yung chest ni tita. Tapos merong silang idinidikit sa chest niya. Umaangat ang dibdib niya kapag inalis nila ang bagay na ‘yon. Katulad siya nung mga napapanuod ko. 

 
Pagkatapos ng ilang minuto, nakita kong yumuko yung doktor pati ang mga nurse. Tapos tinakpan nila yung mukha ni tita ng kumot. 

 Napatakip ako ng bibig. H-hindi ba, ganun ang ginagawa sa tv kapag namatay na yung pasyente?

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon