NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 37: First Day
PENNY
"Remember the rules," sabi ni Vaughn habang bumibyahe kami papuntang school. First day of school namin ngayon at sabay kaming pumasok katulad ng napagkasunduan. Pareho kaming nasa back seat habang si Mr. Smith naman ang nagmamaneho.
"Opo," nakasimangot kong sagot.Tss. Yung rules na siya lang ang gumawa. May pa-natin natin pa 'tong nalalaman, eh siya naman lahat ang nasunod.
Nang malapit na kami sa school, napansin kong nag iba ang daan namin. Hindi papuntaqng front gate."Oy Vaughn. Bakit dito tayo dumaan? Doon sa kabila ang papasok," sabi ko kay Vaughn.
"Sa likod tayo dadaan," matipid na sagot niya.
"Ha? Bakit?"
"Wag ka nang maraming tanong," masungit na sabi niya.Psh! Sunget talaga nito. Kahit kailan.
Magkikita pa naman kami ni Kaoru sa front gate. Paano kaya niyan? Hihintayin ako non. Oh well, tatawagan ko na lang siya mamaya.
Pagkadating namin sa backgate, wala akong nakitang mga estudyante. Dinadaanan lang kasi ang back gate ng mga importanteng tao. Which is nakakapagtaka sa lalaking ‘to. Feeling VIP lang? Isa pang nakakapagtaka, ipinagbukas naman siya ng mga guard.
Nag park si Mr. Smith sa dulo ng parking lot ng school. Wala pang gaanong ao sa mga oras na ‘yon.Unang bumaba si Vaughn. Bago pa man ako makababa, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalabas ng sasakyan. Dahil doon, namula ang buo kong mukha. "O-oy. May paa naman ako eh," protesta ko.
"Ang bagal mo eh. Malelate na tayo."
"7:00 am pa lang naman ah." 7:30 pa kaya ang pasok namin.
He glared at me. "Tch.Wag na ngang magreklamo. Hahawakan ko ang kamay mo kung kailan ko gusto." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
Lalo naman akong namula doon. "R-rule number 3 ko!" Kainis 'to. Siya pa naman ang nagpa-alala sa akin na kailangang sundin ang mga rules. Tapos, hindi pa man kami pumapasok, nilalabag niya na agad.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit? PDA ba 'to? May nakikita ka bang ibang tao bukod sa ating dalawa?"
Yumuko ako. "E-eh? W-wala."
He smirked. "Hindi ko nilalabag ang rule number 3 mo."
Napasimangot ako. Hindi talaga ako nananalo sa isang 'to. "Sabi ko nga. Panalo ka na." Hinayaan ko na lang na hilahin niya ako. Sa totoo lang, I kind of like it.
Habang naglalakad kami, napansin kong wala pang tao. Nakakapagtaka naman. First day of school. Dapat maraming taong pakalat kalat dito. Teka? Tama ba yung schedule na napunta sa akin? Ngayon ba talaga ang pasukan? Baka next week pa pala.
Kinalabit ko si Vaughn. "Uhm, Vaughn?"
"Hmm?"
"Nasaan ang mga tao?"
He shrugged. "Aba malay ko. Kasabay mo lang naman akong pumasok, bakit ako ang tinatanong mo?"
Takte! Nice talking talaga oh! Kahit kailan, ang tino talaga nitong kausap!
Hindi ko na pinansin kung wala mang tao o wala. Baka nag tipon tipon lang ang mga yon kung saan.Inihatid muna ako ni Vaughn sa building namin. "Susunduin kita mamaya rito. Hintayin mo ako," sabi niya pagdating namin sa tapat ng room ko.
"Okay!" Diba ang taray!? Susunduin pa ako! Saan ka pa!?
Papasok na sana ako ng room pero hinawakan niya ako sa braso. "Oy! Oy! Oy! May nakakalimutan ka."I looked at him—puzzled. Ano naman kaya yon? Tinignan ko yung loob ng bag ko. Notebook, ballpen, certificate of enrollment blah blah blah. Nandito naman lahat. Anong nakalimutan ko? "Anong nakalimutan ko? Nasa bag ko naman lahat eh."
He grinned. "Kiss."
Ay Hudas Barabas! Ano raaaaaw!? "HAAA?!" nanlalaki ang matang tanong ko. Aatakihin yata ako sa puso sa lalaking 'to. Bigla bilang hihirit nang ganon!
"Kiss ko!" nakangisi pa rin niyang sabi.
Ipinakita ko sa kanya ang kamao ko. "Heto, gusto mo!? Kiss ka diyan! Kiskisin ko yang mukha mo eh! Nakakahiya ka talaga!"
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...