NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 48: Shattered
PENNYHindi na ako pumasok sa mga susunod kong subject. Pumunta na lang ako ng mall. Gusto kong aliwin ang sarili ko. Ayaw kong magpaka-depress dahil sa walang kwentang lalaking yon.
Napapansin ko, nagiging hobby ko na ang pagka-cutting ah. Tsk, bad Penny.
Inilibot ko ang paningin ko. Ano kayang magandang gawin dito? Sana pala isinama ko si Kaoru.
Naalala ko bigla si ate Vanessa.Aha! Food trip!
Una akong pumunta sa Frozen Stick. Gustong gusto ko talaga ang ice cream nila. Kakaiba kasi. Na sa loob ng isang waffer stick yung ice cream.Um-order ako ng dalawa. Isang chocolate at isang cookies and cream. Sana kahit papaano mapagaan nito ang nararamdaman ko.
Habang naglalakad ako at kinakain ang ice cream ko, biglang may nakabangga sa akin. Napaupo ako sa lapag dahil sa lakas ng impact. Nalaglag tuloy sa sahig ang isang ice cream.
"Sorry miss," sabi nung lalaki tapos tinulungan akong tumayo.
"Okay lang po kuya," sabi ko. Kahit hindi naman talaga. My poor ice cream!
"Oh. Im sorry about the ice cream. Bibili na lang ako ng bago," he said.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Naku wag na p-p-p-po." Muntik ko nang mabitawan yung isa pang ice cream tapos muntik na malaglag yung panga ko pagkakita ako sa mukha niya.
Oh my golly! Ang gwapo! Matangkad na tisoy at ang amo ng mukha. Mukha siyang anghel. Perfect white teeth with a perfect smile. Tapos may dimples! Kyaaaah! Dimples teh as in DIMPLES! Ang cuuuute! Oo, may dimples din ako, pero di hamak na mas maganda yung kanya!
"Uhm, miss are you okay? Nasaktan ka ba?" Halata sa mukha niya ang pag-aalala."A-ano. W-wala! Okay lang a-ako." Hala! Nauutal ako!
Ngumiti siya at tumango. "Oh okay. By the way, I'm Julian. And you are...?" Inilahad niya ang palad niya.
Nahihiya kong iniabot ang kamay ko. "P-penny."
"You're beautiful," sabi niya. He smiled at me.
Nag init ang pisngi ko. "T-thank you,” nahihiyang sabi ko.Tumingin siya sa orasan niya. "I'm late! It's nice to meet you Penny. Sorry ulit. Sa susunod nalang yung bayad ko sa ice cream mo ha. Ililibre kita nang marami para makabawi ako sa'yo," paaalam niya.
Natawa ako."Paano mo naman nalaman na magkikita pa tayo?"
He flashed his handsome smile again. "Of course. I have a strong feeling na magkikita ulit tayo.”
Tapos non, tuluyan na siyang umalis.I felt disappointed.. Sana siya na lang si Mr. N or Mr. J. Basta katulad doon sa kwento ni Skye na secret admirer ko o ni Ms. C. Sana, mapalitan na agad si Vaughn dito sa puso ko.
Napailing ako. What am I thinking!? Nandito ako para mag-enjoy. Hindi ko dapat siya iniisip.
Ipinagpatuloy ko na ang food trip ko. Lahat nung pinuntahan namin dati ni ate Vanessa, pinuntahan ko rin. Pero hindi kinaya ng tiyan ko ang ganun karaming pagkain. Kaya sumuko rin ako.
Pagkatapos kong mag-food trip, pumunta naman ako sa isang arcade. Bumili ako ng 20 tokens. Buti na lang, marami akong natira sa allowance ko.
Inilibot ko ang paningin ko para humanap ng magandang paglaruan.Napangiti ako nang madako ang tingin ko sa isang side. Oooh! Drums!
Naglaro ako ng drums. Maganda 'tong pagbuhusan ng galit. Nag-start na ang song at parang nakakagana nga ang tugtog. Ang lakas lakas. Inihampas ko yung sticks sa drums. Oh, that feels good. Itinuloy-tuloy ko ang paghampas. Iniimagine kong si Vaughn ang hinahampas ko.
Ang sarap pala sa feeling nito. Nakakagaan ng loob. Naghehead bang pa ako habang tumutugtog. Yung iba, pinagtitinginan ako. Akala siguro nila, nababaliw na ako. Pakialam ba nila? Sa depress ako eh, walang pakialaman!
After 45 minutes of palying, naka-10 na tokens na ako sa drums na ito. At ang dami nang naghihintay na matapos ako. Ang sama na nga ng tingin nila sa akin eh. Ngayon ko napansin na sumasakit na rin pala ang kamay ko. Pulang-pula na. Tapos medyo nahihilo na rin ako kaka-head bang. May crack na rin yung drum sticks dahil sa sobrang lakas ng pagkakahampas ko. Sige na nga, titigil na. Baka mamaya masira ko pa 'to. Pabayaran pa sa akin.
Anong gagawin ko rito sa 10 tokens? Kakainin? Tss. Bakit kasi ang dami kong binili?
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...