Chapter 52: Are you Freakin' Serious!?

31K 329 36
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

 

Chapter 52: Are you Freakin' Serious!?



Penny's POV

I smiled at Skye. "Salamat sa paghatid.” 

Nasa harap kami ng subdivision namin. Inihatid ako ni Skye galing school.

"You're welcome princess. Simula ngayon, obligasyon ko na 'to bilang manliligaw mo," nakangiting sabi niya.


"Er, oo nga pala." Medyo awkward pa ring pakinggan na manliligaw ko na si Skye. Mula nung harana slash confession niya kanina, kami na ang magkasama nang buong araw. At talagang nakakapanibago! Kung dati, hindi ko binibigyang malisya ang mga sweetness niya, iba na ngayon! Aware na ako sa motive niya. At medyo nakakailang nga.

Ang dami kong death glares at pagpaparinig na natanggap kanina! Buti na nga lang at kasama ko si Skye, kung hindi, baka nakuyog ako ng mga fangirls niya!

"Pasok na ako ah," paalam ko.

"Uhm...wait," pigil niya.

"Yes?"

"Y-yayayain sana kitang mag-date bukas. Tutal, wala naman tayong pasok. Kung hindi ka lang naman busy," nahihiyang sabi niya.


Ngumiti ako. "Sure."

"Talaga?" masayang tanong niya.

"Oo naman. Wala rin naman akong gagawin bukas eh."

Napatalon siya. "Yes!" sigaw niya. "Sunduin na lang kita ng 4 pm sa bahay niyo."

Napayuko ako. "Uhm. Magkita na lang tayo sa kanto. Hindi pa kasi alam nina kuya....na.....na hindi na kami ni V-vaughn."

Halata ang lungkot sa mukha niya pero ngumiti pa rin siya. "Oh I see. Sure, sige! Kung saan ka mas kumportable."

I smiled. "Salamat Skye. Sorry kung hindi kita kaagad maipapakilala sa kanila para pormal na manligaw." 

Hinawakan niya ako sa kamay. "No problem naman doon eh. Naiintindihan ko naman. Don't worry, I can wait, kahit gaano pa katagal." 

Parang may humaplos sa puso ko. Na-touch naman ako roon. Na-aappreciate ko talaga yung understanding at effort niya.

"Good night princess." 

"Good night," paalam ko rin. He kissed me on the cheeks. Tapos, umalis na rin siya.

Dapat nga siguro, mag-move on na ako. I should go on with my life. Even without him. Nakayanan ko naman yung tatlong taon na wala siya eh. Hindi rin siguro iba yon sa ilang taon pa o forever ng buhay ko.




Nagtimpla muna ako ng gatas bago dumiretso sa kwarto ko. Buti na lang at nasa kani-kanilang kwarto ang mga kuya ko. Lalo na si kuya Philip. Siguradong tatanungin na naman ako nun kung bakit hindi si...V-v-voldemort ang naghatid sa akin. Na magigig dahilan ng pagdugo ng utak ko dahil sa kakaisip ng dahilan.

Nakakapagod ang araw na ito. Ang daming nangyari. At talagang gulong-gulo na ako!

Nasaktan na naman ako dahil sa kanya at ate Freya. Tapos, Skye confessed, sa harap ng maraming tao! Gosh! Nakakaloka ang buhay ko! Pang-telenovela!

Talaga ngang tuluyan nang nabago ang ikot ng buhay ko ngayon. Hindi na maibabalik sa normal. Kung sabagay, hindi na naman normal ang buhay ko mula nang makilala ko siya.

Nagulantang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. It’s ate Vanessa.


Uh-oh! Bakit siya tumatawag!? Alam na ba niya ang nagyari!? Alam na ba niyang wala na kami ni....Voldemort!?

Nanginginig ko iyong sinagot. "H-hello po?"

('LIL SIIIIIIIS!)
tili niya.

Inilayo ko sa tainga ko ang cp. Ang lakas niya talagang sumigaw.  "Oh ate Vanessa. N-napatawag ka?" kinakabahang tanong ko.

(Wala. Nangungumusta lang. Miss na kasi kita eh. Tagal na nating hindi nagkikita. Punta ka naman sa bahay oh! Puhleeeease!)

Phew! Mukhang hindi niya pa alam. "B-busy po kasi ako eh."

(Huhuhu! Ganyan ka naman eh. Hindi mo na ba ako love?)

Natawa ako. Na-imagine ko kasing nag-pout siya sa kabilang linya. "Love po, syempre. Marami lang po talagang.....nangyari." Uminom ako ng gatas para tanggalin ang kaba ko.

(Hmmmf! Sige! Naniniwala ako! Kumusta pala kayo ni bro ko? Ni-aaway ka ba niya?)

Nasamid ako bigla sa iniinom ko.

(Oh. Okay ka lang?)

"O-opo. Okay lang ako. Nasamid lang po ako sa iniinom ko."

Tumawa siya nang malakas. (Naku sis! Nakakatuwa ka talaga! Ay nga pala, libre ka ba bukas?)

Bukas? May date ako kay Skye! "Uh, may appointment po ako."

(Oh, a date? With my brother?)

Muntik ko na namang maibuga ang iniinom ko. "Naku hindi po!"

(O hindi naman pala eh. Ang valid reason lang na tatanggapin ko ay kung may date kayo ni Vaughnie. Pero bukod doon, invalid reasons na! Punta ka rito sa amin! Ay pasundo na lang pala kita kay Mr. Smith! Mga 3 pm, magbebake ako ng cake. Syempre tutulungan mo ako! Tapos sa gabi, slumber party naman! Dito ka matulog! Weeee! Nakaka-excite naman! Magkwentuhan tayo hanggang umaga!) tuloy tuloy na sabi niya. Hindi man lang kao binigyan ng chance na mag react.

Oh no! Paano yan!? May date ako! Hindi ko naman pwedeng sabihin na iba ang ka-date ko. Siguradong magtatanong siya. Anong gagawin ko!? Ayoko namang tanggihan siya, binalak na niya lahat ng gagawin namin eh.

(Lil sis? You still there!? Buhay ka pa!?)

"O-opo."

(Oh ano? Agree ka, diba? Diba? Hindi mo naman bibiguin ang ate mo, diba?) Pina-sweet niya ang boses niya.

"S-sige po," napipilitan kong sabi. Nakaka-konsensiya kaya! Ang hirap niyang tanggihan eh! Ica-cancel ko muna ang date namin ni Skye. Sorry Skye.

(Good! Akala ko tatanggi ka eh. Kung nagkataon, gagamitan sana kita ng dahas.)

Nanlaki ang mga mata ko. "E-eeh?!"


(Hehe. Joke lang! Pero seriously, magtatampo talaga ako sa'yo kapag tinaggihan mo ako. Masaya kasi ako ngayong magkakaroon na ako ng little sister. Sawa na rin kasi ako sa puro brother lang eh. Kaya nga nang ma-engage kayo ni Vaughnie, isa ako sa mga napasaya mo. Salamat sa pagdating mo sa buhay namin ng kapatid ko Penny. We're really blessed.)

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nakokonsensiya ako. Gusto kong umiyak. Im so sorry ate Vanessa! Pakiramdam ko, binigo ko siya. Ang sama ko talaga.

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon