Chapter 7: Date?

37.7K 412 31
  • Dedicated kay Eric Ocampo
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 7: Date?

 
PENNY

 Sabay kaming naglalakad ni Vaughn palabas ng school. Bawat madaanan naming, napapatingin sa aming dalawa. Lumayo ako nang kaunti sa kanya. Naiilang kasi ako.

 "Tawagan ko muna sandali sina kuya ko ah," paalam ko sa kanya. 

"Okay."

Si kuya Philip ang tinawagan ko. Kasi si kuya Peter siguradong aasarin lang ako. T

Idinial ko ang number ni kuya.
 
(Hello?)

 "Kuya, hindi ako sasabay sa inyo ngayon."

 (Ha!?Bakit!?) masungit na tanong niya.

"Eh kasi…" Sumulyap muna ako kay Vaughn. Nakakahiya naman kasi sa kanya kung maririnig niya pa ang usapan naming ni kuya.


Sumenyas siya na mauna na siya sa may gate. "Okay," bulong ko

 (Hoy Penny! Tinatanong kita!)


Inilayo ko yung cp ko sa tainga. "Aray naman kuya! Bakit ba kailangan mo pang sumigaw?"

(Ano, bakit kasi hindi  ka sasabay?)

Napakaimpatient talaga ng kuya kong ‘to.

"Kasabay  ko si Vaughn," bulong ko.

 (ANO!? HINDI PWEDE! LALAKI PARIN YAN! BAKA MAMAYA ANONG GAWIN SAYO!)

 

Iniilayo ko ulit nang kaunti ang cp ko sa tainga ko. Buwiset naman kasi, sigaw nang sigaw. Ang oa talaga ni kuya pagdating sa’kin. -.-

"Kuya naman eh. Sabay lang naman kaming uuwi. Kung makapagreact naman ‘to dinaig mo pa si Daddy."

 (Bakit kasi kailangan sabay pa kayo!?)

 "Kuya please naman oh. Mabait naman si Vaughn eh. Diba nga, sinave niya na buhay ko?"

 Natahimik sandal si kuya sa kabilang linya, tapos narinig ko siyang bumuntong hininga.

(Okay sige. Basta dapat iuwi ka lang niya sa bahay ng buo at wag masyadong papagabi ha?)

 Napangiti ako. "Okay kuya! Salamat! Mwah! Mwah!"

(Siguraduhin mong iuuwi ka niya nang maayos ha?)

"Yiiiih! Thank you kuya! Alabyu!"

 Narinig kong tumawa muna si kuya bago niya ibinaba ang telepono.

 

Tumakbo ako palabas ng gate kung nasaan si Vaughn.

"Let's go?" tanong niya.

Tumango ako.


Sabay na kaming naglakad. Noong una, walang nagsasalita sa aming dalawa. Medyo nakakahiya nga eh. Pero masaya ako. Masaya ako na napaplapit kami sa isa’t isa.

"Uhm, buti hindi ka sinundo ng butler nyo?" tanong ko.

"Hindi talaga ako nagpasundo, para sabay tayo,” nakangiting sabi niya.
 
Pakiramdam ko, namula na naman ako. "A-ah. Ganun ba?" Shemay! Kilig much ako!

 
Tumawa siya. “Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa akong sunduin. Malapit lang naman ang bahay namin sa school.  Masyado akong binibaby ni mama."


Nagsmile lang ako sa kanya. Pareho kami. Oo nga, halos katapat lang ng subdivision namin ang mansion nina Vaughn.


 "Gusto mo ng ice cream?" tanong niya sa akin nang may napadaang naglalako ng ice cream.

Tumango lang ulit ako. Yehey! Favorite ko ang ice cream!
 
"Manong, dalawa pong corneto,” sabi niya sa naglalako.

 "40 pesos lang hijo," sabi nung mama kay Vaughn.


Naglabas ng one thousand si Vaughn at iniabot kay mamang mag-a-icecream.

Whoah! Ang yaman ! Ang daming one thousand sa wallet. Sabagay, sa laki ba naman ng bahay nila hindi na nakakapgtaka yon.

Napakamot sa ulo si manong. “Ah..eh. Hijo, wala ka bang barya? Hindi kasi malakas ang benta ngayon eh kaya wala akong panukli.”

"Sige po, keep the change na lang," mabilis na sagot ni Vaughn.

 

Nanlaki ang mata nung mama habang tinitignan yung one thousand sa kamay  niya.

Bago pa ako makapag-react, hinila ni Vaughn ang kamay ko.
 
"Bakit mo ibinigay yon!?" tanong ko nang makalayo kami.

Nag-shrug siya. "Wala raw siyang barya eh."

"Balikan natin! Ako nalang magbabayad! May barya ako!" sabi ko sabay talikod. Babalikan ko yung mama. Itong lalaking ‘to akala mo nagtatapon ng pera.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.”Hep! Hep! Hindi pwede. Nakaalis na yon. Isa pa, masasaktan ang ego ko bilang lalaki kung ikaw ang magbabayad.”

 
Ano ba yung ego na yon? Palibhasa anak mayaman kaya kung makapagwaldas ng pera, wagas! -.-

"Oh," sabi niya sabay abot sa akin ng isang corneto.

Tinitigan ko lang yung ice cream na nasa kamay ko. Parang  hindi ko ‘to kayang kainin.

 “Hindi mo pa kakainin yan? Matutunaw na yan."

Grabe, paano ko naman kakainin ang 500 worth na ice cream na to!? Baon ko na yun ng two weeks eh. Bente pesos lang naman kasi talaga ‘to eh!

"Sige na kainin mo na yan."

Hindi ko pa rin ginagalaw yung ice cream.

 Bumuntong hinigan siya. "Sige, kapag nakita ko ulit yung mamang yon, babawiin ko yung sukli. Yan, masaya ka na? Bilis na kainin mo na, bago pa matunaw." 

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon