NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 14: Goodbye Angel
VAUGHN
I clenched my fist while watching her running away. Something dropped from my eyes. Pagkatapos ng libing ni mama, ngayon lang ulit ako pinatakan nito.
I remembered Penny’s face. When she asked me if I meant it when I said that I am happy being her friend, I wanted to shout yes.
Pero hindi na siya pwedeng mapalapit sa akin. Dapat lumayo siya sa akin. That way, I won’t be able to hurt her.
*Flashback*
Unang araw na papasok ako pagkatapos ng libing ni mama. Ayoko pa talagang pumasok pero baka mas mabaliw ako kapag nag-stay ako sa bahay.
Habang naglalakad ako at mapadaan ako sa tapat ng cr ng mga babae, may narinig akong nag-uusap.
“Tsk. Sumusobra na talaga ang..ano kasing pangalan niya? Penny ba ‘yon?”
Hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng iba, pero may masamang kutob ako sa isang ‘to. She mentioned Penny’s name.
"Siguradong mapapahiya siya sa gagawin nating ito,” tumatawang sabi nung babae sa loob. Hindi ko sila makita pero alam kong dalawa silang nag uusap.
"Hindi lang yon! Masakit ito pag bumagsak sa kanya! Siguradong bukol!" sang ayon nung isa.
Sumilip ako para makita kung sino ang mga nag uusap na ‘yon. May hawak silang pulang pintura na nasa lata.
Napayukom ako.
“Ang kapal ng mukha niyang sumama kay Vaughn! Sino ba siya sa akala niya!?”
So, this crap is all about me!?
"Oo nga! At umupo pa siya doon sa ilalim ng puno ng prince natin at tinabihan niya pa! Ang bata pa pero ang landi na!"
Kung hindi lang sila mga babae, baka sinugod ko na sila sa loob at pinadugo ang bibig. How dare them call Penny that way!?
"Mamayang uwian?"
"Oo, abangan natin siyang lumabas, tapos pag nasa tapat na siya ng canteen, ibuhos natin ito at ilalag yung lata."
They both laughed wickedly.
Nang lumabas sila, hinarangan ko sila. I remembered them. Sila yung dalawang babaeng dumaan noong nasa ilalim kami ng puno ni Penny.
They both gasped in horror. "V-vaughn!"
I glared at them.
"K-kanina ka pa diyan?"
"Kaninang kanina pa," I said coldly.
Yumuko silang pareho at halatang takot na takot.
Lumapit ako sa kanila hanggang sa kapwa silang mapasandal sa pader. They hugged each other—terror is in their faces.
Dinuro ko sila."If you two touch her— just touch her! You'll regret it with your lives. Sisiguraduhin kong hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko sa inyo!" banta ko.
"S-sorry!" sabay nilang sabi tapos tumakbo na sila papalayo.
*end of flashback*
That’s why I’ve decided to drive her away. Lahat ng sinabi ko sa kanya kanina, kasinungalingan lahat nang ‘yon.
I can’t be selfish. Kailangan ko siyang protektahan. Even if it meant driving her away from me.
Nagulat ako nang sabihin niyang hindi siya galit sa akin. I thought I’ve messed up. Pero pumayag siyang lumayo sa akin. I can see that I have hurt her. That look in her eyes. Those tears..., I wish I can wipe them away.
Masakit…
It’s almost the same pain I’ve felt when mom passed away. Sa pangalawang pagkakataon, nawalan ako ng taong mahalaga sa buhay ko.
Kinuyom ko ang palad ko. Baka magbago ang isip ko. I might chase her, hug her close and take back what I have said.
Hindi iyon pwede. Dito na dapat matapos lahat.
“Good bye, my angel,” I whispered.
to be continued...
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...