NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 5: Angel
VAUGHN
"Ow!" daing ni Penny nang ilapat ko ang bulak na may betadine sa sugat niya. Napadiin yata pagpapahid ko.
"Sorry. Tiisin mo lang nang konti," sabi ko na lang. Inilapat ko ulit yung bulak sa sugat niya, this time, more gentle.
Napansin kong tinititigan niya ako habang ginagamot ko ang sugat niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong natuwa.
"Oh, wag pakatitig. Baka malusaw ako niyan," pang-aasar ko.
Na-tense siya. "H-ha? A-ano.. b-bakit mukha kang k-korean?" tanong niya.
So, talaga palang tnititigan niya ako. I smiled. "Half korean kasi si mama. Bale parang naging mas dominant yung genes niya sa itsura ko," explain ko sa
kaniya.
"Ah," sabi niya lang.
Nakakatuwa talaga siya. Kaninang nasa labas kami, I feel so comfortable with her. At pakiramdam ko, lalong gumanda ang garden ni mama.
"Yan tapos na! Masakit pa ba?"
She smiled—showing her cute dimples again. "Konti na lang. Salamat ha."
I patted her head. "You're welcome. Sa susunod mag-ingat ka ha."
She stood up and tried to walk. "Ow!" daing niya.
Hinawakan ko siya sa braso para alalayan. "Oh, dahan dahan lang,” I said as I guided her to walk.
"Okay lang ako," she said with a smile.
I got mesmerized by her smile again. She’s pretty with her dress tapos idagdag pa yung ngiti niya. Hindi ko tuloy maialis ang tingin ko sa mukha niya.
"Ba-bakit?" nagtatakang tanong niya.
Natauhan ako roon. Hindi ko namalayan na napatitig pala ako sa kanya.
Umiling ako.
Again, I mentally slapped myself. Bakit ko ba siya tinitigan!? Besides, she’s just a kid.
Niyaya ko siyang lumabas. Kung anu ano na kasi iniisip ko eh.
------------------
Pagkalabas namin, nakita naming magkasama si papa at si tito Christof.
Nang mapansin nila kami, kapwa silang nagulat.
Lumapit si tito Christof sa amin. "Anak, anong nangyari sa’yo?" tanong niya kay Penny.
“U-uhm...E-eh..k-kasi—” Penny stammered at parang hindi kumportable sa tingin ng mga nakatatanda.
Ako na nagsalita para sa kanya. "Nahulog po siya sa swing kanina. Don't worry po, nilinis ko na yung sugat niya."
"Vaughn! You're so irresponsible!" sigaw ni papa—galit na galit. "Ikaw ang matanda, dapat binabantayan mo siyang mabuti. Kung anu ano kasi ang inaatupag mo eh!" he added.
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...