Chapter 10: Kaba

32.4K 351 27
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 10: Kaba

PENNY

Napabalikwas siya ng bangon nang makita niya kami. "Penny! What brought you here?" tanong niya habang ginugusot niya ang mata niya.

 Namula ako. Ang cute niya. Para siyang batang bagong gising.

 "A-ah..e-eh...t-tinotour lang naming itong pinsan ko. B-bago lang siya sa school." Bakit ba ako nauutal!?

"Oh, I see. Hello there," nakangiting  bati niya kina Natalie at Kaoru.

Muntik na akong matawa sa reaksyon nung dalawa. Si Natalie nakanganga lang. Natablan din ng smile ni Vaughn. Si Kaoru naman, ngumiti lang din. Tapos yumuko. Nahiya naman ‘to!

Unang naka recover si Natalie. "A-ah. H-hello rin. Sige mauna na kami ha. Itu tour ko pa itong si Kaoru. Penny kitakits na lang sa room!" sabi ni Natalie bago hinila si Kaoru palayo.
 
Kinindatan pa ako ng bruha bago sila makalayo. Si Kaoru naman, halatang gusto nang tumawa.
 

Holo! Bakit nila ako iniwan!? Noooo!

Narinig kong tumawa si Vaughn. "Nakakatuwa naman ang mga kaibigan mo."

Tumawa ako nang pilit. “A-adik sila." Er. Nakakailang naman.

 Nanahimik kaming dalawa sandali.

 

 

 

Maya maya, umisod siya sa kinauupuan niya. "Come here. Umupo ka rito sa tabi ko." 

Nag-aalangan pa ako nung una, sumunod na rin ako. Sino ba ako para tumanggi? Lalo na, siya pa ang nag-aya.

"Bakit pumasok ka na? Hindi ba nilalagnat ka?" tanong niya sakin.

Hala! sasabihin ko bang hindi talaga ako nilagnat!? Hindi pwede! Baka isipin niya apektado lang ako sa kaniya ‘non!

Ngayon ko napansin na ang lapit pala naming sa isa’t isa. Halos magkadikit na ang tagiliran naming dalawa. 

Whoo! Bakit biglang uminit? Pinaypayan ko ang sarili ko dahil doon. Gosh!

 "H-ha? A-ano…n-nawala na kahapon. Oo tama! Nawala na kahapon," palusot ko. Maniwala ka please!

 Tinaasan niya ako ng kilay.

 Hindi yata kumagat. >.<

 Nagkibit balikat siya. "Okay. Mabuti naman kung ganon."  

 Napahinga ako nang malalim. Whew! Akala ko, hindi maniniwala.

 
May napadaang mga babae sa harap naming at tinitigan akong mabuti. "Oh my gosh! Sino yung kasama ni Vaughn my labs!?" sabi nung isa.


"Girlfriend!?"  gulat na sabi naman nung kasama niya.
 

“Tange! Mukhang bata naman para maging gf niya no!”

 “Baka kapatid.”

 Nag-uusap silang dalawa at parang sinasadya nilang iparinig sa amin ang usapan nila.

"Wala kayang kapatid na babaeng mas bata si Vaughn! Ang kapatid niyang babae mas matanda sa kanya ng 3 years no!"
Wow ha!? Memorize nila!? Ano ba sila? Fans ni Vaughn?
 
"Oh noes! Baka nga gf niya!" emote na sabi nung isa.

Tapos medyo maluha-luha pa sila. Napakunot ako. Ang oa naman nila.

Pagkatapos, sabay silang tumingin sa akin nang masama. Kinilabutan ako. B-bakit ganyan sila makatingin!? 

Tiningnan nang masama ni Vaughn yung mga tsismosa. Mabilis silang naglakad papalayo sahil doon.

 Nakahinga ako nang maluwag pagkaalis nila. Buti na lang nariyan si Vaughn.
 
"Pasensiya ka na ha? Fan girls ang mga yon. Alam mo namang instant celebrity ang katabi mo," sabi niya sabay kindat.

 
Natawa ako. Wow! Ang yabang ah! Kung sabagay, hindi naman imposible yon.

 "Phew! Biglang lumakas ang hangin ah!" biro ko.

 "Lumakas daw ang hangin, pero kanina ka pa paypay nang paypay diyan. Hindi naman mainit," tumatawang sabi niya tapos ngumiti siya nang nakakaloko.

 Bigla kong ibinaba ang kamay ko. “H-ha?” Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nagpapaypay. Bakit kasi biglang uminit!? Hay~ ano bang bago? Palaging nagiinit ang mukha ko tuwing malapit si Vaughn.

 Humalakhak siya. “Naapektuhan ka siguro ng hotness ko!”

 Namula ako. Umiral na naman pagka-mind reader niya. Nakakatakot siya kapag ganyan. Parang dapat akong laging mag-ingat sa iniisip ko.

 "Tse! H-hindi no!"

"Uy! Namumula siya oh!" tukso niya.

Tinakpan ko ang mukha ko. "Waaaaaaaaa! Hindi no!" sigaw ko. 

Mas lumakas ang tawa niya. "You’re color is like a tomato!" 

 "Vaughn naman eh!" Pilit kong tinatakpan ang mukha ko.

Maya maya, may naramdaman akong mabigat sa ulo ko.

Napatingala ako na naging dahilan ng pamumula na naman ng mukha ko. Nakapatong kamay niya sa ulo ko. He’s smiling at me. “Thank you.”

“Huh? S-saan?” nagugugluhan kong tanong.

“For this. Sa totoo lang, na i-stress ako ngayon sa mga bagay bagay. Pero dahil sa’yo, gumaan ang pakiramdam ko.” Nagulat ako nang itukod niya ang noo niya sa balikat ko. “You’re my stress reliever, Penny,” bulong niya.

Lalong nag-init ang mukha ko. “A-ay naku!” Tumingin ako sa relo ko. “O-oras na pala! Male-late na ako!” nagpa panic na sabi ko. Sa totoo lang, mahaba pa ang oras. Kaso, naiilang ako sa pwesto namin ngayon. Baka bigla na lang akong himatayin dito.

Hinawakan niya ako sa braso para pigilan ako. “Can’t you stay a little longer?” malungkot na tanong niya. “Please?”

Nag-alinlangan ako noong una.  Paano kung may makakita sa amin? Anong iisipin nila? Pero kasi mukhang na i-stress talaga siya.

Sa huli, huminga ako nang malalim. “O-okay.”

“Thanks.”

Ilang minuto na walang nagsasalita s aming dalawa. Hindi nakakailang ang katahimikan. Sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam. Nakatukod pa rin ang noo ni Vaughn sa balikat ko habang ako, pinagmamasdan ang paligid.

Humugot nang malalim na hininga si Vaughn bago umayos ng upo. Nag-stretch siya nang kaunti bago tumayo. “Ha! That was refreshing!” malapad ang ngiti na sabi niya.

Ngumiti rin ako. Tumayo at nag-inat nang kaunti. “Oo nga eh.” Humarap ako sa kanya.  “O paano? Papasok na ako. Thank you sa time,” sabi ko bago tumalikod sa kanya.

Humarang siya sa daraanan ko. "Hep! Ihahatid kita!"

 "H-ha!? W-wag na! Malelate ka na rin eh," umiiling na sabi ko.  Nakakahiya na kung ihahatid niya pa ako.

 "Hindi yan. Maaga pa oh," pamimilit niya.

 "P-pero—"

"Wala nang pero pero. Tara!" Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako.
 
Hindi naman ako nakapag-react dahil nabigla ako. Isa pa, hawak niya ang kamay ko! As in H-O-L-D-I-N-G H-A-N-D-S kami! Pakiramdam ko, sasabog na ang puso ko!
 
 Pinagtitinginan pa kami ng lahat ng dinadaanan namin! Iba iba ang reaksyon nila. Hindi ko alam kung mahihiya ako o kikiligin.
 
"Diba yan si Vaughn Laguesma ng section A? May girlfriend na pala siya," sabi nung isang usisero.
 
"Ay, oo nga! Elementary student lang!?" sabi nung usisero 2.

 
"Ouch! Bakit may kaholding hands ang Vaughn ko!?" sabi naman ni echosera 1.

 Maka-'ko' naman to, wagas! -.-

"Kapal ng mukha!" hirit ni echosera 2

 

Ang dami ko na kaagad na haters. Wala naman akong masamang ginagawa sa kanila. Yumuko na lang ako. 

 Pinisil ni Vaughn ang kamay ko.

 

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya na para bang sinasabing ‘Ako ang bahala sa’yo’.

Ngumiti rin ako sa kanya. Bakit nga ba ako mahihiya? Inggit lang sila dahil may kasama akong ganito ka-wonderful na lalaki. Kasama ko si Vaughn. ‘Yon ang mahalaga.

 
Pagdating naming sa tapat ng room ko, binitawan niya na rin ang kamay ko.
 

"Salamat sa paghatid,” nakangiting sabi ko.

 "Wala yon. Punta ka ulit doon kapag may free time ka, okay?"

"Okay!"

Tumingin siya sa relo niya. "O sige. Aalis na ako. Oras na rin eh."

Tumango ako at kumaway sa kanya. 

Tumalikod siya pero hindi pa man siya nakakalayo, huminto siya at humarap sa akin. Parang ay nakalimutan siya.

“Bakit?” tanong ko.

Seryoso siyang tumingin sa akin. Tapos, lumapit siya at nagulat ako nang halikan niya ako sa noo.
 
Natulala ako at hindi kaagad nakapagsalita.

‘lub dub lub dub’
 

Nagsimula na namang magwala ang puso ko. Parang may nagpaparty sa loob ng dibdib ko.

“Take care, my angel,” mahina na sabi niya. Tapos tumalikod siya at kumaway.

Hindi ako nakakibo. Pinanuod ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
 
‘lub dub lub dub’

Napahawak ako sa dibdib ko  Mabilis pa rin ang kabog nito. Pero ngayon, iba na. Para na itong pinipisil. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. At ayoko itong nararamdaman ko.

 Bakit kaya ganon? Hindi ba dapat masaya ako ngayon? Bakit kinakabahan ako at biglang nalungkot?

 
to be continued...

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon