NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 51: Be Your Everything
PENNY
Hell...Hell...
Hell…
Impyernooo! Why can't I just get over him!? He's making me miserable! Kung sana sa isang snap lang, mabago lahat ng nararamdaman ko, edi sana, normal na ulit ang takbo ng buhay ko ngayon.
"What is the mode of this collection of data samples? Miss Diaz?"I sighed in frustration. Tapos dinalawa pa ngayon! Si ate Freya, dito na rin mag-aaral! 'Nu ba yan!? Parang gusto ko na tuloy mag-transfer. Bitter na kung bitter!
Buti nga, kinaya ko pang pumasok ngayon kahit wala na ako sa mood eh.
"Miss Diaz?"
Isa pang pinoproblema ko kung paano ko sasabihin kina momma! Siguradong violent reaction ang matatanggap ko, or worse, saktan nila si Vaughn.Oo na. I still care for him sa kabila ng kat*rantaduhan niya.
Shet!
"Did you just cuss on me, Miss Diaz!?" sigaw ni Mam Roque.Nagulantang ako dahil doon. "P-po?"
"Sabi ko, minura mo ba ako!?" nagnggigigil na sabi niya.
Uh-oh! Nasabi ko pala nang malakas yun! Huwaaaa! Patay tayo diyan! "Hindi po mam. May iniisip lang po ako. Hindi ko po kayo minura! Peksman!" Itinaas ko ang kanang kamay ko.
Hindi naman kasi talaga. Diba? Diba? Saksing buhay kayo!
Tinaasan niya ako ng kilay. "So, hindi ka nakikinig? Alam mo bang kabastusan yon!? Respeto lang naman ang hinihingi ko sa inyo class. Nagsasalita ako rito sa harapan tapos hindi kayo nakikinig sa akin. Sa inyo kaya gawin yon? Hindi ba kayo maiinsulto? Kung gusto niyong magksundo tayong lahat, irespeto niyo ako bilang teacher niyo!"
Yan, nasermunan na naman kami. Oo na, kasalanan ko na!
"Because of that, long quiz tayo ngayon! Buong chapter 20 at introduction ng chapter 21!"
Hala! Ang sasama ng tingin sa akin ng mga kaklase ko. Yung iba binulong pa, 'si Penny kasi eh'.Sige na! Kasalanan ko na lahat! Pasensiya naman. Kamalasan nga naman kasi eh!
Tumunog yung "anouncement bell" namin. Ewan ko ba kung ano ba talaga ang tawag diyan. Basta tumutunog yan kapag may important announcement
"Calling all students. Kindly gather to the University Gym, now."
"Calling all students. Kindly gather to the University Gym, now. Thank you."
"Okay class, next meeting na lang. Be sure to review your lessons. Good day," sabi ni Mam Roque bago lumabas ng classroom.
Naghiyawan ang mga kaklase ko, as expected. Phew! Buti na lang! Saved by the bell!
---------------------------Nandito kami ngayon sa University Gym at kanina pa nangangahaba ang leeg ko rito! Nasaan na ba kasi si Kaoru!? Saan ba siya nagsususuot? Bigla na lang siyang nawala eh. Kaya, alone na naman tuloy ako! Huhuh. Kawawa ako
Teka? Ano ba kasing meron dito? Bakit kalagitnaan ng klase, pinapunta kami rito?
Luminga linga ako. Hinahanap ko si.....Skye. Pero sa halip na si Skye ang makita ko, eye sore pa ang nakita ko!
Sa di kalayuan, nahagip na naman ng mata ko si Vaughn, along with ate Freya. Bakit pa palagi kong nakakadaupang palad ang dalawang 'to!? Katatapos lang nung kanina, heto na naman!?
Yan, sige Penny. Malas ka talaga. Wala ka nang magagawa."KYAAAAAH! PRINCE SKYE!" tilian ng mga babae.
Nanlalaki ang mata kong hinanap si Skye.
Napatingin ako sa stage. At hayun nga siya, along with his bandmates. Inaayos nila ang mga instruments.
Napangiti ako. Kaya kami pinapunta rito, para marinig silang tumugtog!? Huwow! Live performance na naman! Buti na lang! Hindi kasi natuloy yung panonood ko dapat sa practice nila kanina dahil don sa ‘unfortunate incident’.
This is sure one way to make me feel better. Nasisiyahan ako tuwing tumutugtog sila. Lalo na kapag kumanta na si Skye. Nasabi ko na naman sa inyo na magaling siya diba? Well, not just good. He's very good! Siguradong hihimatayin sa kilig ang haharanahin niya!
Pagkatapos nilang mag-ayos ng instruments nila, pumunta sa gitna si Skye.
"Good afternoon fellow students!" sigaw niya sa mic.
Tilian naman kaagad ang mga babae. Siyempre kasama ako. Number one fan, remember! "Good afternoon Prince Skye!" sigaw pa nung isang kumpol ng mga babae na halos mapatid na ang mga litid sa leeg.
Tumingin siya sa akin at he smiled at me. Nginitian ko rin siya. Oha! Nginitian niya ako! Ako lang! Belat mga girls! Malakas ako sa prinsipe niyo! Ako ang number one at special fan niya!
"Okay guys. Pwede ko bang sabihin sa inyo itong nararamdaman ko?" tanong niya sa audince.
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...