NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 21: Dapat ba Akong Matuwa?
PENNY
"PENNY! Samahan mo naman ako sa cosplay event oh! Pleaaaaase!" ngumangawang sabi ni Kaoru.Kanina pa ako kinukulit ng babaeng ito. Hindi ko naman siya pinapansin. Kasi una, may red flag ako kaya medyo bad mood at may dysmenorrhea ako. Angsakeeeeet sa puson! Pangalawa, hindi lang puson ang masakit, pati puso! Grabe, two months na mahigit mula nang maging sila ni ate Freya pero hanggang ngayon sagad buto parin ang sakit tuwing makikita ko silang magkasama.
"WAAAAAAAAAAA! PENNY! PUHLEASEEEE! DOUZO(please)! DOUZO!"
Okay, nakakainis na ha. Kanina pa siya. "Pwede ba, tumahimik ka na!? Ang dami ko nang problema, dadagdag ka pa!"
Natahimik siya at sumimangot, tapos nanahimik lang sa isang tabi.
Napabuntong hininga ako. Lumapit ako sa kanya. "Uy Kaoru, sorry na. Nabigla lang naman ako eh."
Hindi parin siya kumikibo. Nakatanaw lang siya sa may bintana.
Inakbayan ko siya. "Psssst, wag ka nang magtampo oh. Sasamahan na kita, basta bati na tayo. Please?"Suminghot siya at pinahid ang mata niya.
Ipinatong ko ang pisngi ko sa balikat niya. “Kaoru, wag ka nang umiyak. Sorry na.”
"Hirap naman *sniff* kasi sa’yo, pati sa akin, *sniff* ibinubunton mo ang galit mo. Tinutulungan na nga kitang *sniff* magpakasaya para makalimutan mo yung *sniff* problema mo kahit sandali."Awwwwww. Ang sama ko namang bestfriend. Nakaka guilty!
Niyakap ko siya. "Sorry kung pati ikaw nadadamay sa depression ko. Don’t worry, okay na ako." Pati ako, naiyak na rin.
"Penny, bakit ba hindi mo nalang siya kalimutan? Kasi pati ako nahihirapan para sa iyo eh. Parang araw-araw kang namatayan."
Nagbaba ako ng tingin. "Sinusubukan ko naman Kaoru. Wag kang mag-alala, okay naman ako eh. Kering keri ko ‘to! Ako pa!" Ngumiti pa ako nang pilit.
Tumayo si Kaoru. "Tama na nga ang kadramahang ito. Oy! Walang bawian ah. Sasamahan mo ako sa cosplay event!" nakaturong sabi niya sa’kin.
Ngumiti ako. "Okiiiiii!"Ang swerte ko talaga. May best friend akong katulad niya. Umalis pa nga siya sa TMF para sa akin, kahit love na love niya ang magsulat.
Sumali kasi si Vaughn sa TMF ngayon. Pinilit ko si Kaoru na wag nang umalis, pero umalis pa rin siya. Paano raw akong makakalimot kung araw araw kong makikita ang lalaking ‘yon. Kaya napaka laki talaga ng utang na loob ko sa babaeng ‘to. Noon pa naman, siya na ang karamay ko sa lahat.
Hinampas ako ni Kaoru sa noo. “Psssshhhttt!”
"Aray! Ano ba!?" Napahimas ako sa noo ko. Namula na yata. Ang baliw talaga nitong si Kaoru.
"Tara na! Kanina ka pa nakatunganga diyan eh!"Napaawang ako ng labi. "Aalis na tayo!? Hindi ba may klase pa!?"
"Cutting!" nakangising sabi niya.
Napakunot ako ng noo. "Haaaa!? At kelan ka pa natutong mag-cutting aber!?" bulalas ko. Grabe ‘to! Ib-B.I. pa yata ako!
She pouted. “Minsan lang naman eh. Pagbigyan mo na ako, douzo! Tsaka, gusto kong ma try mag cutting kahit minsan lang!”
Hay~ kung hindi ko lang labs ‘to baka nasapak ko na. Lahat na lang gustong subukan.
"Okay, okay! Isang beses lang ha? Nakuuu, kapag nalaman to nina momma at tita, pareho tayong malilintikan."
Nagtatalon siya habang pumapalkpak. "Yehey! Arigatou!(thank you!)"
Natawa ako sa ginawa niya. Para kasi siyang bata."Teka!" tumalikod ako sa kanya. "May tagos ba?" bulong ko sa kanya.
"Hmmmmmm....." Hinawakan niya yung chin niya na parang nag-isip pa."WALA! WALA KANG TAGOS!" maya maya sigaw niya.
Nanalaki ang mga mata ko sabay takip sa bibig niya. Loka-loka talaga to! Isigaw ba naman!? Haler! Hindi lang kaming tao rito. Aish!
Nagtinginan sa amin ang mga tao. Hala! Anong gagawin ko.
Nakiride na lang ako. "AH! GANUN BA!? AKALA KO MERON EH! ANG LAKAS KASI NG MENS KO NGAYON!" sigaw ko rin.
Nagtawanan ang lahat dahil doon.
Kumaripas kami ng takbo ni Kaoru palabas ng room.
Binatukan ko si Kaoru pagkalabas namin. “Sira ka talaga! Bakit mo isinigaw ‘yon!? Nakakahiya!”
Tumawa siya nang malakas. “Naki-ride ka naman!”
"Syempre! Para naman hindi ako mapahiya," natatawa na rin na sabi ko.
"Gagi! Mas napahiya ka sa sinabi mo!"
Natigilan ako sandali. Nagkatinginan kami ni Kaoru.Napatutop ako sa noo. Oo nga no! Waaaaaaaa! Tangengot! >.<
Maya maya, sabay kaming tumawa nang malakas! Muntanga lang eh!
Unang tumigil si Kaoru."Psssst...." ngunguso-ngusong sabi nya.Hay~ hayan na naman ang turong mangyan niya. -.-
Lumingon naman ako sa itinuturo niya.
Nakita ko si Vaughn at ate Freya , mukhang may pinag uusapan.
Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. "Tara na," sabi ko sa kanya habang hinihila ko yung damit ni Kaoru.
Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa damit niya at hinila ako. "Hindi, makinig tayo. Wag kang bitter diyan. Mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan. Tignan mo, umiiyak si ate Freya."
Oo nga no. Bakit? Anong nangyari? Naintriga tuloy ako.Nagtago kami ni Kaoru doon ulit sa isang halaman. Ang bad namin.
"V-vaughn," umiiyak na sabi ni ate Freya tapos hinawakan niya sa braso si Vaughn.
Namumula na rin ang mata ni Vaughn. Parang nagpipigil lang ng luha.
"Don't touch me! Nandidiri ako sayo!" mariing sabi ni Vaughn.
Nanlaki ang mata ko. Galit na galit siya. Anong nangyayari? Nag-aaway ba sila?
"V-vaughn, y-you don't understand!” halos nagmamakaawang sabi ni ate Freya.
"Anong I don't understand!? I saw you two with my own eyes! You....you...kissed him! You betrayed me Freya!" bulyaw ni Vaughn.
I gasped. A-ate Freya kissed someone elese? W-why!? H-how!?
Yumuko lang si ate Freya habang patuloy na umiiyak.
"See! Hindi ka makapagsalita kasi totoo!” puno ng hinanakit na saib ni Vaughn.
Nakaramdam ako ng awa kay Vaughn at the same time galit kay ate Freya. Bakit nagawa niya kay Vaughn iyon? Hindi niya ba alam na ako pinapangarap lang yung lalaking yon tapos siya nga nasa kanya na, pinakawalan niya pa.
"We're done!" sabi ni Vaughn tapos naglakad palayo.
Napaupo si ate Freya pagkatapos humagulgol.
Akala ko matutuwa ako kapag nagbreak sila. Pero lalo lang akong nalungkot. Vaughn is hurting. After two years, ngayon ko lang ulit siyang nakitang umiyak.
I don’t know what to think. I don’t know what to believe. Totoo ba yung nakita ni Vaughn? Knowing ate Freya, hindi niya magagawa ‘yon. I saw how she looked at Vaughn. Masakit mang aminin pero mahal na mahal niya si Vaughn.I should ask her myself. Alam kong may problema. Hindi magagawa ni ate Freya ‘yon.
"Hoy! Saan ka pupunta!?" nagtatakang tanong ni Kaoru."Pupuntahan ko si ate Freya. I need to talk to her. Alam kong hindi niya magagawa ‘yon."
Tinignan ako ni Kaoru na parang nababaliw na ako. "Nahihibang ka na ba!? Bakit ka makikialam sa LQ nila!? Tsaka, hindi ba sila ang dahilan kung bakit napaka-bitter mo ngayon!?"
“P-pero, si ate Freya—”
"So ganun? Magpapakamartyr ka!? Gusmising ka nga! Ano ‘yon, tutulungan mo pa silang magkaayos!? You’re digging your own grave!"
Napayuko ako. "Hindi lang naman ito para sa kanya eh. Para rin ito kay Vaughn. Nasaktan siya Kaoru. Pangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para sumaya siya.""Pero hindi sa ganyang paraan Penny. Sasaktan mo rin ang sarili mo nyan eh. Mas magandang wag na lang tayong makialam. Baka lalo lang gumulo ang sitwasyon. Away nila yan, pabayaan mong sila ang lumutas."
Napabuntong hininga ako. Hindi nga ako dapat makialam. Baka sa halip na makatulong, makagulo pa ako.
Hinatak ako ni Kaoru. "Tara na nga! Nagsimula na niyan yung cosplay event! Baka di natin maabutan," nakasimangot na sabi ni Kaoru."Sino ba kasing nagyaya sa aking makinig dito!?" singhal ko.
"Watakushi (me)! Pero pumayag ka! Kaya nga tara na!"
Muntik na akong masubsob nang kaladkarin ako ni Kaoru.Baliw talaga ‘to! Para bang hindi ako sasama! Kailangan pa akong kaladkarin nang ganon! >.<
Sumulyap ako sa lugar ni ate Freya. Anong nangyari?
to be continued...
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...