Chapter 16: Beautiful Fairy

30.8K 303 7
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 16: Beautiful Fairy
 

PENNY

 
Nandito kami ni Kaoru sa meeting room ng ‘The Maxwell Frontier’, school paper namin. Hindi niyo naitatanong, pareho kaming writer ni Kaoru. Siya sa editorial section at ako naman sa entertainment section. Ito lang ang club na kasali ako. Pero si Kaoru, halos lahat na yata sinalihan na. -.-

 "Okay! Lend me your  ears! May bago tayong member," panimula ng editor in chief namin.

Tumingin siya sa may pintuan. "Come in Freya."

 

May pumasok na babae.Isang magandang  babae. Natulala ako sa kanya.

 Whoah! Ang ganda niya! Pakpak na lang ang kulang, Mukha na siyang fairy!

 Matangkad siya, mahabang makintab ang buhok niya at porselana ang kutis. And gosh! Ang ganda ng mata! Parang magdo-drool ako sa kanya!

"I'd like to introduce, Freya Cruz. Transfer student siya. Senior niyo siya kaya dapat niyo siyang igalang, are we clear?"

 "Nice to meet you all," sabi nya habang nakangiti.

Masiglang bumati ang lahat sa kanya. Mukhang hindi lang ako ang na mesmerize sa kanya.

 "Siya ang magiging layout artist natin." Bumaling si chief kay ate Freya. “Freya, feel free to ask questions. Mababait naman ang mga batang yan.”
 
Ngumiti si ate Freya. “Okay po. Mukha nga pong magiging masaya ako rito.”
 
Tumingin ako kay Kaoru. Muntik na akong mapabungisngins dahil sa kanya. Nakanganga kasi siya at tulala.

Siniko ko para matauhan.

"Ouch! What was that for!?" pagalit niyang bulong sa akin.

 "Kanina ka pa nakanganga diyan! Tapos tulo mo lumalaway na naman. Papasukan na ng langaw yang bunganga mo eh! Tsaka tigilan mo nga ako sa kae-english mo diyan!"

 "Yi! Penny! Ang ganda niya diba!? Crush ko na siya!" kinikilig na sabi niya.

 Hay naku. Hayan na naman siya. Nakakita na naman kasi ng magandang babae. Hindi naman sa tibo siya, ganyan lang talaga siya pag nakakakita ng beautiful creatures. Babae man o lalaki.

 

"Tse! Tibo ka talaga!" pang-aasar ko.

 
"Oy! Hindi ah! Crush lang naman eh. Tsaka kay Natsume ako foreverrrrr!" sabi niya sabay irap sa akin.

 Natawa ako habang umiiling. Ang adik niya talaga kay Natsume.
 
Napatigil kami ni Kaoru nang umupo sa tabi ko si ate Freya.

"Hello," bati niya sa akin habang nakangiti.

"H-hello po," bati ko rin. Nahiya naman ako bigla.

"I'm Freya. What's your name?"

Tumango ako. "Uhm..P-penny po."

"Ako naman po si Kaoru! Hello ate!" Sobrang wide ng smile ni Kaoru.

"Nice to meet you, Penny and Kaoru,” nakangiti pa rin na sabi niya.
 

"O-ai dekite ureshii desu! (Nice to meet you!)" sigaw ni Kaoru.

 Tinakpan ko ang bibig ni Kaoru "Shhhh!" saway ko sa kanya.

 "Gomen," nag ba-bow na sabi niya.

Ate Freya chuckled. "Ang cute niyong dalawa."

 Waaaa! Cute raw kami!

 “Are~ (oh my~)” sabi ni Kaoru habang nakahawak sa magkabilang pisngi niya.

"Ikaw rin naman po eh. Ang ganda mo miss Freya,"nakangiting sagot ko.

 

"Thank you.” Tumawa siya. “Wag niyo na akong i-miss, masyadong formal. Just call me ate Freya."

Wow! Ang bait niya naman! Mukhang magiging mas masaya na ngayon na nandyan si ate Freya. Sana maging kaibigan namin siya!

 

 
Mahigit isang oras ang nagging meeting namin. Lunch na nang  i-dismiss kami ng teacher in charge sa school paper namin. Nakaupo lang kami the whole time pero nakakapagod i-absorb lahat ng information.

“Ready na ako! Tara na!” sabi ni Kaoru sa bay hila sa akin palabas.

Nadatnan namin sa labas ng room si ate Freya.

“Oh ate? May naiwan ka po?” tanong ko.
 

Umiling siya."Kayong dalawa talaga ang hinintay ko.”

Nagkatinginan kami ni Kaoru.

“Pwede ba akong sumabay sa inyong mag-lunch? Wala pa kasi akong kakilala rito. Okay lang ba?” nahihiyang tanong niya sa amin.

 Nagkangitian kami ni Kaoru.

"Suuure po ate!" sigaw ni Kaoru.
 

Napapalakpak siya sa tuwa. "Talaga!? Salamat!"

Huwaa! Hindi ko talaga maiwasang humanga sa kanya! Ang ganda talaga niya!

 

Masaya kaming nagkwentuhang tatlo habang naglalakad. Nalaman naming galling New York si ate Freya. Ang narito lang sa Pilipinas ay ang mama niya. Ang papa niya, may hawak na kumpanya sa U.S samantalang ang kuya niya, nag aaral ng medisina. Pareho itong nasa ibang bansa. Hindi naman daw siya nalulungkot dahil mahal na mahal siya ng mama niya.

 Pagdating namin sa canteen, kumuha kmi ng sari sarili naming pagkain.

 Pinigilan kami ni ate Freya nang maglalabas na kami ng pera galling sa wallet namin. “Itago niyo na yan. Ako na lang.”
 
Pinigilan ko siyang magbayad. "Ate, wag na po! Nakakahiya!"
 

"Ano ka ba? Wag mong alalahanin yon. Minsan lang naman eh. Saka masaya akong may mga bago na akong mga kaibigan,” nakangiting sabi niya. Bumaling siya sa tindera. “Ale, ito po oh. Pakisama na po diyan yung sa kanila."
 
"S-salamat ate," nahihiyang sabi ko. Grabe, ang bait talaga!
 
“Doon tayo, daliii!" maya maya sigaw ni Kaoru.

 Binatukan ko siya. "Hoy! Iskandalosa ka! Hindi lang tayo ang tao dito no!" saway ko sa kanya.

 Nag pout si Kaoru. "Baka!" bulong niya.

 
"Hooooy! Narinig ko yon! Kabayo ka naman!" pang-aasar ko.

 Tumawa siya nang malaks. "Gagi! Stupid ibig sabihin nun!”

Tawanan daw ako? At tinawag pa akong stupid!? Kasalanan ko ba kung hindi ako nakakaintindi ng alienese!? Tss. Sasapatusin ko na ‘to. -.- "Malay ko ba! Hindi naman ako marunong mag-alienese no!" Binelatan ko pa siya.

 
Narinig naming tumawa si ate Freya kaya napahinto kami sa pag-aasaran.

 Oo nga pala, nandiyan siya. Nakakahiya naman! Nakita niya pa ‘yon!
 
 Hinampas ko si Kaoru na hanggang ngayon, tumatawa pa rin. Tapos nung tumigil, itinuro ko si ate Freya.

"Ang ganda niya parin, kahit tumatawa," bulong sa akin ni Kaoru.

Bumuntong hininga ako. "Oo nga no,"  sang-ayon ko.

"Nakakatuwa naman kayong dalawa! Ang cu-cute niyo! Sana may kapatid akong katulad niyo!"tumatawa pa rin na sabi niya.

 "Ate, pwede mo naman po kaming ituring na kapatid eh," sabi ni Kaoru.

"Talaga!?" nag i-sparkle ang mata na tanong ni ate Freya.

"Tama siya ate!" sabi ko.

 "Waaaaa! Thank you! Mula ngayon, kayo na ang mga little sisters ko!" masayang sabi niya. Tapos sabay niya pa kaming niyakap.

 Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya.


She’s sophisticated in some ways. Makikita mo rin na mature na siya. Siguro ganon talaga kapag laki sa ibang bansa. Pero kahit na ganon, hindi siya katulad nung iba na saksakan ng arte at kung umasta akala mo sino. Humble pa rin siya kahit mayaman, matalino at higit sa lahat   B-E-A-utifuul siya!

 

Ang sayaaaaaaa! May ate na ako! Nakakasawa na kasi yung mga kuya ko eh. Joke lang!

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon