NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 30: Bukas na Pala!
PENNY
"O HAYOU GOZAIMASU, MRS. LAGUESMA!" bungad ni Kaoru pagkapasok niya sa kwarto ko.
Ako naman, nakatulala lang sa kisame at ang bigat bigat ng mata. Bangag na bangag ako dahil dalawang oras lang ang tulog.
"Whoah! Anyare sayo? Bakit mukha kang zombie diyan!? Parang nilambitinan ng dalawang higante yang eyebags mo!" sabi sabay tawa nang malakas.
Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. "Hindi lang naman ako masyadong nakatulog. Obvious naman diba?"
Sa totoo lang, dahil ito sa sobrang pag-iisip. Iniisip ko pa rin kung paano ko sisimulan ang lahat. Iniisip ko pa lang kasi, hirap na hirap na ako. Ni hindi nga kami magkasundo non eh. Palagi pa akong iniisnab at sinusungitan.
"Haist! Eh paano mo mabibihag ang puso ni Vaughn kung ganyan ang itsura mo? Baka pagkakita niya palang sayo, kumaripas na ng takbo iyon!"
Tignan mo ‘to. Nang-asar pa. “Grabe, nakakatulong ka talaga nang malaki Kaoru!” I said sarcastically.
Hinila niya ang dalawa kong kamay para bumangon ako. "Ayusin mo na nga ang sarili mo. Dali!" Itinulak niya ako papasok sa loob ng kubeta.
Parang ayoko nang ituloy. >.<
Nagshower ako para kahit papaano, matanggal ang antok ko. Hmm. Ano na bang date ngayon? Ilang buwan na lang ba ang natitira bago ang engagement party? Siguradong hanggang doon lang ang time ko para mapa-ibig si Vaughn. Pag eighteen na ako, legal na legal na ang engagement namin at makukuha na ang pera.
"Kaoru! Anong petsa ngayon!?" sigaw ko habang nagshoshower ako.
"June 5 na! Bakit?" sagot niya.
Napatigil ako sa pagsha-shampoo nang may maalala ako. JUNE 5!? AS IN!? "WAAAAAAAH!" sigaw ko.
Biglang pumasok si Kaoru sa kubeta. Buti na lang at may shower curtain. "Penny!? Dou shita no (what happened)!?"
Nagtapi ako ng twalya at lumabas. "Birhtday na bukas ni Vaughn!" Bakit ngayon ko lang naalala yon?! Wala pa akong regalo sa kanya eh!
It's his 20th birthday! Tapos nakalimutan ko pa!? Tangengot!"OH!? Tamang tama para simulan ang Oplan: ‘Pa-ibigin si Vaughn ng bongga.’Chance na yun couz!" naeexcite na sabi ni Kaoru.
Seryoso talaga siya sa oplan na ‘yon ha. “Ang problema, wala pa akong regalo! Ngayon ko lang naalala eh!”
“Edi bumili tayo! Problema ba yon!?”Napasimangot ako. "Wala akong pera! Hindi ako nakapag-ipon."
Nag straight face si Kaoru. "Akala ko ba millionaire ka?"
"Kapag nagpakasal pa ako magiging millionario! Pero ngayon, isa lang akong hamak na dukha!"
"Pahihiramin muna kita pero kapag nakuha mo na yung pera, dapat triple ang balik ha?" Ngumisi siya na parang aso.
Kumunot ang nook o Triple!? “Dinaig mo pa ang bumbay ah.”
Padabog siyang tumalikod sa’kin. "Oh wag na kasi! Ikaw na nga tinutulungan, nagrereklamo ka pa.” Umiling iling siya. “Tsk! Kawawa ka naman. Habang buhay mo na lang pangarap si Vaughn.”
Ang sama ng ugali nito! Alam niya namang gipit ako, lalo pa akong ginigipit! "Oo na! Pautangin mo na ako!" napipilitan kong sabi.
"Magic word?"
"Please," bulong ko.
"Ano!? Hindi ko marinig!"
Sasabunutan ko na 'to! "Pautang please! Babayaran ko ng triple kapag nakuha ko na yung pera!" sigaw ko.Tinapik tapik niya ang ulo ko."Yan! Good girl. At dahil mabait ako, pauutangin kita."
Grabe, kaibigan ko ba talaga ‘to!? Pinagsasamantalahan niya ang kahinaan ko!
"Ituloy mo na nga pagshoshower mo. Ang dami mo pang sabon oh. Isa pa, nangingilabot ako sa nakikita ko," pang-aasar niya.
"Tse! Lumabas ka na nga!" Sinabuyan ko siya ng tubig. Epal talaga ng babaeng 'to.
---------
Pumunta kami sa mall ni Kaoru para tumingin ng pangregalo kay Vaughn. Ang hirap namang pilian ng regalo non. Malay ko kung anong gusto niya.
Hetong si Kaoru naman, mukhang nage-eenjoy sa "Oplan" na ‘to. Talagang isinulat pa sa isang stationary!
Biglang tumunog ang cellphone ko habang nasa mall kami. Nagflash sa screen ng cellphone ko yung pangalang "HUDAS".
Iyon ang ipinangalan ko rito kay Vaughn. Buwiset na buwiset na kasi ako sa kanya eh. Hindi ko pa rin makalimutan ang pang-aasar niya kagabi.
"Hello?"
(Miss me?)
Namula ako. "Oy! Kapal mo ha! Bakit ka pala ang aga mong nambubulabog?"
(Gusto ko eh. Pakialam mo? Like what I have said, this is my phone and I will do anything I like with this.)
"Aba! Wala—"
Tinignan ako ni Kaoru ng masama tapos bumulong ng "Oplan."
Ay? Pwede bang bukas na lang simulan?
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...