Chapter 44: Huwat!?

34.6K 356 27
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 44: Huwat!?

 

Two Months Later

PENNY

It’s been two months since our class began. At oo, isang buwan na lang bago ang 18th birthday ko at engagement party na namin ni Vaughn. Malapit nang maging official! Ang bilis nga naman ng oras. Parang kailan lang, ipinakilala pa lang ako sa fiancé ko. Ang lalaking pinapangarap ko mula pa pagkabata. Ang lalaking pinakamamahal ko na akala ko, hindi ko na makikita kahit kailan.

 Pang-epic talaga ang love story ko eh. Akala ko talaga, sa mga movies lang ang ganon. Dati, nga, naiinis pa ako sa ganon. Iniisip ko, bakit naman gugustuhin ng mga magulang na ipagkasundo ang anak nila, diba? I mean, pinalaki nila yon. Dugo at pawis ang puhunan nila para magkaroon ng magandang buhay ang mga anak nila. Tapos sa isang iglap, bigla na lang nilang ipapakasal sa kung sino!? 

Nakakatawa nga eh. Noong sa akin na nangyari, bakit hindi ako nainis? Natuwa pa nga ako eh.

Siguro dahil swerte lang ako. Ang lalaki kasing ipapakasal sa akin, ay ang lalaking matagal ko nang mahal.

These past two months, marami nang nangyari. Katulad nga ng sabi ko, hindi na normal ang buhay ko ngayon dahil sa tatlong prinsipe. May fans club na sila, infairness naman! Kaya may 'haters club' na rin kami ni Kaoru.

Kami naman ni Vaughn, away bati pa rin katulad ng dati. Alaskador kasi talaga yang mokong na yan eh. Enjoy na enjoy siyang inaasar ako. Noong minsan nga, tawagin ba naman akong FCBB sa harapan ng marami!? Tapos tinatanong nila kung ano raw meaning non. Ang sagot ni mokong? ‘Go and find out yourself.’ Kaya hindi ako tinitigilan ng madla! Nakaka-stress sila! Ang kukulit! Syempre hindi ko sasabihin! Hindi ako timang para ipahiya ang sarili ko! Pagkatapos non, nakatikhim sa akin si Hudas ng isang malutong na sapok! Bagay niya lang! Kinuyog kaya ako ng mga tao dahil sa FCBB na yon!

Pero kahit na ganon siya, nakakatuwa pa rin siya. Alam ng lahat na girlfriend niya ako! Ang possesive ng loko. Hindi na nga ako nilalapitan ng mga boys. Nagpapacute pa lang kasi, ang sama na ng tingin niya. Well dati pa naman hindi makaporma sa akin eh. Nagpaparamdam palang kasi iniisnab ko na. Si Apolonio lang talaga ang makulit. Pero ngayon, tinigilan niya na ako! Sa wakas! Takot niya lang kay Vaughn! 

Kung may hindi mawawala sa eksena, iyon ay ang mga fan girls niya. Lalong dumami ang umaaligid sa kanya. Kaya katulad nga ng sabi ko, dumami rin ang haters ko. Ugh, kinakabahan nga ako sa mga yon eh. Palaging ang sasama ng tingin. Parang gustong gusto na akong mawala sa mundong ibabaw.Ako naman, isnab lang. Ayoko silang patulan. Kasi, kapag ginawa ko yun, parang pumantay lang ako sa level nila, diba? At isa pa, mas maraming importanteng bagay akong dapat pagkaabalahan kaysa sa kanila.

Tulad sa school. Ang hirap! Over! Palagi akong brain bleed! Mas mahirap pala talaga kapag higher year ka na. Noong first year kasi ako, chill chill lang eh. Pero ngayon, HELL na!

Pero alam nyo, may nakakapanibago talagang nangyari? Hindi na ako masyadong pinapansin ni Skye! Hindi ko alam kung bakit. 2 months na rin. Pagkatapos nong ihatid niya ako sa bahay ng isang gabi, kinabukasan, hindi na ako pinapansin. Kung dati, tuwing nakakasalubong niya ako, lagi niya akong ngingingitian at babatiin na halos isigaw na ang pangalan ko sa buong school, ngayon, ni tango hindi niya magawa, na ikinalulungkot ko talaga. Hindi na rin siya masyadong sumasabay maglunch sa amin. Bakit kaya ganon? Akala ko pa naman, may bestfriend na akong lalaki. Tinry ko naman siyang i-approach. Sagot niya lagi, busy raw siya. Noong una, naiintindihan ko, busy talaga ang mga Engineering. Pero 2 months!? Aba! Parang sobra naman yata yon! Si Vaughn nga, papetiks-petiks lang eh! Hay! Ano bang nangyayari kay Skye?

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon