Chapter 56: Lubusin na?

29K 339 56
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 56: Lubusin na


PENNY


"Wala no! Sinong may sabi sa'yo!?"


Oh no! Naiiyak na ako! This is a disaster. Kanina pa ako kating-kati na umalis dito. Seeing them sweet like that tortures me. Bakit ba pumayag pa 'tong si Kaoru? Alam naman niyang hirap na hirap ako. Ano bang naisip niya? 

Kung sabagay, mas maganda na ito. Para mas tanggap ko na. Para mas tanggap ko na ang ginawa ko.

 Halatang nagulat si Vaughn. "W-what!?"

That's it! I'm leaving. Hindi ko na kaya 'to. "Sinabi nang wala eh! O sige! Aalis na lang ako! Sorry naman kung nakakaistorbo ako sa'yo no!" Pagkatapos non, tumakbo na ako papalayo. Lumabas na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.


This is it. Good bye Vaughn. This time, totoo na talaga. There's no turning back.


"W-wait!" narinig kong tawag niya.

No Penny! Wag kang lilingon! Baka lumambot na naman ang puso ko at umatras sa gagawin ko.

Narinig kong may yabag na sumusunod sa akin. I know it's him. He's really out of his mind! Bakit niya pa ba ako sinusundan? Kasama niya ang girlfriend niya!

Lalo kong binilisan ang takbo ko para hindi niya ako maabutan.

Nang masiguro kong hindi niya na ako sinusundan. Tumigil na ako sa pagtakbo. Ngayon, nakaramdam ako ng pagod. Hindi lang physically but also emotionally. Napahagulgol ako ng iyak. 

Hindi ko na pipigilan. Tutal, huli na naman 'to eh. This is the last time I'll cry for him. Pagkatapos nito, bato na ang puso ko. Hinding hindi na iiyak kahit kanino. Kahit sa kanya pa.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Pinagtitinginan na rin ako ng mga estudyante. Bakit naman hindi? Eh para akong baliw na umiiyak habang naglalakad. Parang batang nawawala sa mall.

"Penny...." tawag ng isang boses.

Napatingin ako sa side. It's Skye.

I smiled at him weakly. Pagkatapos, nilampasan ko rin siya. Sorry rin Skye. Hindi ka na rin pwedeng lumapit sa akin ngayon.

"Penny!" tawag niya ulit. Pero hindi ako lumingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. "Penny. What happened?"

Yumuko ako at pilit itinago ang mukha kong miserable. "Nothing."

"Nothing? Namumugto na yang mata mo oh. Tapos nothing? C'mon Penny. Tell me! Anong nangyari? Is it him? Ano na namang ginawa sa'yo ni Vaughn?" Mababakas na sa boses niya ang galit.

Umiling ako. "This has nothing to do with him. Let go of me, Skye." Pilit kong kinakalas ang pagkakahawak niya sa braso ko. Pero mas malakas siya sa akin.

"Penny! Don't be like this. Nahihirapan ako para sa'yo. C'mon, I'll cheer you up," sabi niya sabay hila sa braso ko.

Pinigilan ko siya. "No Skye. When I said let go of me, I mean wag ka nang lalapit sa akin kahit kailan. Wag mo na rin akong kakausapin."

Napabitaw siya sa braso ko. Hinawakan niya naman ang wrist ko. "What!? Alam mo ba ang sinasabi mo? At bakit ko naman gagawin yun!?" He sounded disappointed.

"Dahil ayoko. Wala kang mapapala sa akin Skye. Hindi ko...” Napalunok ako. I can do this. “…hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. I'm sorry." I'm sorry Skye. Pero hindi ka pwedeng madamay dito. Hindi ako karapat dapat sa'yo. Hindi ako ang babaeng makakapagpaligaya sa'yo. 

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit hinuhuli ang tingin ko. "But you said you'll try!" Punung puno na ng bitterness ang boses niya.

Parang lalong nadurog ang puso ko doon. "I  tried. But I can't. I'm sorry. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo sa akin. Go find yourself a woman who can return your love. Wag kang magpkag*go sa akin." Oh Skye. I'm so sorry. If love will give me a chance again, I want it to be you. Gusto kong ikaw na lang ang mahalin ko. Pero ngayon, hindi ko pwedeng isipin ang sarili ko. They're all depending on me.

Napabitiw siya sa akin. He's crying. I can see the pain in his eyes.

"I'm sorry..." I whispered bago tumalikod.

Hinawakan niya ako bigla sa braso at iniharap sa kanya. There’s anger at the same time, sadness in his eyes. "Bakit palaging siya? I was always  there when he left you. Hindi kita iniwan kahit minsan. Bakit mo ako iiwan na lang nang basta ngayon? Palagay mo ba matatanggap ko yon? Kahit na alam kong siya pa rin ang lagi mong iniisip kahit magkasama tayo, nagsasawalang kibo na lang ako. Gusto ko lang naman maging masaya ka eh. Pero bakit yung hinihingi ko para maging masaya ako, hindi mo maibigay?" Mahinahon lang siyang nagsasalita pero mababakas mo ang sama ng loob at sakit sa bawat salitang sinasabi niya.

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon