Chapter 32: Speechless

33.5K 328 23
                                    

Chapter 32: Speechless

PENNY

Pagdating namin sa bahay nila, nanlaki na naman ang mga mata ko. Nasabi ko na bang lumipat na kami ng bahay? Oo, last year lang. Dati, katapat ng subdivision  na tinitirhan namin ang bahay nila Vaughn. Pero ngayon, twenty minutes drive na mula doon.

At heto nga, after how many years, ngayon lang ulit ako nakatuntong dito. Tuwing nakikita ko ang mansiyon nila, hindi ko talaga maiwasang humanga. Parang mas lalo pa itong lumaki kaysa dati. Para namang bumalik lahat ng ala-ala ko sa bahay na ito. Dito kami naging magkaibigan ni Vaughn noong maliliit pa kami. Kung maibabalik lang ang mga panahong iyon. Kung kailan, itinuturing pa akong kaibigan ni Vaughn. Kung kailan pinoprotektahan niya pa ako. Kung kailan may care pa siya sa akin. Oo nga at engaged na kami ngayon, pero labag naman lahat sa loob niya ‘yon

I sighed. Kanina sa mall, nasaktan talaga ako sa inasal niya. I felt relief and happy when he saved me from that guy. Pero nasaktan ako na sinabihan niya ako na walang utang na loob sa harap ng maraming tao. Hindi naman siya ganon noong mga unang oras.

"Problema mo? Bakit hindi ka pa bumababa? Gusto mo buhatin pa kita?"

Speaking of the devilish devil! "Wala! Heto na nga oh, bababa na! Atat!"

"Tch!" Bumaba siya ng kotse at hindi man lang nag abalang ipagbukas ako ng pinto.

Padabog akong bumaba dirediretso na naglakad.

Sumunod siya sa akin "Oy! Teka nga! Bakit hindi mo ako hintayin!?"

Hindi ko siya sinagot at tuloy tuloy lang ako. Gantihan lang yan tol! Kung suplado ka, mas suplada ako! Kainis to! Kanina pa siya! Kung sigawan niya ako kanina, akala mo kung sino! Tapos ngayon magtataka siya kung bakit ganito ako umasta!? Ha! Dense!

Sumabay siya sa akin. "Ano bang problema mo? Bakit ang sungit mo!?"

Ako pa pala ang masungit ha! I rolled my eyes. "Look who's talking!"

"Ano ba kasi ang ikinagagalit mo!?" naiinis na tanong niya.

Hoy! Dapat ako ang mainis no! Hindi ikaw! Kafal ng face! "Ewan ko sayo! Pasok na’ko! Gutom na ako!" tumalikod ako sa kanya. Bahala ka diyan. Ang suplado mong durugista ka!

Hinila niya ako nang mahigpit sa braso at iniharap sa kanya. “What the hell is wrong with you!?” bulyaw niya.

Gulat ako hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. He scolded  me again. Ano bang kasalanan ang ginawa ko sa kanya para magalit siya sa akin nang ganyan? 

Naramdaman kong may namumuong luha sa mata ko. Yumuko na lang ako para hindi niya makita.

"What!? Talk to me!" dagdag niya.

Matigas akong tumingin sa kanya. Sobra na siya.I can’t take it anymore. “You should ask that to yourself, you jerk! Go to hell!” umiiyak na sigaw ko sa kanya at pilit na tinanggal ang pagkakakapit niya sa braso ko. Nagmartsa ako palayo sa kanya. Hindi ko na ininda kahit naka high heels ako.

Hinabol niya ulit ako at hinawakan sa magkabilang balikat. Nakatitig lang siya ngayon sa mukha ko. Ngayon, with softness. Hindi nakakunot ang noo niya at wala na yung nakakatakot niyang aura kanina.

Nag init ang pisngi ko. “W-what!? Anong tinitingin tingin mo!?” garalgal na sabi ko sabay singhot.

Nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakapin. "I…I'm sorry," bulong niya.

Lalo naman akong napaiyak dahil doon. Ang tagal ko nang pinangarap na maramdaman ulit ang yakap niya. In an instant nag evaporate lahat ng inis ko sa kanya.

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon