Chapter 42: To the Rescue

32.2K 323 43
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 42: To the Rescue

PENNY

"Lopeng! Anong gagawin ko!? Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya!" ngumangawang sabi ni Kaoru.

Break namin ni Kaoru kaya na sa canteen kami at kumakain ng corneto. "Ayos nga yon. Hindi mo na kailangang magpakahirap mag-confess ng feelings sa kanya! Dahil aksidente mo nang inamin!” Humalakhak ako. “Astig yon! Matry nga minsan!"

Nakakatawa talaga to. Noong Thursday kasi, isipin mo ba namang magkwento ng buhay niya sa taong hindi niya alam kung sino!? Pati love life, isiniwalat! Hindi niya alam, yung pinagkukwentuhan niya pala, yon na mismo yung lalaking tinutukoy niya!  Nag-confess ng feelings nang hindi oras. Idol ko na ‘tong babaeng to. Kakaiba dumiskarte. At ang nakakagulat pa, nagpakilala pa kamong 'Natsume' kay tita noong ihinatid sa bahay nila. Kinikilig ako sa kanila! Sa gabing madilim, sila lang dalawa! Ang romantic! Tapos..tapos....inihatid pa siya sa bahay nila nang tulog siya! Ibig sabihin, binuhat ni Alistair na parang prinsesa si Kaoru! Kyaaah! Kinikilig ako sa love life nitong si bruka!

"Gagi! Natutuwa ka pa!? Hirap na hirap na nga ang kalooban ko rito! Malay ko bang siya yon! Tsaka, madilim, hindi ko alam na si Alistair na pala siya! Tapos, akala ko, tulog siya noong kinakausap ko siya! Tapos pala, tulug-tulugan lang! Mamatay na ako sa kahihiyan! Iiwasan na niya ako lalo! Galit na galit na siya niyan sa akin! Kinamumuhian na niya akoooo!" parang timang na ngawa ni Kaoru.

"Tse! Ang oa mo! Think positive nga! Masyado kang napa-paranoid eh! Bakit naman magagalit sa yo yon!? Normal lang naman na magka-gusto o kaya ma-inlove ah! Tsaka, kita mo nga, nagpakilala pang Natsume kay tita! Ibig sabihin, may possibility na may gusto rin siya sa yo! Ayieee!" Hinampas hampas ko siya sa balikat.

Nag pout siya. "Huwag ka nga! Baka mag-assume ako! Masakit mabigo!" Napahawk pa siya sadibdib niya.

Okay, ang drama niya talaga. Hinawakan ko siya sa braso. "Ano ba!? Bawal bang mangarap!? Huh!? Huh!?"

Hinawakan niya rin ako sa braso. "Oo! Kung imposible yung pinapangarap mo! Kung kailangan pang pumuti ng uwak at lumipad ng baboy bago matupad ang pangarap mo!"

"Baliw! Yung pangarap mong makakita ng isang lalaking katulad ni Natsume, palagay mo ba hindi imposible yon!?"

Napaisi pa siya nang kaunti. "Medyo imposible nga," she sighed.

"Oh! Kitams!? Hindi ba, natupad yon? Nakahanap ka! Kaibigan pa ni Vaughn! Dapat nga matuwa ka, dahil naamin mo na sa kanya nang walang kahirap-hirap! Ako nga, hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Tsaka, palagay mo ba, hindi niya rin malalaman yan balang araw? Lahat ng sikreto nabubunyag girl! Mas maganda nang sayo niya nalaman kesa sa iba! At dapat mong tanggapin kung anomang response niya roon! At least kung wala ka mang chance, nalaman mo nang maaga. Maiiwasan mo ang paglalim nyang nararamdaman mo para sa kanya!" puno ng emosyon kong sabi. Nakakahingal ‘yon ah.

Kaoru looked at me weirdly. "Tapos na ang SONA mo?

Napabusangot ako sa sagot niya. Wow ha!? Kahiya naman sa kanya."Ang sama mo! Nagpakahirap ako para sa speech na yon, tapos, ganyan lang ang sagot mo!? Appreciation girl! APPRECIATION! Hindi ka man lang natuwa!"

"Anong gusto mo? Magtatalon ako sa tuwa, magsisigaw at magpa-party ako rito dahil sa appreciation at tuwa sa speech mo?" straight face na sabi niya.

Ah loka-loka talaga to! "Napaka-bait mo talagang kaibigan! Kaya mahal na mahal kita eh!" sabi ko, sabay irap sa kanya. Notice the sarcasm, people! -.-

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon