NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 24: What a Great Day!
PENNY
Parang sandaling tumigil ang mundo ko habang nakatitig ako sa lalaking ito. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Yung puso ko, parang gustong kumawala sa dibdib ko. Bigla kong naalala si Vaughn?
I gasped. Isang lalaking matangkad at maputi ang nakatayo sa harapan ko. Naka-black na tshirt, naka bonet na red at nakashades. Mukhang mayaman.
Hindi kaya, siya nga yan!? Oo, mas matanda ang isang ‘to sa natatandaan kong itsura. Pero hindi ba, nasa ganyang edad na rin si Vaughn sa mga oras na ‘to?
"Miss kuneho! Nakikinig ka ba!? Ang sabi ko, natapunan mo ako!" nayayamot na sabi nung lalaking nakabangga ko.
Para naman akong natauhan dahil sa pagsigaw niya. Tumayo ako at kinuha yung panyo ko sa bulsa. Grabe, napaka-ungentleman naman nito. Hindi man lang ako tinulungang tumayo ! Tsaka, alam ko namang natapunan ko siya no! Hindi na niya kailangang isigaw!
"Sorry. Sorry po talaga," sabi ko habang pinupunasan ko yung tshirt niyang namantsahan.
"That won't work!" sabi niya sabay tabig sa kamay ko.Napayuko ako. "Sorry." Wala akong ibang masabi. Kinakabahan kasi ako sa presensiya ng lalaking ito. May posibilidad na siya ang matagal ko nang hinihintay.
"What's your problem!? Hindi mo ba ako nakita? May mga mata ka naman siguro!?" sunod sunod na tanong niya.
Napasimangot ako. Aba! Ang angas nito ah. Nag-sorry na nga ako diba!? Diba!? Ang sama ng ugali! Sa mga sinabi niyang ‘yon, imposibleng si Vaughn siya. Tinanggal ko na sa isipan ko ang isipang baka si Vaughn ang isang ‘to. He’s too cruel to be him!
Tinaasan ko siya ng kilay. "Nag sorry na nga ako diba?"
Lalong napakunot ang noo niya. "Huh? Wala namang magagawa yang sorry mo eh. The damage has been done!"
Paenglish-english pa ang mokong! Ang suplado pa. Grabe lang ha. Ako na nga ang nasaktan, siya pa ang galit! "Sorry nga diba!? Naiintindihan mo naman siguro yon? Hindi ko naman sinasadya eh! At tsaka siguro naman kung hindi man kita nakita, nakita mo naman siguro ako diba!" Oha! Ano ka ngayon!? Akala mo uubra ka sa akin!? Hmf! Mali ka ng tinatarayan mo tol!
He scoffed. "Malay ko ba kung sinadya mo lang talaga iyon para makilala ako," sabi niya sabay ngisi.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Ano raw!? Si-si-sinadya!? Aba’t talaga namang—!Hindi naman siya mayabang niyan no!? The nerve! Ang kapal lang ha! Pigilan niyo ‘ko! Babangasan ko ‘to!
Namewang ako. "Hoy! Mr...Mr...” Hindi ko pala alam ang pangalan. “…Mr. Whoever-you-are! Bakit naman kita gustong makilala!? Kapal mo ha! Kahit na ba gwapo ka! Wala akong pakealam sayo!"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Edi inamin mo ring gwapo ako. Tch! Para sabihin ko sa’yo Miss Bunny, gasgas na ‘yang style mo ng pagpapapansin. Hindi na uubra yan."
Anak ng—!Grrrr! Anak ng baka! Ang kafal ng face! Sarap ingudngod! >.<
"W-what!?" Pakiramdam ko, umuusok na ang ilong ko sa inis.
Umiling iling siya habang nakatingin sa akin na parang napaka hopeless kong tao."Hindi ka lang pala bulag, bingi rin."Tinalikuran niya ako at naglakad palayo.
Nagyukom ako ng palad. Akala ba ng lalaking ‘to, ganon ko na lang palalampasin ‘yon!? "HOY! Narinig ko! Ang kapal ng mukha mong hudas ka! Ma-feeling!" sigaw ko.
Dahil doon, napatigil siya. Tumingin siya sa mga tao sa paligid at doon ko napansin na gumagawa na pala kami ng eksena.
Lumapit siya sa akin. "Tch! Whatever. You're so noisy. Nakakairita ka. I wonder kung paano kita papatahimikin?"Nanlaki ang mga mata ko.
Maya maya, nag-smirk siya at dahan dahang inilapit sa akin ang mukha niya.
Nag-akyatan naman lahat ng dugo ko sa mukha. W-wag mong sabihing gagawin niya ang iniisip ko!? NOOOOOOO! My virgin lips!
Tinakpan ko ang labi ko.
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Novela Juvenil[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...