NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 36: I'll be
PENNY
"O-y! Si....Vaughn!" sabi ko kay Skye na hawak hawak pa rin ang kamay ko habang tumatakbo.
Hindi niya ako pinansin. Nagtago kami sa isang sulok. Tapos tinakpan niya ang bibig ko.
Narinig naming dumaan yung mga goons. Buti na lang, hindi kami nakita.
Tinanggal niya ang pagkakatakip sa bibig ko nang masigurado naming wala na sila. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.
Hindi ko napansin ang sinabi ni Skye at luminga linga ako. Nasaan si Vaughn? Baka nabugbog na yon! Baka napahamak na siya! Ang dami kaya nung mga goons. Hindi niya kaya ang mga 'yon na siya lang mag isa! "S-si Vaughn?! Bakit natin siya iniwan!? Baka napano na siya! Balikan natin! Bilis!" Naluluha na ako sa sobrang kaba. Lahat ng posibleng mangyari, naiisip ko na at natatakot talaga ako.
Hinawakan ako sa braso ni Skye. "No! Baka makita ka nila. Baka anong gawin nila sa'yo.Nasaan na ba kami? Napalayo yata ang takbo namin. Hindi ko na alam kung saan ito eh.
Si Vaughn. Si Vaughn ko. Baka napahamak na siya. Hindi pwede! Hindi ko pa nasasabi yung nararamdaman ko para sa kanya eh.
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa’kin. "H-hindi! Hahanapin ko siya!" Tumakbo ako at hinanp si Vaughn. Wala na akong pakialam kahit makita pa nila ako. Ang mahalaga sa akin, makita ko si Vaughn.
Kasalanan ko ang lahat ng ito eh. Kung hindi ako tatanga tanga, hindi sana mangyayari to. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa kakaiyak. Kapag may nangyaring masama sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
I looked for him. Pilit kong inaalala kung saan kami nanggaling kanina. Pero dahil sa luha ko, hindi ko masyadong makita ang paligid. I cried for his name silently. Paulit ulit din akong dumadalangin na sana, nasa maayos na kalagayan siya.
Bumalik ako sa café na pinanggalingan namin kanina. Pero wala siya roon. Pati ang sasakyan niya, wala na rin. I gasped with terror. Anong ginawa nila kay Vaughn!?
Nanlalambot na ang tuhod ko. Pagod na pagod na ako sa kakalakad. Unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa. Napaupo na lang ako sa semento at humagulgol."Vaughn..,” I sobbed. “…nasaan ka na?”
"Penny!" Dali-daing lumapit sa akin si Skye. Itinayo niya ako.
"H-hnidi ko makita si Vaughn. A-anong ginawa nila kay Vaughn?" I asked hopelessly.
Niyakap ako ni Skye. "Ssh, tahan na. Ayos lang si Vaughn. Kilala ko siya. He's a strong guy."
"P-pero nakita mo naman kung gaano sila kadami diba? Hindi niya kakayanin mag-isa ‘yon."
Skye sighed. “We'll find him. So please, don't cry," pag-aalo niya sa akin.
Tumango ako at inakay niya ako paalis doon. Pinagtitinginan na pala kami ng mga tao.
Dinala ako ni Skye sa isang upuang kahoy na malapit lang doon sa café. Doon, tinry namin tawagan si Vaughn pero laging nagri-ring lang. Nag-alala tuloy ako lalo.
Pinagtanong-tanong na rin namin siya sa mga tao doon, pero wala daw nakakita sa kanya.
Nung mapagod na kami kakalakad, bumalik kami sa upuan. Napabuntong hininga ako at pilit pinigilan ang pamumuo na naman ng luha sa mga mata ko. Kanina pa ako umiiyak at napapagod na rin ako. "A-anong gagawin natin?" Suminghot ako.
Napatingin sa akin si Skye."He's okay. Don't cry princess. You're more beautiful when you smile." Hinimas niya ako sa likod.Hindi ko napigilan at tuluyan na akong naiyak. "K-kasi naman eh. P-paano nalang kung napahamak siya? H-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”
Isinandal niya ako sa balikat niya. "I know a way to make you smile."
Napatingin ako sa kanya.
He started humming and then he sings...
♪The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath.
And emeralds from mountains thrust towards the sky

BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...