Chapter 40: I HATE YOU!

30.9K 330 27
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

 

Chapter 40: I HATE YOU!

PENNY

"Hush Penny. Please don't cry," pang-aalo sa akin ni Skye.

I blew my nose in my hanky. “Bwiset siya! Kainis!” umiiyak na sumbong ko kay Skye.  LECHUGAS SI VAUGHN! I hate him! I hate him so much!

Nandito kami sa isang café. Sinasamahan ako ni Skye na maglabas ng sama ng loob sa anak ng tokwa niyang best friend.

Skye sighed. “Don’t cry princess and tell me what happened.”

“Paano ako titigil? Bad trip lang eh!”

"Gusto mo turuan natin sila ng leksyon?"

Natigilan ako at umiling. "No! Wag!"

“Why not! They bullied you! I saw it!” galit na sabi ni Skye.

 "Basta!" Kasalanan lahat ng putek na lalaking yon! Gusto ko siyang ibaon ng buhay! Siya ang dapat sisihin dito!

 

*Flashback*

Uwian na namin. At sa pagkaka-alam ko, pareho ang dismissal time namin ni Vaughn kapag ganitong araw. Napagdesisyunan ko nang mag-sorry sa kanya, kahit may kasalanan din siya sa akin. Kaya heto, hinihintay ko siya sa labas ng Engeneering Building. Ayaw ko nang tumagal ang away na ‘to eh. Isa pa, nami missko na talaga siya.

Nang makita ko siya palabas, kinawayan ko siya. "Vaughn!"

Parang hindi niya ako nakta at nagtuloy tuloy lng siya sa paglalakad. Lumapit ako sa kanya at sinabayan siyang maglakad. "Pasabay," nakangiting sabi ko.

"Have you forgotten rule number one?" straight face na sabi niya.

Napasimangot ako. Yung wag ko siyang pupuntahan unless urgent matter. Urgent naman kaya to! Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at sumabay pa rin ako sa kanya. Kinalabit ko siya. "Galit ka?"

Nakatingin lang siya nang diretso na para bang walang kumakausap sa kanya. -.-

"Kumusta mga subjects mo?" Pilit ko pa ring pinasigla ang boses ko kahit medyo nalulungkot na ako sa ginagawa niyang pang iisnab.

No response. Galit talaga siya.

"Bakit hindi mo ako kinakausap? Huy. Bati na tayo," pangungulit ko pa.

Huminto siya at humarap bigla sa akin. He glared at me. "One meter," sabi niya.

"Huh?" nagtatakang tanong ko.

"Lumayo ka sa akin ng one meter," he said coldly.

Napaatras ako at napayuko. Ang bad niya naman! Ano ba kasing problema niya!? Yung kahapon pa rin ba!? Mas malala nga yung ginawa niya sa akin kanina eh!

Hindi na lang ako nagsalita at sumunod na lang sa kanya.

Nang mapadaan kami sa isang grupo ng mga babae, as expected, ang tatalim na naman ng tingin nila sa’kin. 

"Look oh. Ang landi niya talaga!" sabi nung isa.

Grabe oy! Naririnig ko kayo!

“Hindi na nga siya pinapansin ng prinsipe natin, habol pa rin ng habol."

Ignore them Penny! Kulang lang sila sa pansin!

"Sasabunutan ko na yan kapag hindi pa siya lumayo kay Vaughn."

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon