NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 31: His Special Day
VAUGHN
Nagising ako sa sunod sunod at walang tigil na pagtunog at pagvibrate ng cellphone ko. Ano bang problema ng mga tao ngayon at panay ang tawag at text!? Kanina pa silang hating gabi text nang text at tawag nang tawag! Nakakairita na!
Tinignan ko ang cellphone ko at binasa ang mga text.
From:********Happy birthday Vaughn my love! Please come back! I love you! :*
Geez. Sino ba to? Teka? June 6 na pala ngayon. Hell day na naman. -.-
Bakit? Ano pa, edi birthday ko. Dadagsain na naman ako ng regalo. Ibig sabihin, marami na namang kalat. Diretso lahat sa trash can. Tssss. Nakakainis na mga fan girls. Nasa Pinas na ako't lahat, hindi pa rin ako tinatantanan. Sigaradong isa na naman sa mga fan girls yung nagtext na yon. Paano naman kaya nila nalaman ang cell number ko rito? Tch! Mga creepy stalker! Ang lalakas ng radar!I opened another text.
From:***********
Vaughn Vincent Laguesma! Happy Birthday! I love you! Marry me please!
Another marriage proposal? Ano ba?! Bakit ganyan na ang mga babae!? Wala nang delikadesa! Sila pa ang napo-propose sa lalaki! Kung alam lang nilang may fiancée na ako.
From:***********
Happy birthday! I love you! blah! blah! blah!
It’s too long kaya binura ko na kaagad.From: Louise
Happy birthday mahal ko! Pagkatapos ng kwentong ito, magpapakasal na tayo sa ayaw at sagusto mo! Love you! :*
The hell!? At talagang sapilitan akong pakakasalan ah! Wala nang proposal! Mas malala pala ang isang ‘to eh.
Tch! Crazy fan girls!
Binura ko na agad lahat ng text nila kahit hindi ko pa nababasa yung iba. Thye’re all the same. So, it’s just a waste of time.Maya maya, tumunog ang cellphone ko. A call from Penny a.k.a FCBB or Flat chested bunny batya.
I smirked. Ineexpect ko nang tatawag siya. Maaga ko talaga siyang pinasundo kay Mr. Smith. Una, tulog mantika ang babaeng yon, ang hirap gisingin. Nakanganga pa. Pangalawa, alam kong tanghali na siya kung magising. At pangatlo, gusto ko siyang asarin.
I answered it. "Yo?"(Hoy! Bakit ang aga mong pinapunta dito si Mr. Smith!?) she shouted.
Here comes her souting again. "Gusto ko eh."
(Alas diyes pa ang usapan ah!)
"Para sure. Alam mo bang tulog mantika ka?"
(Kainis ka naman eh! Tutupad naman ako sa usapan eh!)
I rolled my eyes. "Whatever. In fifteen minutes, dapat nandito ka na or else."
Ibinaba ko na bago pa siya makasagot. I laughed. Siguradong asar na asar na naman yon. Sana nakikita ko ang mukha niyang nagngingitngit sa inis. Oh I can imagine her face right now and it’s giving me a great joy!Naalala ko na naman noong ipinakilala kami sa isa't isa. Nagulat talaga ako noong nakita ko siya. Yung Bunny Girl na nakabangga ko sa supermarket na bumato sa akin ng sapatos sa ulo at si Penny na fiancèe ko, iisa!? Sa totoo lang, nakaramdam talaga ako ng inis. Hindi ko kasi makalimutan ang pamamahiya niya sa akin ‘non. Kung hindi nga lang ako pinagtititnginan ng mga tao, hahabulin ko pa siya eh.
Pero ang nakakatawa roon, hindi niya alam na ako at si Vaughn na kababata niya ay iisa! Ang slow niya. Hindi man lang ba niya ako namukhaan? At talagang inis na inis siya sa akin. Halata naman sa mukha niyang laging nakabusangot eh. No, baka hindi lang inis. Maybe she despises me. Kaya nga sinabi kong hindi na namin kailangang magpakasal. I don’t want to force her into something. Kailangang kailangan ko lang talaga siya ngayon.
Don't get me wrong. I don't hate her. Really. Kahit na hindi masyadong maganda ang muli naming pagkikita, still she’s someone who I used to cherish. I’m not a ruthless person to forget that. Siguro nga, kung sa mas maayos ayos na pagkakataon kami ulit nagkita, maybe, just maybe, we won’t hate each other’s guts like this. Naiintindihan ko naman na nagbabago ang tao sa paglipas ng panahon. Kahit ako, aaminin ko, malaki talaga ang ipinagbago ko. I don’t know how. Maybe after that incident.
![](https://img.wattpad.com/cover/1769026-288-k282792.jpg)
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...