NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 45: Iisang Bubong
PENNY
"Bakit nakatunganga ka pa riyan? Ano pang hinihintay mo? Pasko?" sabi ni Vaughn habang binubuhat sa loob ng condo niya ang 'aparador' ko.
I snicker. "Heto na! Papasok na!" Parang gusto ko nang umatras. Umiiral na naman kasi ang menopausal personality niya. Baka lagi akong tarayan.
Pagkapasok ko, natulala na naman ako sa condo niya. W-o-w! Ang ganda talaga rito! Lalaki ba talaga si Vaughn? Sobrang linis at organize talaga eh. Nahiya naman tuloy ako sa kwarto ko.
"Sumunod ka sa akin," utos niya.
Sumunod ako sa kanya papasok sa isang pinto. Dalawa kasi ang pinto doon. Mas malaki ung isa. Doon kami pumasok sa mas maliit.
Kung kanina pagpasok ko sa condo niya, natulala ako, ngayon may kasamang drooling na. Pero oa lang talaga ako. Pero nakaka-amaze talaga itong kwarto. Hind siya ganon kalaki pero ang linis at ang ganda. Katulad ng sa salas at kusina, black and white rin ang motif niya. Tapos may single bed na may puting sheet. Meron ding sariling study table and lamp shade. May isang itim na aparador siya sa tabi nung study table. Pero ang pinakamaganda sa lahat ay yung bintana. Dahil na sa 10th floor kami, tanaw na tanaw ang labas. Ang daming iba't ibang kulay na ilaw! Kyaaaah! Mukhang magiging comfortable ako rito ah!
"Mata mo, malalaglag na," pang-aasar niya.
Hindi ko siya pinansin. "Dito ba talaga ako matutulog?" excited na tanong ko.
"No. Sa labas ka. Damit mo lang ang dito," straight face na sagot niya.
Napasimangot ako. Sapukin ko kaya ‘to!? Ang tino tino kong nagtatanong eh!
“Obvious na, nagtatanong ka pa,” bulong niya. Pero hindi iyon nakalagpas sa pandinig ko. “Magpalit ka na. Dinner in…” Tumingin siya sa relo niya. “…10 minutes,” sabi niya bago lumabas ng kwarto.
I glared at him na nakalabas na sa mga oras na ‘yon. 10 minutes!? Grabe ha! Hindi man lang ipa-feel sa akin itong kwarto!?
Humiga muna ako sandali sa higaan. Bayaan mong maghintay ang hudas na yon! Ife-feel ko muna ang AKING kwarto!
Wow! Ang lambot ng higaan! Nagpa gulong gulong ako. Ang sarap naman dito. Gusto ko nang matulog kaagad.
Tumihaya ako at tumingin sa kisame. It’s official. Narito na ako sa isa sa kwarto ni Vaguhn. Wala nang atrasan ‘to. Kinakabahan ako. Ngayon ko lang siya makakasama sa iisang bubong. Ano naman kaya ang mangyayari sa amin? Puro bangayan? Si momma kasi eh! Bakit naman kasi sa lalaking yon niya pa ako naisip ipa-tutor!? Bakit ba kailangan ko pang dito matulog every weekend? Sana naman, naisip man lang niya na BABAE ang anak niya! Papatulugin niya sa condo ng lalaki!? Kahit na ba fiancè ko yon at ikakasal din kami someday, lalaki pa rin siya at babae ako! Masagwa pa rin na matulog kami sa iisang bubong nang hindi kasal!
Minsan tuloy iniisip ko kung mahal ba talaga nila ako. Naawa ako sa sarili ko. Pero wala na akong magagawa eh. Nandito na. Panindigan na ‘to. Tsaka, may tiwala rin naman ako kay Vaughn. Kahit na palagi niya akong inaaway, alam kong malaki ang respeto niya sa akin.
Pinagmasdan ko ulit ang kwarto. Infairness talaga sa lalaking yon, ang bongga ng guest room. Napaisip tuloy ako. Ilan na kaya ang nakatulog dito? Ako palang kaya ang una? Na-curious tuloy ako bigla.
Nabulabog ako nang may kumatok sa pinto. "Matagal ka pa ba riyan? Hurry up! I'm hungry!"
Ano ba yan! Nag-eenjoy pa ako rito eh! Kahit kelan talaga, yang lalaking yan, hari ng mga atat! Tch! "Nandyan na!"
![](https://img.wattpad.com/cover/1769026-288-k282792.jpg)
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Dla nastolatków[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...