NOTICE: Edited chapter na po ito. Pahapyaw lang o try lang. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 1: Penny
PENNY
June, 2012
Hay! June na. Hindi na nakakapagtaka ang sunod sunod na bagyo.
Napaka-gloomy ngayon ng panahon. Hindi tuloy ako makalabas.
Eh kasi naman, bagot na bagot na'ko sa kakatengga rito sa bahay. Kung hindi nagla-laptop, nanunuod lang ako ng TV. Gawain ng tamad na tao.
Ang tagal naman dumating ni Kaoru para sana may kachikahan ako. Tsk, knowing her, siguradong nasa kasarapan 'yon ng tulog habang nakanganga. Wahahahaha. Ano bang bago?
Kaya tuloy heto ako, na sa harap ng bintana nakapangalumbaba at nag-eemo dahil sa bagyo.
Napatingin ako sa kalendaryo sa study table ko. June 4 na pala. Malapit na ang birthday niya. Tatlong taon na rin pala mula noong umalis siya.
"Vaughn," bulong ko.
Hanggang ngayon siya pa rin. Siya pa rin talaga. My secret crush, my love...
(6 years earlier)
2006
"Penny darling, we're here," sabi sa akin ni momma. Inihatid ako ni momma sa Maxwell Academy, school ko.
"Baby, heto ang baon mo oh. Wag masyadong papapawis ha," bilin sa akin ni momma.
Nag smile ako hanggang sa halos sumakit na ang cheeks ko. "Yes momma!"
Hihi! Danda talaga ni momma ko. Para sa'kin, siya ang pinkamaganda sa lahat ng mga babae. Sana paglaki ko kasing ganda ko rin siya. Gusto ko rin ng mahaba at medyo brown na hair. Tapos pink na cheeks at red na lips. Miss Canary Penelope Diaz. Napa-smile ulit ako dahil sa naimagine ko ang sarili ko na dalaga.
"Ay, Penny honey, I can't pick you up later ha. May pupuntahan kasi si mommy eh. Sabay ka na lang kay kuya Philip at kuya Peter mo," sabi ni momma bago niya buksan yung door ng car.
Medyo nalungkot ako pero nag-smile pa rin ako. "Okay po."
"Sige baba ka na. Malelate ka na," sabi ni momma tapos ay ikiniss ako sa cheeks.
"Bye baby! I love you," pahabol niya.
"Babye momma! I love you too!" sabi ko habang kumakaway.
Dumiretso ako kaagad sa classroom namin. Magta-time na kasi. Siguradong patay ako kay teacher kapag na-late ako.
Saktong pagkapasok ko, naroon na yung teacher at halos lahat ng mga kaklase ko. Buti na lang hindi ako na-late.
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...