Chapter 6: Hindi Ko Keri!

36.9K 414 24
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 6: Hindi Ko Keri!

 

PENNY

 
"Mahal kita Penny." 

"Vaughn?"

"Oo, nandito ako. Hindi kita iiwan. Pangako," nakangiting sabi niya.

 "Naniniwala ako sa’yo. Mahal na mahal din  kita."

Paunti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Alam ko kung ano ang gagawin niya. Napapikit ako.

 
Ilang Segundo na ang lumilipas, wala  pa ring dumadampi sa labi ko.

Ang tagal naman. -___-


Maya maya pa, naramdaman ko na ang hininga niya sa may mukha ko. Wow ha, nagtooth brush ba siya? Oh well, wala akong pakialam. Basta naeexcite ako sa mangyayari!

Dinilaan niya ako bigla sa ilong. O_O


"WAHAHAHAHAHA!" 

 Napabalikwas ako ng bangon. Tss. Si kuya Peter lang pala. Buti na lang at panaginip lang ‘yon. Akala ko, si Vaughn talaga eh.


Si Chichi lang pala. Inilagay siya ni kuya Peter sa kama ko tapos ipinadila yung ilong ko. Yuck! Bwiset talaga ‘tong kuya ko!

 
"Momma! Si kuya oh!" sigaw ko.

Kabadtrip to. Panira ng moment. Kahit na sa panaginip lang ‘yon, si Vaughn pa rin ‘yon.
 
"Peter! Ano naman ang ginawa mo kay Penny!?" narinig kong sigaw ni momma mula sa baba.

 
"Nakakatawa ka! Nag i-sleep talk ka. Pinagpapantasyahan mo pa yata si Vaughn," tumatawang sabi niya.

Namula ako. Nakakahiya! Nagsasalita pala ako ng tulog .

 “Tse! Isusumbong kita kay daddy! Pati yung pagcu-cutting mo!”

 "Eh di isumbong mo. Sasabihin ko naman kina daddy na pinagpapantasyahan mo si Vaughn. Panguso nguso ka pa. Feeling mo ikikiss ka niya. Tapos ikukwento ni daddy yun kay tito Vassil pag nagkataon. Patay ka!” Tumawa siya na parang demonyo.

Bwiset talaga ‘to ah. 

Pero anong sabi niya!?

Hala! Noooooooo! Mamatay ako sa kahihiyan!

Ngumiti ako at nagpacute nang kaunti kay kuya. "Hindi, joke lang kuya. ‘To naman hindi na mabiro.ha...ha...ha." I-blackmail ba naman ako!? Bait talaga nito.

 Ngiting tagumpay siya ngayon. “Yan! Good girl!" sabi niya at hinimas pa ang ulo ko.

Ay? Ano ako? Aso? Loko talaga to. Sakit sa bangs.
 
"Mga bata, bumaba na kayo! Kakain na tayo," sigaw ni momma.

 

Sumunod kami ni kuya at hanggang baba, hindi niya ako tinigilang asarin. Mabuti na lang at pumasok na kami sa school para hindi ko na muna makita ang kuya kong magaling.

 

 

-----------------------------------

Habang papasok ako ng gate ng school, may isang mangkukulam na humarang sa daraanan ko.

"Hoy Penoy! Akala mo ba tapos na tayo? Pasalamat ka at dumating noong isang araw yung gwapong lalaki," sabi ng witch habang nakapameywang.

Si Serang bruha na naman. Kailan ba ako titigilan ng baliw na ‘to?

"Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit ba ayaw mo akong tigilan?" tanong ko.

"Wala. Ang sarap mo lang kasing asarin. Pikon ka kasi tapos napaka crybaby mo pa," sabi niya habang parang baliw na tumatawa.

 Ay loka-loka. Dahil lang doon? Ang lakas pala ng amats nitong babaeng to eh!

"Baliw ka pala eh. Ang lakas ng tama mo. Dahil lang ‘don!? Tapos ang flirt mo pa,” ganti ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang bibig ko. Nakakaasar na talaga eh. Napupuno na’ko sa kanya. Tsaka,totoo naman ang sinabi ko eh. 

Nanlaki ang butas ng ilong niya. "Anong sabi mo!?"

 
Uh-oh. Galit na siya. Patay tayo diyan.

 Akmang dadaklutin niya na ang buhok ko, nang may pumigil sa kamay niya.

 
Omo, my knight in shining armor again. Para siyang kumikislap sa paningin ko. Wah! To the rescue na naman ang prince charming ko!
 
Sinamaan ng tingin ni Vaughn si Serang bruha.

"A-ah, aayusin ko lang po ang buhok niya. Medyo nagulo kasi eh," sabi ni Serang bruha, tapos inayos pa yung buhok ko .
 
Sinungaling. Aayusin daw. Balak niya na nga akong kalbuhin kanina eh.

 Parang hindi naniniwala si Vaughn.Sinenyasan niya si Serang bruha na umalis.

Tumakbo naman ang bruha! Wahaha! Takot naman pala siya eh.

 Bumaling sa akin si Vaughn tapos ngsmile. "Sabay tayo umuwi. Hintayin kita dito mamaya," sabi nya pagkatapos ay umalis din kaagad.

 

Natulala ako. Processing......

.

.

.

Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat!?

 
Tama ba ang narinig ko!? Sabay raw kaming uuwi!? Feeling ko kakapusin ako ng hininga sa sinabi niya!
 
Limang minuto na ang nakakalipas, nakatitig parin ako sa pwesto niya kanina. Hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ng utak ko ang sinabi niya. Baka karugtong lang ito nung panaginip ko.



"Penny! bakit nakatunganga ka pa riyan? Malelate ka na!" sigaw ni Natalie, friend ko.

Napatalon ako. "Ay anak ng garapata!" Bakit ba kasi bigla na lang sumusulpot?

 
Natawa siya. “Puro ka talaga kalokohan. Tara na nga!"

 Sabay kaming pumasok sa classroom. Magkaklase rin kasi kami.

Hindi pa rin nawala sa isip ko yung nangyari kanina. Hindi tuloy ako makapagconcentrate nang maayos sa lessons. Namalayan ko na lang, recess na pala namin.  

 

 
Nasa loob kami ng canteen sa high school department. Dito kasi gustong kumain ni Natalie. Marami raw kasing pogi.

"Doon tayo!"  sigaw ni Natalie.

Nagtakip ako ng mukha. Nagtinginan sa amin ang mga tao. Grabe makasigaw ang babaeng to. Wagas!

"Bunganga mo!" saway ko sa kanya.

"Oops. Sorry, hehe ." Nag-peace sign pa ang loka.

 Umupo na kami doon sa upuang pinili ni Natalie. Lagi lang naman akong sumusunod sa gusto ng lukarit na ‘to . 

"Penny!" sigaw ulit niya. 

"Oh!?" Kung makapagsalita ‘to akala mo ang layo ko sa kanya.

"Kanina ka pa tinititigan nung fafalicious na yun oh," nag i-sparkle ang mata na sabi ni Natalie habang ngumunguso sa may likuran ko.

Lumingon ako. Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga.

 Si Vaughn ‘yon  kasama ng mga kaklase nya. 

Eh? Bakit ang daming babae? -.-

 

Nang mapatingin ulit siya sa akin, nginitian niya ako. Yung nakakapanlambot niyang ngiti.
 
Kyaaaaaaa! >////<

Nag smile rin ako. Hay~ ngiti niya palang busog na ako.


Nagulat ako nang bigla akong batukan ni Natalie. "Aray! Anong problema mo!? Bakit mo ako binatukan!?"

"Kasi naman, kanina ka pa nakanganga diyan! Pinapasukan na nga ng langaw ang bibig mo oh," pang-aasar ni Natalie.

Nag pout ako. "Oa naman neto!"  

 "Sino ba kasi ‘yon?"

 Ngumiti ako nang malaki. “Hehe.  Boyfriend ko!”

 Sumimangot siya. "Tungaks! Boyfriend ka diyan! Feelingera!"


"Bakit, imposible ba yon!?"

 "OO!" mabilis at malakas na sagot niya.

Sasapakin ko ‘to eh. -.-

"Bilis na kasi! Sino ba yon?" pangungulit iya pa.

 Hay~ mukhang hindi talaga siya maniniwala. Masaya n asana ako kahit may isang tao lang na maniniwala na boyfriend ko ang gwapong lalaking ‘yon. Sabihin ko na nga ang totoo."Ganito kasi. Noong isang araw, si Serang bruha....."

 Kinuwento ko kay Natalie ang lahat pati yung birthday party.

 

 

“Huwaaaaat!?” sigaw niya. “Sabay raw kayong uuwi mamaya!? Talaga!? Weh!? Di nga!?” sabi niya habang nanlalaki pa ang mga mata.

Sinubuan ko siya ng buong ensaymada na binili namin kanina.

 "Yug bibig mo! Sungalngalin kita riyan eh." Ipagsigawan daw ba!? Nakakahiya talaga siya. 
 
"Haba ng hair mo girl! Ang tabang isda!"  sabi niya nang malunok niya ung tinapay.

"I know right," sang-ayon ko sabay sway ng hair to the left.

 Humalakhak nang malaks si Natalie. "Oh tara na. Malelate na tayo. Kakalbuhin kita kapag hindi ka pa tumayo diyan."  

 Nagmamadali kaming tumakbo papuntang classroom. Si teacher Pilapil, ang pinakamasungit kong teacher, pala ang next subject. 

Nakaabot naman kami sa time bago dumating si teacher Pilapil. Habang nagkaklase kami, parang ang bagal ng oras. Pero habang papalapit din ang oras ng uwian, lalo akong kinakabahan.



‘riiiiing!’ tunog ng bell. Uwian na! Hala! Lumakas ang kaba ko pati ang kabog ng dibdib ko. Hayan na ang oras na pinakahihntay ko. Pero bakit ba sobrang kinakabahan ako?

 Nagpolbo at nagpabango ako nang marami bago lumabas ng room.

"Ba Penny!? Ngayon lang kita nakitang mag-ayos ah. Kadalasan mukha kang mangkukulam dahil sa sobrang gulo ng buhok mo," natatawang 
sabi ni Natalie.

"Tse! Nang-aasar ka na naman eh! Kinakabahan na nga ako rito."

 Tumawa siya. "Joke lang. O paano, mauna na ako. May date ka pa yata eh. Good luck," sabi niya sabay kindat.

 Namula ako. "Sira!"

 Narinig ko pa siyang humalakhak bago lumabas. Lukarit talaga ‘yon.

Lumabas ako ng room at pumunta sa napagusapan naming lugar.

 Hayun nga siya sa pwesto niya kanina—nakasabit sa likod nya ang back pack niya. Parang katatapos lang din ng klase.  Nakatalikod at nakapamulsa.

Lumakas ang kaba ko. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hihintayin kong Makita niya na lang ako.

 Huminga muna ako nang malalim. Heto na. Wala na tong atrasan.


Nang maramdaman niya ang presensya ko, Hhumarap siya sa akin.

 Katlad ng dati, ngumiti siya sa akin. "Tara na?"


My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon