Chapter 29.2: Oplan

32.6K 332 30
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 29.2: Oplan

PENNY

Nagdate kami. Kung date nga ba talagang matatawag iyon. All the time, hindi na ako nagsasalita. Baka kasi sungitan na naman niya ako o ano.

 Pumunta kami sa isang malapit na mall. Bumili siya ng ilang pangbahay at pang-alis. Bumili din siya ng coat. Iba talaga pag mayaman. Mukhang mga mamahalin ang mga binili niya eh. Tapos branded pa. Pero nung napunta kami sa under-garment section, napaatras agad ako.

"O bakit?" tanong niya.

Nag init ang pisngi ko. "K-kailangan p-pa ba talaga akong s-sumama d-diyan?" hiyang-hiya kong tanong. Kailangan ko ba siyang samahan bumili ng b-briefs niya!? Nakakhiyaaa! Mamaya, ano pang maisip ko o kaya ma-imagine!

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. As in, malapit talaga! Amoy na amoy ko ang hininga niya. "Bakit? Wag mong sabihing nahihiya ka?" He smirked.

Lumakas ang tambol sa dibdib ko. "E-eh!? H-hindi naman sa g-ganon." Nag iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko, pulang pula na ang mukha ko.

"Bakit ayaw mo akong samahan? Fiancée naman kita. Makikita mo rin akong naka-briefs lang someday." Ngumiti siya ng nakakaloko.

Nanlaki ang mata ko kasabay ‘non, lalong nag init ang pisngi ko. Ano raaaaw!? WAAAAAA! Pakiramdam ko hihimatayin na ako dito! Ano namang ibig sabihin niya doon!?

Nag papanic ko siyang itinulak palayo sa’kin. "WAAAA! Oo na! Sasamahan na kita! Ilayo mo lang yang mukha mo sa’kin!" Yung...yung puso ko! Nagwawala na naman!

Ngiting tagumpay naman siya. Akala siguro ng mokong na ‘to, naisahan niya ako.

Sige, ngiti ngiti ka diyan ha. Makakaganti din ako sa iyo!

Pagdating namin sa briefs section, napatingin sa’kin yung mga lalaking bumibili. Karamihan kasi na nandito ay lalaki. Kasalanan ‘to ng kumag na ‘to eh! 

"Sir. Briefs po ba?" sabi nung isang saleslady na lumapit sa amin. Ang wide ng smile niya at nag i-sparkle ang mata.

Napasimangot naman ako. Parang mag papacute pa ‘to kay Vaughn ah.

"I-try nyo po ito. Yan po ang pinakamabenta," sabi nung saleslady sabay abot ng isang pack ng briefs. Tapos nag-beautiful eyes pa.  Eeeeew lang ha! Mukhang witch!

"Sige, I'll take it," sabi ni Vaughn.

"Ay sir. hindi niyo po ba ififit?" tanong ng saleslady sa malanding tono. Tapos lumapit pa kay Vaughn sabay kindat.

 Hindi ako makapaniwalang napatingin sa sales lady. Ififit!? At kelan pa isinukat ang briefs!? Takte lang! Halatang may pagnanasa ang isang ito kay Vaughn ko ah! Excuse me!? The fiancée is here! Pigilan niyo ako! Kakalbuhin ko ang babaeng ‘to! Grrrr...

"No need. Ito ang size ko. Come on honey," sabi ni Vaughn sabay hila sa kamay ko. Nagulat ako pero pasimple akong kinilig.

Nakita kong sumimangot yung babae.

Para namang may nagse celebrate sa loob ng dibdib ko. Ano ka ngayon!? Ako ang ‘honey’ niya! Bleh!

Halos isang oras pa kaming nagtagal sa department store.

--------------

Infairness sumasakit ang paa ko sa kakalakad. Nanood  kami ng sine at kumain ulit. Normal date lang ang nangyari. Ang kaibahan lang, walang umiimik sa aming dalawa. All in all, boring? Well hindi naman talaga. Medyo nag-enjoy din naman ako. Siguro dahil alam kong siya ang kasama ko. Kahit na nagbago na siya.

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon