Chapter 34: Rules

29.3K 316 31
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 34: Rules

PENNY

Binukasan ko ang bintana ng taxi at inilabas ang kalahati ng katawan ko. Kumatok kasi si.....uhm...si… Hindi ko alam ang pangalan. Tatawagin ko nalang siyang Prinsipeng manyak! "ANO!?" sigaw ko.

"WHAT'S YOUR NAME!?" tanong nya. Bakit ngayon nya lang naalalang itanong? Kanina ko pa siya kausap ah. Weird.

"PEN—YAAAAAH!” Mabilis akong pumasok sa loob.Muntik na akong malaglag! Binilisan kasi bigla ni manong yung pagpapa-andar. Kinabahan ako doon ah. Phew!

"Manong, bakit nyo naman po biglang binilisan? Muntik na akong mahulog eh," nakasimangot na tanong  ko kay manong driver.

"Sorry po ma’am. Sabi niyo po kasi, nagmamadali kayo eh," nakapeace na sabi ni manong.

May pa-peace peace pang nalalaman si manong. Ano yon? Felling bagets!?

Nagvibrate na naman ang cellphone ko. 

From: HUDAS

Oy! Ang tgal m namn! Knina p ako nghhntay! Nananadya k yta eh!

Sus! Heto na naman ang atat! Kung hindi kasi naipit yung takong ko kanina, sana mas maaga akong makakapunta. Tapos tinulungan pa ako ng isang malanding lalaki at nagpakilalang prinsipe daw na manyak naman. Tapos, pinilit pa akong kumain kasama niya. Well, mabait naman siya pero sa isang tingin pa lang, alam mo na agad ang likaw ng bituka niya. Playboy ang dating eh. Pero gwapo siya, infairness. Pero syempre mas gwapo ang fiancé ko!

 Nag reply ako. 

To: HUDAS

Mlpit na po. Wag masyadong atat!

Kahit kailan talaga, napaka-impatient niya. Para bang ikakamatay niya ang paghihintay ng kaunti.

----------------------

Pinapunta siya ako sa condo niya. Hindi niya naman sinabi kung bakit. Basta raw pumunta ako at wag nang magtanong. -.-

Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng condo niya, nagdoorbell ako.Agad niya namang binuksan ang pinto.

"Tch! Ang kupad mo. Ang tagal mo akong pinaghintay. FCBB ka talaga," straight face na sabi niya.

Pinandilatan ko siya. "Tse! Wag mo nga akong tawaging ganon!"

Ayos no? Ang tawag niya sa akin FCBB na ang ibig sabihin ay FLAT CHESTED BUNNY BATYA! Muntik ko na ngang masuntok ‘to noong malaman ko yung FCBB na yon eh. Kunwari pa raw term of endearment niya! Nun pala nilalait na ako!

"One hour kang late FCBB," hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon na sabi niya.

Tama, hari pa rin siya ng kasungitan. Kahit na sinabi niya susubukan naming ayusin ‘tong relasyon namin, napakasunget niya pa rin. Pero mas madalas na siyang magsalita kapag kasama ako. Pati palagi kaming nagde-date. Minsan din, pinapakitaan niya na ako ng konti (take note: konti lang!) na kasweetan.

Yumuko ako. "Sorry naman. Nagka-emergency eh."

Pinaikot niya ang mata niya. "Whatever. Pasok na. Naaaksaya ang oras.”

Binelatan ko siya. "Psh menopause!"

"What!?"

"Wala! Pogi mo, sabi ko!"

He smirked. "I know. You don't have to state the obvious."

Ang yabang talaga nito! "Oo na! Ikaw nang gwapo! Yabang!"

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon