NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 22: Decisions
VAUGHN
"Vaughn! Pinapatawag ka ni papa sa office niya! LAGOOOOOT KAAA!" sigaw ni ate Vanessa pagkadating ko galing school.
Sheesh. kailangan ba talagang sigawan ako? Nakakairita talaga. Saan ba kasi pinaglihi ang babaeng ‘to? Dinaig niya pa yung sirena ng ambulansiya at bumbero. Minsan nga nilagyan ko na ng scotch tape ang bibig niya para tumigil eh. Ayun, nag-iiyak at nagsumbong kay papa.Masisisi niyo ba ako? Eh talagang nakakairita talaga! Kulang pa nga yon eh. Dapat nga pinasakan ko pa ng papel sa bibig yan para tumigil. -.-
I glared at her.She smiled at me with a ‘v’ sign.
Ugh, she's annoying.
Kumatok ako sa pintuan ng opisina ni papa. "Papa, hanap niyo raw po ako?"
“Come in son,” narinig kong sabi ni papa mula sa loob.
Pumasok ako at umupo sa sofa. Medyo kinakabahan ako. Pinapatawag lang kasi ako ni papa kung may mahalaga siyang sasabihin.
"Anak, pagkagraduate mo, gusto kong sa Dartmouth University ka mag-aral. Nagpasa na ako ng form. You’re flying to New Hampshire next month for the entrance exam," seryosong sabi ni papa.Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata. I obviously don’t want to study abroad. Freya is here so I should be here too.
Sari-saring emosyon ang naramdaman ko sa sinabi ni papa. Inis, galit, lungkot at sakit. Bakit pati sa school na papasukan ko pinapakealaman ni papa?
"Ayoko po papa," I said calmly.
Nag angat ng tingin si Papa. "Pardon?"
I sighed. "Ayoko pong mag-aral doon. Gusto ko pong dito lang sa Pilipinas."
"Sumusuway ka na ba sa akin!?" galit na sigaw niya.
"Hindi po papa. Sana lang po, wag niyo na akong pakialaman sa ganoong bagay," mahinahon ko pa ring sagot. Baka kasi pag nagtaas ako ng boses, lalo lang siyang magalit. I once did it at hindi maganda ang kinalabasan.
"No Vaughn! Sa ibang bansa ka mag-aaral sa ayaw at sa gusto mo," he insisted.
I clenched my fist. When it comes to Freya, wala na akong pakialam kahit magalit sa akin si papa. I won’t leave her and that’s final!"No! Lahat po ng sinasabi niyo sinusunod ko. Sana naman po kahit ngayon lang makinig kayo sa akin. Ayoko pong umalis ng bansa papa. At hindi niyo na po mababago ang isip ko. Magalit kayo sa akin kung gusto niyo, pero hindi niyo po ako mapipigilan sa gusto ko." Pagkatapos kong sabihin ‘yon, lumabas na ako ng opisina.
"Vaughn! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ni papa, pero hindi ko na lang pinansin. Tumuloy nalang ako sa kwarto ko at inilock ang pinto.
Buo na ang desisyon ko. Ayokong iwan si Freya. Mahal na mahal ko siya. At ayokong mahiwalay sa kanya.Yesterday, we celebrated our second month at ang araw na ‘yon ang naging pinaka masasayang araw ko. Hindi ko ‘yon ipagpapalit sa ano man.
Kinabukasan, as expected, hindi ako kinikibo ni papa at lagi niya akong binabato ng matatalim na tingin. Hindi ako makakain nang maayos dahil nakatingin sa akin si papa.
I sighed. Nawalan tuloy ako ng gana kumain. "Una na po ako," paalam ko kahit na hindi ko pa nauubos ang pagkain ko.
"Vaughn, mag-usap tayo mamaya," sabi ni papa. Halatang galit parin siya sa akin.
Tumingin lang ako sa kanya. Alam kong ipipilit niya lang ulit ang gusto niya sa akin. Nagsasayang lang siya ng laway at pagod.
Ang aga ko tuloy pumasok. Halos wala pang estudyante rito. Mas okay na ito kaysa sa bahay.
Naiinis ako. Bakit kung kailan ako sumasaya doon naman sisingit ulit si papa? Hindi ba pwedeng pabayaan niya na lang ako?
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Genç Kurgu[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...