NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 19: Ang Malas Lang!
KAORU
Napabuntong hininga ako habang pinapanuod ang natutulog na si Penny sa may balikat ko. Kanina pa kami rito sa bench na ‘to. Nakatulog na siya sa kakaiyak. Tinawagan ko na ang mga kuya niya para sunduin siya.Pinagmasdan ko lang ulit siya. Nakakaawa talaga ang babaeng ‘to. May bakas pa rin ng mga luha sa pisngi niya. Ewan ko ba kung bakit ang malas malas niya. Nasaksihan niya pa nang harapan ang pangyayaring yon kung kailan siya may lakas ng loob na umamin.
Nakaramdam ako ng inis kay ate Freya. Siya pa naman ang nagbigay ng ideya sa babaeng to para umamin na, siya rin pala ang magiging dahilan para mabulilyaso ang plano nitong si Penny. At hindi lang yun, nasaktan talaga siya ng bongga.It’s partly my fault too. Ginatungan ko naman ang ideyang ‘yon. Hay! Nakakabaliw!
Hay buhay nga naman! Bakit ba sa dinami rami ng lalaki sa mundo, sa iisang lalaki pa sila nagka gusto? Ano bang meron sa lalaking yon?
Kung sabagay, gwapo naman kasi talaga. Makalaglag panty! Kaya nga patay na patay tong baklang to sa lalaking yon eh. Pero itong si Penny, alam kong higit sa panlabas na anyo ang nakita niya sa lalaking yon. Hindi naman siya magkakaganyan yan kung itsura lang ang dahilan eh. Haler, madaming nagkalat diyan sa tabi tabi! Kahit saan ka lumingon, meron.
Argh! Kainis din si Vaughn eh! Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking ‘yon! Nakaka-stress!
Dumating na ang mga kuya ni Penny bago pa ako tuluyang magwala.
"Kaoru, kanina pa ba kayo rito?" tanong ni kuya Philip.
"Medyo po. Nakatulog na po siya. Pero iyak nang iyak po yan kanina.""Ano bang nangyari?" tanong naman ni kuya Peter.
Holo! Anong sasabihin ko!? Kapag sinabi kong dahil kay Vaughn, baka gulpihin nila yon.
Napakamot ako ng ulo. "Uhm...ano po n-nakita niya po kasing nasagasaan yung cute na tuta kanina sa harap ng school tapos po namatay. Kaya nadepress po," pagsisinungaling ko.
‘Please maniwala kayooo!’ dalangin ko.
Tumawa nang malakas si kuya Peter. “Ang crybaby talaga nitong si Penny! Para yun lang, umiiyak na!?”
Nakahinga ako nang maluwag. Phew! I'm such a good liar! -.-
"Tigilan mo nga yan Peter. Tingnan mo mukha niya, sobrang lungkot. Tapos tinatawanan mo pa?" iiling iling na sabi ni kuya Philip.
Opposite talaga ang dalawang to. Buti at nagkakasundo pa rin.
"Salamat ha Kaoru. Uuwi na kami. Gusto mong sumabay?" tanong sa’kin ni kuya Philip.
Umiling ako. "Naku wag na po! May babalikan pa po ako sa school eh."
"Okay. Salamat ulit ha," sabi ni kuya Philip bago pinasan si Penny at isakay sa sasakyan.
Naiinggit ako. Sana may kuya rin ako. Yung magtatanggol sa akin kapag may nang-aapi sa akin.
PENNY
Ugh. Sumakit ang ulo ko pagkamulat ko ng mata. Bakit narito na ako?Parang kanina, kasama ko si Kaoru ah. Teka! May pasok pa ako! Dali dali kong tinignan ang oras.
Umaga na!? Alas-5 na ng umaga! Paano ba ako napunta rito?
Tumingin ako sa salamin. Magang maga ang mata ko. Ang pangit ko! Ang bigat pa ng pakiramdam ko! Ano ba yan!? >.<
Hay~ may pasok pala. Parang ayaw ko munang pumasok. Ang kaso ngayon ko na isusubmit yung article ko for TMF. May hinahabol kasi kaming oras para sa pagpa-publish non.
Weeee~! Pag minalas-malas nga naman oh. Kailangan ko pang makita si ate Freya.
Nagsikip na naman ang pakiramdam ko.
Umiling iling ako para pigilan ang sarili kong malungkot. Tumingala ako para hindi matuloy ang pagtulo ng luha ko.
Napagdesisyunan kong mag ready na para sa school kahit maaga pa. Hindi pwedeng magkaroon ako ng oras para mag-isip. Siguradong iiyak lang ako nang iiyak non.
"Oh anak, aalis ka na? Hindi ka pa nag-aalmusal. Kumain ka muna kahit kaunti," sabi ni momma pagbaba ko galling kwarto.
"Hindi na po momma. Sa school na lang po. May ireresearch pa po kasi ako sa library," pagdadahilan ko. Sa totoo lang, wala talaga akong ganang kumain ngayon.
Tumakbo na ako palabas ng bahay. Siguro nagtataka sila sa akin ngayon. Kadalasan kasi, mas late akong magising kesa sa mga kuya ko. Pero ngayon, hindi pa man tapos gumayak sina kuya, aalis na ako kaagad. Ayoko kasing mag isip pa ng dahilan sa mga tanong nila. Kaya mas magandang umiwas na lang.
Pagkarating ko sa school, as expected, wala pang gaanong estudyante. Paano ba naman, 6:30am palang, eh 7:30 pa ang simula ng mga klase.
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Roman pour Adolescents[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...