Chapter 29: OH KILL ME! KILL ME!

31.9K 314 30
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 29: OH KILL ME! KILL ME! 

 PENNY

 
Napatayo ako bigla sa kama. Tapos tinitigan ko siya ng masama. “Sino ang nagbigay sa’yo ng permiso na pumasok dito!?”


He shrugged. "Sinabi ni dad mag-date daw muna tayong dalawa at samahan mo daw akong mag-enroll," walang interes na sagot niya. Pagkatapos, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at ngumiti nang nakakaloko.


Napatingin din ako sa katawan ko. Kasabay non, unti unting nag init ang pisngi ko nang marealize ko kung bakit ganon makangiti ang manyak. Manipis lang ang pantulog na suot ko at lantad na lantad iyon sa paningin niya.  

Bigla kong tinakpan ang sarili ko ng kumot. "BASTOOOOOOSSSS!" sigaw ko. Walanjong lalaki! Ang manyak!

"Para ba namang may makikita ako diyan. Ang flat lang. Tch!" sabi niya—hindi pa rin nawawala ang nakakaloko niyang ngiti.

Nag usok ang tainga ko. "LUMABAS KANG HALIMAW KA!" Pinagbabato ko siya ng unan.

Pero sa kamalasmalasan, walang hirap na nailagan niya ang mga ito.

"I'll be waiting outside, honey." Kinidatan pa ako ng mokong bago lumabas ng kwarto.

Anak ng  garapata! Bakit may nakapasok na kutong lupa rito na nagkalat ng germs!? Kailangan kong mag-spray n disinfectant mamaya rito.

 At garbe! Honey daw!? Sa halip na kiligin ako doon, nainis lang ako lalo ah! Halata namang labas sa ilong ang pagkakasabi niya eh!

 
Naligo ako at nagpalit ng damit. Tinagalan ko talaga para maghintay siya nang matagal sa baba. Ganti ganti lang yan. Ang aga kasing nambubwiset! Tsk, parang may sanib.

Napili kong isuot ay isang simpleng jeans lang at maroon na polo shirt. Teternuhan ko na lang ng kung anong rubber shoes na madadampot ko. Hinayaan ko lang ilugay ang buhok ko. Mamasa masa pa kasi kaya hindi pa pwedeng ipitan.

Maya maya, may narinig akong tawa na malakas galing sa baba. Alam kong boses niya ‘yon. Holo? Ano naman kayang nangyari doon? Baliw yata. -.-

Dali dali akong bumaba dahil doon. 

Nanlaki ang mata ko sa nadatnan ko.

What the—!? "BITAWAN MO YAN!" sigaw ko.

Nagmartsa ako papunta sa kanya at inagaw ko yung photo album. Photo album ng kabataan ko! Nakakahiya!

"Y-you’re funny! Naliligo ka pa sa batya nang hubo't hubad!" halos di makahinga sa kakatawa na sabi niya.Tapos nakahawak pa siya sa tiyan niya.

Grrrrr. Buset! Nakita niya pa yon!? Argh! Sa dinami rami ba naman ng makikita, yon pa!? Sabi ko naman kasi kay momma, itago niya na lang sa aparador to eh!
 
Pinandilatan ko siya. “Tse! Bata pa ako non!” Mokong na'to, akala mo siya walang picture noong bata siya.

Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa. "Kahit na. Ano yon, feeling swimming pool!?"

I glared at him. Baka gusto mong reypin kita diyan!? Delicious looking ka pa naman ngayon! Nakasuot kasi siya ng gray na polo na hindi nakasara ang unang dalawang butones na tinernuhan nya ng dark jeans. Tapos medyo messy pa ang buhok niya. Boyish na boyish ang dating. Kung naiba iba siguro ako, baka sinunggaban ko na siya ngayon.

Muntik ko nang matampal ang sarili ko. OMO! Erase! Erase! Ang dumi ng isip ko!
 
He cleared his throat. "Okay, enough of this. Let's go," sabin niya sabay hila sa braso ko.

Para naman akong nakuryente sa pagkakahawak niya sa aking iyon. Binawi ko kaagad ang kamay ko.

 Napatingin siya sa’kin. "What's the problem?" takang taka na tanong niya.

 
‘Na ground ako sa iyo!’ Syempre hindi ko sasabihin yon no. Kahit gaano pa kalakas na electric current ang dumaloy sa akin mula sa kanya. "H-ha? A-ano...s-saan sina m-momma?" Nag-iwas ako sa kanya ng tingin. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko.

Oo nga pala, bakit walang katao-tao rito?

"Oh. Sabi nila magja-jogging daw sila."

 At kelan pa natutong mag-jogging ang mga yon!? Ang gara ah.
 
"Tara na, ang tagal mong magbihis kanina. Pinaghintay mo ako nang matagal." 

Inirapan ko siya. "Tsssss. Mukhang nag-enjoy ka naman sa paghihintay eh," bulong ko.

"What?"

"Wala. Tara na. Mahaba niyan ang pila sa enrollment." Hinila ko yung laylayan ng polo niya. Sa kamay ko sana hihilahin kaya lang baka ma-ground na naman ako.

 --------------

Pagdating namin sa Maxwell University, marami rami na ring tao para mag enroll. 

University na siya ngayon, dahil nagkaroon na ng iba't ibang course ng college. Ang dami nga agad nag-enroll eh. Karamihan, mayayaman. Bongga diba? Dito rin kami nag-aaral ni Kaoru. Accountancy kaming pareho.

"Teka Vaughn. Bakit dito ka mag-aaral, hindi ba taga Dartmouth ka?" Ngayon ko lang naisip iyon ah. 

"Sa palagay mo bakit?"straight face na balik tanong niya.

 Nag-iwas ako ng tingin. "E-eh? Ewan." 

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon