NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 47: Pathetic Me
PENNY
Hindi nagparamdam si Vaughn ng tatlong araw. I tried to contact him, pero palaging nakapatay ang cellphone niya. Tumawag na ako sa bahay nila pero wala raw silang balita rito. Pumunta na rin ako sa condo niya. Pero palagi siyang wala roon. I also asked Skye and Alistair. Hindi rin daw nila alam kung nasaan ito.Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Baka nagtanan na sila at nagpakalayo-layo. Hindi naman imposible yon. Engaged sa akin si Vaughn at marahil ito ang nakakahadlang sa kanilang dalawa.
I tried to make my everyday life normal. Kahit na gaano kasakit ang nararamdaman ko, hindi ko ipinapakita sa iba. Gusto ko, ako pa rin ang cheerful Penny. Sanay na naman akong ginagawa ito. Parang mas mahirap lang ito ngayon. Pero sinusubukan ko. Ayaw kong makita ng mundo kung gaano ako kahina. I don't want them to know how pathetic I am. Kagaya ngayon. Magkikita kami ni Kaoru sa canteen para sabay ulit kumain.
"Penny!" salubong ni Kaoru. "I love Ami na talaga! Ang cute niya! Natutulog siyang nakatihaya! Tapos alam mo ba, pumayag si Alistair na matulog sa amin minsan si Ami!" masayang masayang sabi niya.Ngumiti ako. Si Ami (Alistair+Mikaoru) ang pusa na kinupkop nina Alistair at Kaoru. "Talaga!? Wow naman! Ehem! Mukhang iba na yan ha! May something something na ba kayong hindi ko alam?" biro ko.
"Ano!? Asa men! Wala! Tulad pa rin ng dati. Alam mo naman yon, walang kasing suplado. Pero, hindi ako magpapatalo! He'll be mine!" Tumawa siya na parang mangkukulam.
Masaya naman ako para sa best friend ko. Atleast kahit hindi pa talaga niya nakukuha ang gusto niya, nag-iimprove naman. Katulad ngayon, hindi na siya itinataboy ni Alistair. Madalas dalas ko na rin silang nakikitang magkasama. Pero tulad ng dati, nagbabangayan. Ano pa bang bago roon? Pero ginagawa ko ang makakaya ko para tulungan si Kaoru. Kahit na siya na lang. Makita ko lang siyang masaya, magiging masaya na rin ako. Sana hindi siya matulad sa akin.
Napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo. "Nga pala, anyare kay Vaughn? Bakit parang hindi ko siya nakikita nitong mga nakaraang araw?"
Pakiramdam ko, na-drain lahat ng dugo ko sa mukha. Hindi pa alam ni Kaoru ang nangyari sa amin ni Vaughn. Ayokong sabihin sa kanya dahil ayaw kong mag-alala siya sa akin. Isa pa, I don't want to add to her problems. Nahihirapan na nga siya kay Alistair, dadagdag pa ba ako?
"N-nandiyan lang sa tabi tabi yun. Busy lang siya kaya hindi mo masyadong nakikita," pagisisnungaling ko.
Tinitigan niya ako na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko."May hindi ka ba sinasabi sa akin?" seryosong tanong niya.
Hala! Think Penny! Hindi niya muna pwedeng malaman. Kailangang maayos muna ito bago ko sabihin sa kanya! "Wala no! Ano ka ba?” I laughed nervously. “Kung anu ano na naman ang iniisip mo. Oh kumusta na pala kayo ni Alistair? Hindi parin ba dumadamoves sa’yo?" pag-iiba ko ng usapan.
"Don't change the topic Penny. Alam kong may nangyayaring hindi mo sinasabi. In-oobserve kita nitong mga nakaraang araw. Iba ang kilos mo, tapos parang lagi kang kulang sa tulog. Hindi mo rin kasama si Vaughn."I hit her playfully. "Napaparanoid ka na naman eh. Wala nga. Sa lagay na ito, mukha ba akong may problema?"
"Hindi mo ako maloloko sa mga ngiti mo. Kilala kita. I know when something is bothering you. Alam ko rin kung may nararamdaman kang hindi maganda. Penny, we've been best friends since we were twelve. Kaya wala ka nang maitatago sa akin. Now, spill it!" galit na sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...