Chapter 59: Everything

35.5K 515 143
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

 

Chapter 54: Everything

PENNY

Ugh..

Lulugo lugo akong umupo sa canteen at dumukdok. Gulong gulo na kasi ang utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko na nga binalikan si Apolonio eh.

"I love you."

Yan! Nag-echo na naman ang sinabi niya!

Pakshet Vaughn! Bakit ba ginugulo mo na naman ang isip ko!? Okay na ang lahat eh. Everything is according to my plan. Pagkabalik sana nina momma, ipapakilala ko na si Polo sa kanila. Sasabihin kong siya talaga ang mahal ko at ayaw kong magpkasal sa'yo. But why did you have to ruin everything!? 

Ikaw naman Penny! Kung hindi ka ba naman isang malaking tanga, nagpapaapekto ka nang ganyan sa isang kasinungalingan! Alam naman ng lahat na hindi totoo yung sinabi niya eh! 

Ngayon naniniwala na ako na powerful talaga ang three words na yon! Tignan mo naman ang epekto! Mabaliw baliw na ako!

“Arghhhh!" Nagpapadyak ako dahil sa sobrang frustration.

"Pennooooooy!"

Napaangat ako ng ulo. Si Kaoru pala...kasama si Alistair. Dumukdok ulit ako.

Teka! Alistair?! Nanlalaki ang matang napatingin ulit ako sa kanilang dalawa.

Akala ko ba may cold war ang dalawang 'to!? Bakit magkasama sila ngayon? At take note...HOLDING HANDS sila!

Pagkaupo nila, nagpalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa at sa kamay nila. Biglang namula si Kaoru at binawi ang kamay niya kay Alistair.

"Uh..care to explain?" bulong ko kay Kaoru.

 Napayuko si Kaoru. "Uh...k-kasi...as you c-can see—"

Biglang hinawakan ni Alistair ang kamay ni Kaoru. "Kami na ng pinsan mo. Okay lang naman sa'yo diba?" seryosong sabi niya. He's asking for my...permission?

Lalong nag-blush si Kaoru. 

Ako naman, NGANGA! Hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.

Sila na!? Ooooooooooh eeeeem geeeeee! Seriously!?

"Penny, papasukan ng langaw ang bibig mo," sabi ni Kaoru.

Napapitlag ako.  "E-eh?! S-sorry.” I laughed awkwardly. Great. Muntanga na naman ako.

Tinitignan nila ako na parang may hinihintay sila.

Oh right! Kung okay lang ba na sila na!  Tumayo ako at nagtatalon. "Kyaaaaa! Congrats sa inyong dalawa! Wow! Sa wakas! Sa wakas! Let's partey!"

"Hoy! Oa mo!" awat sa akin ni Kaoru. Hinila niya ang damit ko para mapaupo ulit ako.

Ngumiti si Alistair. "I'll take that as a yes."

Natulala ako sa kanya. Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Alistair. And gosh....ang poging nilalang! Ang swerte ng bruhang 'to! Mukhang si Kaoru lang talaga ang kayang magpangiti sa isang 'to. Lumabas ang inner Alistair!

 Kaoru snap out in front of me. "Stop drooling at my boyfriend!"

Ngumiti ako nang nakakaloko. "Huu~ ang possesive mo na kaagad na bruha ka! Nagulat lang ako kasi first time kong nakitang ngumiti si Alistair." Bumaling ako kay Alistair. "You should smile often. Bagay mo. And don't make my beshie cry again, okay? Pinagkakatiwala ko siya sa'yo."

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon