NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 50: The Truth
FREYA
(The number you dialed is not available. Please try your call later.)
I sighed as I put down my phone. Whats happening to him? I called him many times but he never answered. Noong isang araw ko pa siya hindi ma-contact. Nagsisimula na akong mag-alala. Hindi kaya may nangyari nang masama sa kanya?
Lately, parang nagiging cold na sa akin si Vaughn. Hindi na siya yung katulad ng dati na sweet. Tapos, parang lagi siyang wala sa sarili. Parang palagi siyang spaced out. Oo nga, kasama ko siya pero ang layo naman ng isip niya. I wonder if he really changed. Nagbago na ba siya? Ibang Vaughn na ba ngayon ang kasama ko? Where's the Vaughn I loved before?I waited for him to call until 1 pm. Pero wala talaga. That’s why I've decided na puntahan siya sa school. Isa pa, I missed him badly. Tutal, wala naman akong gagawin, why not cook him some food. I may have done something to upset him.
Pagdating ko sa school, napangiti ako. Nakaramdam ako bigla ng excitement. Makikita ko ulit ang mahal ko. I'm sure he'll be surprised. Dinalhan ko pa siya ng pagkain. Though baka nakakain na siya dahil katatapos lang ng lunch break, pero for sure, kakainin niya pa rin ito. Ganon niya ako ka-love. He'll never refuse me. Vacant naman nila mamayang 2:30 eh. Sabay naming kakainin itong hinanda ko. Napangiti ako sa naisip ko.
Isa pa pala. I want to see my friends again. Penny and Kaoru. Kinikilig talaga ako sa lablyp ni Penny baby. Dalaga na nga siya. Parang kailan lang, nanghingi siya sa akin ng advice about doon sa puppy love niya. Na-broken heart din siya. Nadurog talaga ang puso ko noong umiyak siya sa harapan ko nun. Kaya nga masaya na ako para sa kanya ngayon. Talagang everything happens for a reason. Tignan mo, sobrang sweet ni Skye. She found a perfect guy. And Im really happy for her.Papasok na sana ako ng campus nang may biglang bumusina sa akin mula sa likod. Napahinto ako. Ako yata ang tinatawag non.
Lumapit ako roon sa kotse. At mula sa kotse, may bumaba na isang magandang babae.
Wait....
She looks familiar. Parang nakita ko na siya somewhere.
Lumapit sa akin yung babae. She smiled at me. "Hello. Im Vanessa Laguesma, Vaughn's sister. You're Freya, right?"
Oh! Kaya pala. Kapatid siya ni Vaughn. Nakita ko na nga siya sa wallet niya. Kaya pala magkahawig sila.
I showed her my brightest smile. "Yes. It's nice to finally meet you ate Vanessa." I offered my hand for a handshake.
Tinanggap naman niya iyon. "You too. Do you have a minute? Gusto sana kitang yayaing mag-kape sandali. Iyon ay kung hindi ka lang naman busy. Or you have an important appointment with my brother? Pwede namang ibang time na lang."
Ngumiti ako. "No. It's okay. Hindi naman masyadong mahalaga. I also want to have a nice chat with my boyfriend's sister."Yumuko siya sandali at parang nawala ang ngiti sa labi na ipinagtaka ko naman. What's happening?
Pagkatapos ngumiti ulit siya. "Oo nga. I wan't to know my brother's girlfriend too. So, shall we?" aya niya sa akin papasok ng kotse niya.
--------------------------
Dinala niya ako sa isang café malapit sa school.Tamang tama, I really like this café. Mukhang magkakasundo kami nitong si ate Vanessa ah. Mukha siyang mabait. Maybe I can ask her questions about Vaughn when he was a kid. Hindi ko mapigilang maging excited.
Um-order muna kami. Tapos, umupo kami roon sa malapit sa may bintana.
"Nakakatuwa naman 'to. Masaya talaga ako na mkilala ang kapatid ni Vaughn," I said—smiling.
"Really?" she asked sarcastically. Pero hindi ko na lang iyon pinansin, though nakakapagtaka. Baka naman mali ang pagkakadinig ko.
Ngumiti pa rin ako. "I really want to know more about Vaughn. Kaya nakakatuwa na may chance tayong mag-usap nang ganito."
Hindi siya sumagot. Mataman niya lang akong tinitigan. Parang pinag-aaralan niya ako.
"What's wrong?" I asked.

BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...