Chapter 28: Love him, Hate him...

31.4K 340 16
  • Dedicated kay Jamie Martin
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 23: Love Him, Hate Him.

PENNY
 

"So, ikaw pala si bunny girl na nakabangga ko sa supermarket," malamig na sabi niya.

I gulped again. Kanina pa ako lunok nang lunok dito. Buti, hindi pa ako nauubusan ng laway. Tumango lang ako. Nanginginig ang tuhod ko! Para akong may kaharap na halimaw na kahit anong oras, kakainin ako!

He raised his brow. "Alam mo bang masakit ang pagkakabato mo sa akin ng sapatos?" he said expressionless but coldly.

Waaaa! Help meee! Mapanganib na tao ito! Hindi siya si Vaughn labs! Iba siya! Iba siya! Halimaw siyaaa!

Yumuko lang ako. Natatakot ako sa kanya!

He sighed. "Palalampasin ko muna ngayon ang kasalanan mo, tutal, ikaw pala ang fiancée ko. But, it doesn't mean that you won't get a penalty. Parurusahan nalang kita sa ibang araw," sabi niya bago kumuha siya ng isang piraso ng fish fillet at isinubo.

 Eeeeh?! Ang sama niya! Huhuhuh!

"Sa ngayon, pag-usapan muna natin ang tungkol sa engagement na ito." Pinahid niya ng table napkin ang bibig niya.

Wow ha!? Ang taray!
 

Hindi pa rin ako umiimik. Tinry ko munang magfocus sa pagkain. Gutom na gutom na rin ako eh.

"Ayokong matali sa iyo panghabang-buhay. At siguro ganon ka rin naman," he said coldly.

Napatingin ako sa kanya. After a long time, naramdaman ko na naman ang isang bagay na akala ko, hindi ko na mararamdaman.

"Diba ang kundisyon sa trust fund mo ay kailangang ma-engage ka o kaya makasal?"

 Tumango ako. Pero hindi ko inalis sa kanya ang tingin ko. Bakit…parang nakalimutan na niya ako?
 

"We can get the money without being married. Kahit hanggang engagement lang."

Talagang ayaw niya akong pakasalan ah! I clenched my fist. Bakit kung makapagsalita siya, parang siya pa ang gagawa ng favor para sa’kin?

Psh! Ayaw ko rin naman siyang pakasalan! Penny! Wag kang papaapekto sa pangit na yan! Hindi na siya si Vaughn!
 
"Oh, bakit ka nakasimangot diyan? Don't tell me, gusto mo akong pakasalan?”
 
Muntik ko nang maibuga sa mukha niya ang kinakain ko. ANO RAW?! LETSUGAS NAMAN OH! Ang kapal talaga ng face! Sarap ingudngod sa pagkain! "Exshgcumse mhse! Kapshal moshaaa!" Tssss, saan ba nakukuha ng lalaking to ang kayabangan niya sa katawan? O kaya naman, may pinaglalagyan pa ba siya ng kayabangan? Nag-uumapaw na eh. -.-

He shot me a weird look.

Nang marealize ko kung bakit siya tumitingin ng ganun. Nilunok ko ang pagkain na nasa bibig ko. Ang bastos na bata! Kakahiya!    

"Geez lady, don't you know the word, manners?" naiiritang tanong niya.

 Napayuko ako. “S-sorry." Grabe, nakakahiya talaga yun. Tangengot Penny! >.<

Pero hindi niya pa rin ako dapat sigawan no! 

Napailing siya."Tsk,  as I was saying, we can be engaged and after we get the money, we can go back to our normal lives. Don't worry, after a year, ibabalik ko sa iyo ang 20 million mo o dadagdagan ko pa. But in the mean time, magtiis muna tayo sa ganitong set up."

Grabe lang ha. Kung makapagsalita talaga siya, akala mo ako may kailangan sa kanya eh. Tsaka paano naman siyang nakakasigurado na maiibabalik niya yon?

Eh kung wag nalang yata nating ituloy!? Umpisa pa lang, mukhang hindi na tayo magkakasundo eh. Tignan mo nga, pareho pa tayo ng kulay ng damit. Talagang pag pinagsama tayo, magkakaroon ng malaking pagsabog! Hay! Nakakaasar ka na Vaughn!
 
Penny, remember, hindi na si Vaughn labs mo iyan! SI VINCE NA HALIMAW IYANG NASA HARAPAN MO!

 Pshh, pasalamat ka, inaalala ko si daddy. May utang na loob kami kay tito Vassil at best friends sila. Alam ko ring posibleng mawala ang pera ni daddy na pinang-invest niya kapag napunta sa iba ang kumpanya.

"At isa pa. The most important rule. Mind your own business. Walang pakialaman. Pero kailangan nating ipakita sa mga magulang natin na nagkakasundo tayo. Got it?" malamig niyang sabi.

Waaaa! Halimaw ka! Ibalik mo si Vaughn ko! Saang lupalop ng universe mo siya dinala!? "Fine," padabog kong sagot.

Inubos muna namin ang pagkain namin. Hindi ko na siya kinausap at ganon din naman siya. Duh! Inis ako sa kanya! Ayaw kong kausapin ang letsugas na yan! 

Pagkatapos, nagyaya na siyang umuwi.

“Let's go home,” sabi niya bago tumayo at tumalikod sa’kin. 

Psh, ungentleman! Hindi man lang ako hinitay!  Bahala ka! Umuwi ka mag-isa mo! Marunong naman akong mag-commute!
 
Paglabas ko, hindi ko na siya nakita at hindi ko na rin siya hinanap. Bahala siya sa buhay niya.

Magpapara na sana ako ng taxi nang may biglang humila sa kamay ko. "Saan ka pupunta?" tanong ni Vaughn.

"Uuwi na, obvious ba?"

Kumunot ang noo niya. "Hindi mo ba narinig kanina si papa? Ang sabi niya, ihatid daw kita."

At yun nga, kinaladkad ako ng mokong! Hindi man lang inalala na naka-heels ako!  Letse! Ang sama sama sama sama sama sama talaga ng ugali!

 
Pagdating namin sa parking lot, nanlaki ang mata ko. Woah! Mercedes Benz! Wow! Iba talaga ang mayaman! 

Wala kaming imikan sa byahe. Grabe, gusto ko nang malusaw nalang dito kesa makasama pa ang lalaking ito! Bakit ba ang malas malas ko?! Akala ko, magiging memorable ang muling pagkikita namin. Well, memorable nga, in a bad way.

 
"Good night. See you tommorow," matipid na sabi niya pagdating namin sa bahay.


 E-eeeeeh!? Tommorow!? Bakit!?

"Wala ka pa bang balak bumaba?" inis na tanong niya.

I hissed. "Heto na oh! Bababa na!"  Bumaba ako at sadya kong ibinagsak ang pinto ng sasakyan.

Sobrang nakakabadtrip ka Vaughn! GAAAAAAAA!

Pinaharurot niya ang kotse niya palayo. Ako naman, nakatanaw lang sa kotse niyang papalayo na.

Vaughn. What happened to you? Anong nangyari sa Vaughn na minahal ko? Sa Vaughn na nagliligtas sa akin palagi? Wala na bang halaga sa ‘yo ang pinagsamahan natin dati? Kinalimutan mo na ba ako? Nagsikip na naman ang dibdib ko at naramdaman kong may namumuong luha sa mga mata ko.

Hindi ba dapat, masaya ako ngayong bumalik ka na?

 Bumuntong hininga ako at pumasok sa bahay.
 

Lahat sila, napatingin sa akin pagpasok ko. Kakaiba ang tingin nila sa’kin.
 
Nailang naman ako. Anong meron?

"Kumusta anak?" sabi ni daddy na may mapang-asar na ngiti.

"Fine," sagot ko lang.

 
"Kwento ka anak. Bilis!" kilig na kilig na sabi ni momma.

"Wala po akong ikukwento. Akyat na ako," sabi ko bago dumiretso na agad sa kwarto.  Gusto kong mapag-isa. Gusto ko munang mag-isip kung itutuloy ko pa ba ito. Naguguluhan ako sa mga pangyayari.

 Vaughn…

Tinakpan ko ng unan yung mukha ko. "Kainiss ka!" sigaw ko sa unan, para walng makarinig.

 "Bakit ganyan ka!? Ang sama sama mo! I HATE YOUUUU!" Tumutulo na naman ang luha ko.

"Ikaw naman Penny, ang tanga tanga mo! Bakit hindi ka man lang tumutol!? Mahal mo pa ba siya!? Huh!? Huh!? Ayaw niya naman sa’yo eh! Hindi ka niya gusto! Noon pa man! At kahit kailan, hindi ka niya magugustuhan! Tanggapin mo na lang! Gaaaa!" Sa sobrang inis, pati sarili ko pinagalitan ko na. Nyemas na buhay naman kasi oh! Gusto ko pang magkaboyfriend na mamahalin talaga ako eh! Mas gugustuhin ko na lang na pangarapin na lang si Vaughn, kesa makakasal nga kami, pero ngayon pa lang hindi na kami nagkakasundo. Obvious naman na ayaw niya eh.

Nagsisigaw pa rin ako at umiyak hanggang mapagod at makatulog na ako. Kahit papano, nawala ang bigat ng nararamdaman ko.

------------

‘pak’

Nagising ako nang may maramdaman akong tumatama sa ulo ko. "Hmmmmmm.." Hindi ko iyon pinansin at itinuloy ang tulog ko.

Maya maya pa, meron ulit tumama sa ulo ko.

Hinimas ko ang ulo ko. "Hmmmmm!" nakapikit pa rin na daing ko. Peste naman kuya Peter. Kapag nalaman kong ikaw yan, makikita mo na lang ang mga panloob mo sa basurahan!

 Tumama ulit ang bagay na kung ano man yon sa ulo ko. LETSE! Sobra na!

 Padabog akong bumangon. "ANO BA!? NAKITA MONG NATU—"

 Muntik na akong malaglag sa higaan ko nang makita ko kung sino ‘yon.
 

Si Vaughn. Nakasandal siya sa may pader ng kwarto ko. May hawak na papel, pinupunit niya at ibinibilog tapos ipipitik papunta sa akin.

 “Good morning honey,” may nakakalokong ngiti na bati niya.

 Pakiramdam ko, nag init ang buo kong mukha.
 

"IKAW!" Idinuro ko siya. "ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO KO!?"   

to be continued...

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon