NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 27: My Fiancé is Him!?
PENNY
Kalurki!
Nawee-weewee na ako sa sobrang kaba! Kanina pa gusto lumabas ng puso ko sa dibdib!Parang horror movie lang.
Nandito kami sa bonggacious restaurant kung saan daw kami magdi dinner kasama ang family ng ‘fiancè’ ko. Oo, fiancè ko. Ikakasal na raw ako! Ayos diba? From NBSB (no boyfriend since birth) to engaged! Wala man lang in a relationship. Ha! Ang gulo ng buhay ko!
Mula nang sinabi ko kay daddy na pumapayag na akong makilala ang fiancé ko, (take note: "makilala" lang. It doesn't mean na pumapayag na akong magpakasal) hindi na nawala ang excitement sa katawan nila. Palagi silang nakangiti nang nakakairita at lagi nilang binabanggit ang kataga na ‘Mag-aasawa ka na, ganyan ka pa rin kumilos/umasta’ na sobrang nakakabuwiset talaga! Parang gusto na talaga nila akong mag-asawa. Naaawa tuloy ako sa sarili ko. Parang ayaw na nila akong kasama!
Katulad ngayon. Para akong regalo na pinaghandaan talaga. Pina full body massage pa nila ako. Ang sarap infairness. First time akong napamasahe sa buong buhay ko. Tapos binilhan pa talaga nila ako ng damit na mamahalin. Color red na above the knee na dress. In fairness, maganda! Tapos pina-salon pa ako! Inayos nila ang hanggang bewang kong medyo alun alon sa dulo na buhok. Muntik pa nga akong lagyan ng bangs. Pero tumanggi ako. Aba! Ang sabi ko, ayusan lang ako hindi ibahin ang buhok! Buti nga medyo brownish na ‘to at hindi na kailangan ng high lights. May lahi kasing kastila ang momma ko kaya ganon.
Tingin ko, bumagay naman sa akin ang ayos ko. Hindi na masama ang h itsura ko. Medyo matangkad na rin siguro akong maituturing sa height kong 5’4 diba? Tapos, hindi rin naman malaki ang bewang ko. Maitututring pa nga akong payatot eh. Kung hindi lang nagkahugis nang kaunti ang balakang ko. Maputi rin naman ako katulad ni momma. Sa mukha naman, okay din naman. Matangos tangos naman ang ilong ko kahit papaano. Manipis ang labi ko, medyo bilugan ang mata at syempre, ang best asset ko ay ang aking dimples. Pero sa totoo lang, ka abnormalan daw yon sa mukha. -.-Okay, okay, maganda na ako. Hindi na ako magpapa humble effect pa. Magbuhat daw ng sariling bangko!? :D
Pero kahit na ganon, hindi pa rin ako mapakali. Iniisip ko pa rin kung sino ba yung Vince na yon. Tapos iniisip ko pa kung paano ba dapat ako kumilos sa harap ng family niya. Dapat ba mahinhin, masayahin o carefree? Uwaaaaa! Maloloka na'ko rito!
"Anak, okay ka lang?" tanong ni momma.
"Momma, nawee-weewee po ako," bulong ko.
"Sus maryosep kang bata ka! O siya, pumunta ka na sa kubeta at baka dito ka pa magkalat. Bilisan mo ha, malapit na raw sina kumpare."
Ay, parang batang munti lang ah. Sana idiniaper na lang niya ako. -.-
"Nawee-weewee? Baka may kiti-kiti sa pwet," bulong ni kuya Peter.
Nang-asar na naman ang mokong na 'to. Hindi na naawa. Kitang nang nininerbyos na ako rito eh!
Nag pout ako. "Tse! Ang epal mo kahit kelan kuya!"
"Ang likot mo eh! Kanina mo pa ako natatabig!" reklamo niya.Kinakabahan kasi talaga ako! Bakit ba hindi niya maintindihan! Siya kaya rito!?
"Shhhh. Peter tigilan mo na nga si bunso! Kinakabahan lang yan," saway ni kuya Philip.Buti pa si kuya Philip ang bait sa’kin .Go kuya Philip! Ipagtanggol mo ako diyan sa abno mong kakambal!
Kumaripas ako ng takbo papunta sa banyo. I know, I know. Napaka-unladylike. Masisisi niyo ba ako, eh kanina pa ako nagpa-panic ditto? Gusto ko na ngang umuwi at magkulong na lang sa kwarto ko para hindi ko na harapin ang lahat nang ito eh.
Pumunta ako sa may lababo at tinignan ang sarili kong repleksyon. Gusto ko sanang maghilamos ng mukha para mabawasan ang kaba ko, pero siguradong magagalit si momma kapag nasira ang make-up ko.
"Waaaaaa! Anong gagawin ko!? Hindi ko yata kaya ito! Bakit kasi kailangan ko na mag-asawa kaagad!? Baby pa ako eh! Uunahan ko pa mga kuya ko," nagpapapadyak na sabi ko sa repleksyon ko.
Whoo! Penny relax lang! Malay mo naman, mabait pala ang fiancé mo. Think positive!
Eeeeeeh! Kahit na! Hindi pa rin non mababago na magpapakasal ako! Sana pala wala na lang akong trust fund.
Tumagal ako sa c.r. ng mga 30 minutes—nagsasalita mag-isa. Yung mga pumapasok, akala nila nababaliw na ako.
Huminga muna ako nang malalim bago lumabas. “Whoooo! Heto na! Lalabas na ako. Kaya ko to! Hindi naman siguro siya nangangain ng tao.”
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...