NOTICE: Edited chapter na po ito.
Chapter 60: My Crush, My Love, My Fiancè
Skye's POV"Mahal pa rin..."
That's my cue. Ang pagtatapos ng kanta ni Vaughn para kay Penny ay ang cue ko para tuluyan nang pakawalan si Penny at muling magparaya para sa kaibigan ko.I glanced at her and gave my approval. Nginitian ko rin siya dahil mababakas sa mukha niya ang pag-alala. Tapos, tumalikod na rin ako. Ayoko nang masaksihan ang mga susunod na pangyayari. Ayokong pagsisihan itong desisyon ko.
Tinapik ako sa balikat ni Alistair. Hindi siya nagsalita pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"I'm fine bro. Don't worry. I just want to be alone for a while." I smiled at him assuringly.
Tumango siya pagkatapos umalis kasama si Kaoru.
Nangiti ako habang sinusundan sila ng tingin. Who would've thought na mauunahan pa ako niyang si Alistair? The cold and woman hater Alistair, naunahan ako, the womanizer and charming Skye. Ang odd talaga ng buhay, hindi ba? Well, at least my two best friends are happy. That's enough for me...for now.Naglakad-lakad muna ako. Ang totoo niyan, hindi ko alam kung saan ba ako pupunta. I just let my feet take me where ever it wants to.
Bawat babaeng madaanan ko, nagtitilian. Yung iba, nag-attemp pang lumapit sa akin. Ayan, maraming babaeng humhabol-habol sa akin. But why am I miserable? This is what I want, hindi ba? Ang pagkaguluhan at mapaligiran ng mga babae. But why am I not happy, gayong maraming babae naman ang nababaliw sa akin? Kelan ba ako sasaya?
Why can't I find my own happiness?Nabulabog ako sa pag iisip nang may malakas na pwersa ang tumama sa akin. I bumped into a girl. Napa-upo siya dahil sa impact. "Hey, miss. I'm sorry." Tutulungan ko sana siyang tumayo pero bago mangyari yon, nakatayo na siya.
She stared at me with cold eyes. "Sa susunod kung maglalakad ka, wag kung saan saan lumilipad ang isip mo," she said coldly bago umalis.
Napakamot na lang ako ng ulo. Nangilabot ako sa titig non ah.I sighed. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako dating ganito ah? Hindi ako nagkakaganito dati dahil sa babae. Sila ang nagkakaganito dahil sa akin. Pero ngayon, parang bumaligtad ang mundo ko.
*Flashback*
Nandito ako sa isang bar na madalas kong pagtambayan. Lalo na kapag masama ang loob ko.
Oo, masama ang loob ko ngayon. Dahil sa nangyari kahapon.
"Dahil ayoko. Wala kang mapapala sa akin Skye. Hindi ko...hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. I'm sorry."
"Sheesh!" Lumagok ako ng beer at ibinagsak sa lamesa ang bote. I'm upset! No, not with Penny. I'm upset with myself! Bakit ba ako nagkakaganito?! Dahil lang sa isang babae, nagkakaganito ako!? The oh so charming and pretty boy Skye is troubled because of a girl!? This is insane! This is really insane."Hey honey, what's the matter?" tanong ng babaeng katabi ko na hindi ko alam ang pangalan. Bigla na lang siyang sumulpot sa kung saan at inalok ako ng maiinom. Wala raw siyang kasama at tinanong ako kung pwede niya raw ba akong samahan na lang dito.
Sino ba ako para tumanggi? I can't refuse a beautiful and sexy damsel who needs my company.
I smiled at her sweetly. "Nothing babes. Gusto mo pa ng wine?" alok ko. Hinapit ko siya sa bewang at hinalikan sa leeg.
She giggled. "Stop. You are one naughty guy." She pinched my nose.
Humalakhak lang ako.
Yes, I'm back. I'm back to the old Skye. The charming, playful Skye.
"Diyan ka lang ha. I'll just use the rest room," paalam niya.
"Sure. Just don't keep me waiting for too long, darling." I winked at her.
"Of course pretty boy. We'll go to my place after this," sabi niya bago umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/1769026-288-k282792.jpg)
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...