NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 57: Buwiset!
PENNY
Kinabukasan, hinihintay ko si Polo sa harap ng building namin. Tinext niya kasi ako kanina. May sasabihin daw siya sa akin.
Hindi na nga babes ang tawag niya ngayon sa akin eh. My girl na. Yung babes daw kasi, noong nililigawan niya lang ako. Pero ngayon na kami na raw talaga....no, lets revise that. Ngayon daw na engaged na kami, iba na raw ang itatawag niya sa akin.
Pinuyat nga ako kagabi eh. Hating gabi na, tumawag pa. As usual, kung anu-ano ang sinabi. Tinulugan ko nga lang siya eh.
"My girl!" Biglang sumulpot sa kung saan si Polo. Inakbayan ako sabay halik sa noo at...lips! Letse 'to! Nagnakaw agad ng halik! Putek, babalian ko 'to!
No Penny! Relax! Magiging fiancé mo na yan kaya may karapatan na siyang gawin yon. Wag ka nang tumutol.
Ngumiti na lang ulit ako kahit gustong gusto ko na 'tong kutusan.
"Ako, walang kiss? Huh? My girl," sabi niya sabay turo sa pisngi niya.Shet! Kakalbuhin ko na 'to! Whoo! Relax ulit. Makisama ka na lang.
At ayun nga, hinalikan ko siya sa pisngi pero hindi talaga dumikit yung labi ko. Duh! Sinuswerte siya!?
"Chalap! Sa susunod sa lips naman ah." Kinurot pa ako sa pisngi.
Sa susunod tatadyakan na kita papunta sa pinanggalingan mo! Aba! Sumusobra na 'to! Nagpapasensiya lang ako!
I faked a laugh. "Sabi mo eh. Pero sana naman sa susunod, magpaalam ka muna kung hahalik ka."
"Sorry my girl. Na-excite lang ako . Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako makapaniwala na magiging fiancée na kita. Pwede ko namang gawin 'to diba? Sa akin ka na naman eh,” nakangising sabi niya sabay hapit sa bewang ko.
Oh no! Wag mong sabihing hahalikan na naman niya ako!? Nooooooo! Once is enough! Kapag ginawa niya yon, hindi ako magdadalawang isip na tuhuran siya!
Biglang may humila sa braso ko...Napaangat ang tingin ko at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko kung sino iyon.
"I'm sorry. She is MY fiancée. Kaya pwede bang bitawan mo siya?"
Vaughn!? A-anong ginagawa niya rito!? Narinig niya?! Oh sh*t!
Natawa si Polo. "Hindi ba, may iba kang fiancée? So, doon ka manggulo at wag sa amin ng future fiancée ko. Bigyan mo naman kami ng time na magkasolo. Kahapon palang kami naging official eh. Gusto kong sulitin ang bawat oras. Kaya alis na."Napakunot ang noo ni Vaughn. "W-what?! F-future fiancée!? Are you freakin serious!?"
Ngumiti ng buong pagmamalaki si Polo. "Oo naman! At hindi lang yon, si my girl pa ang nagpropose sa akin. Diba, my girl?"
Tumingin din sa akin si Vaughn at parang hinihintay ang sagot ko. Natameme ako. "H-ha...?"
"Totoo ba ang sinasabi ng gunggong na 'to!?" may galit na sa tono ni Vaughn. At parang nag-aapoy na ang mga mata niya.
Nangilabot ako dahil doon.Aba! Teka! Anong karapatan niyang magalit!? Pakialam niya ba kung ako ang nagpropose o kung maeengage ulit ako!? Wala na kaming kaugnayan sa isa't isa! At isa pa, kasalanan niya rin naman ito eh! Bakit hindi na lang siya bumalik doon kay ate Freya at makipaghalikan?!
"Oo! Eh ano ngayon!?" taas kilay na tanong ko.
Lalong siyang nagngitngit dahil doon. "Are you insane!? " bulyaw niya.
Tumayo ako pinameywangan siya. "Pakialam mo ba sa buhay ko!? Sa gusto ko eh!" ganting sigaw ko rin.
"Ano bang naisip mo at lumapit ka sa gunggong na yan!? Nababaliw ka na ba!? May kinalaman ba ito sa kumpanya!? Ha!?"
Buset 'to! Siya pa ang nakasigaw ngayon! Ano bang pakialam niya sa akin? May sari-sarili na kaming buhay kaya dapat hindi na siya nakikialam!
Sinuntok siya bigla ni Polo sa mukha.Napatili ako.
"Wag mong masigaw sigawan ang future fiancée ko lalo na sa harap ko! Hindi lang yan ang matitikman mo kapag inulit mo pa yon!" Galit na rin si Polo ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/1769026-288-k282792.jpg)
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...