NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 38: Seksing Maingay at Matakaw
PENNY
Naghikab ako habang nakikinig sa student aide na inasign sa block namin. Kaninang kanina pa ako kating kati na lumabas ditto. Iniinform kasi nila kami about doon sa General Assembly na gaganapin sa susunod na araw. Siguradong nakakaantok na naman ‘yon. Puro speech lang naman ang gagawin nila doon eh.
"Doon po kayo sa 4th block ng university theater uupo at dapat dumating kayo on time dahil...blah blah here and a blah blah there." Nako kuya! Nakaka-antok ka magsalita ah!
2 weeks na mula nang magsimula ang klase. At masasabi kong, hindi na normal ang buhay ko ngayon. Bakit? Tanungin niyo ang fiancé kong magaling at mga kaibigan niyang nuknukan ng gwapo. Sila na! Sila na talaga! Sila na ang school hearthrob! Kainis! Dahil sa kanila, nagulo ang mundo kong mapayapa. Paborito kaming topic ni Kaoru ng chismisan. Palibhasa lagi naming kasama yung tatlong ‘Prinsipe’ daw nila. Tapos si Vaughn na magaling, hindi pa ako pinakilala sa madlang pips bilang girlfriend niya! Hindi ko tuloy masabi kapag may nagtatanong. Kasi baka mamaya, ayaw niya pala talagang ipasabi. Ayos no? Ikinahihiya yata ako ng kumag na yon eh. Sarap tadyakan!
"Penoy. Ang sakit ng ulo ko," daing ni Kaoru.
Hinawakan ko siya sa noo. "Ang lamig ng pawis mo girl. Samahan kita sa clinic?" Bakit kasi kinain niya pa yung spaghetti na yon. Sabi nang panis na eh.
Umiling siya. “Ako na lang. Dito ka na lang," sabi niya bago nagpaalam sa nagsasalita at lumabas.
Sayang! Excuse pa naman yon para makaalis na ako sa boring na meeting na ito.
Tumagal pa ng ilang oras ang meeting. Kahit na alis na alis na ako sa upuan ko, wala akong magawa. Kabastusan kasi kapaga ginawa ko ‘yon. Pagkatapos ng meeting na ‘yon, pinauwi na rin kami kaagad.
Marami rami na ring estudyante sa labas. Lahat kasi, maaga ang uwi ngayon dahil nagreready yung mga head para sa general assembly bukas.
Pagdating ko sa parking kung saan kami magkikita ni Vaughn, napangisi ako. Nauna kasi ako sa kanya. Ibig sabihin, libreng chocolate cake na naman. Nagpustahan kasi kami. Kung sino ang mauuna sa parking lot tuwing uwian, ililibre ng kahit anung gusto niya. At heto nga, ako na naman ang nanalo.VICTORY IS MIINE!
Noong minsan kasi, napaghintay ko siya ng 10 minutes. Take note, 10 minutes lang. At talagang inis na inis siya non. Hindi ako pinansin hanggang makauwi kami. Alam niyo naman, napaka-impatient niya. Parang mamatay kapag naghintay sandali.
Hay buhay. Kung hindi ko lang talaga mahal yon, baka matagal ko na siyang inilibing nang buhay.
May narinig akong kumaluskos maya maya. Lumingon ako para tignan kung ano o sino ‘yon.
Nang makita kong wala, umiling ako. Baka imagination ko lang lahat ‘yon.
Maya maya, hayan na naman ang kaluskos. Inilibot ko ang paningin ko. Medyo nakakaramdam na ako ng kaba. Ako lang kasi ang tao dito. Hindi pa lumalabas ang karamihan sa mga estudyante. Baka may nantitrip lang sa akin.
May biglang tumakip sa bibig ko. Hindi ko nakikita kung sino dahil nakatalikod ako pero, alam kong malaking lalaki. Binuhat niya ako at ipinasok sa kung kaninong sasakyan. Pumikit ako. Gusto kong magtitili. Per dahil nakatakip ang kamay niya sa bibig ko, wala akong nagawa. Pilit din akong nagpumiglas. Pero masyadong malaki yung lalaki.
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...