Chapter 23: Supermarket

31.3K 337 44
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 23: Supermarket

 
(3 years later)


June, 2012

 

PENNY

 

Lahat ng pangyayaring iyon, malinaw pa rin sa isipan ko. Parang kahapon lang lahat nangyari. Mula nang makilala ko siya, hanggang sa pag-alis niya, hindi ko pa rin nakakalimutan.

Ang pag-alis niya ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Mas masakit pa iyon kaysa noong magtapat sa kanya si ate Freya.

 
Hay Vaughn. Kumusta ka na? Naaalala mo pa kaya ako?

"PENOOOOOY!" May biglang malakas na kung ano ang tumama sa ulo ko. 

 Nagulantang ako at parang nayanig ang mundo ko doon. "Aray! Ano ba!?" hiyaw ko. Ang sakit manapok nitong si Kaoru. Lumabas yata ang utak ko!

"Bakit kasi tulala ka riyan!? Kanina pa kita kinakausap dito eh!" nakapameywang na sabi niya.

Wow! Ang taray! Parang siya ang nasaktan at hindi ako! -.-

Buti naman at dumating na siya. Late na naman siya as usual. "Oh nandiyan ka na pala!? Kanina pa kita hinihintay eh!" 

"Ay!? Late reaction!? Sira! Kanina pa ako rito! Mga...” tumingin siya sa relo niya. “…15 minutes na. Kanina pa rin kita kinakausap. Para ka namang baliw na nakatanaw lang sa labas at bumubuntong hininga pa. Akala ko nga napo posses ka na eh!" 

Napakamot ako ng ulo. Kasi naman, parang nag flashback lahat ng nangyari noon sa utak ko eh. Ayaw ko namang sabihin dito. Sasapakin lang ako niyang babaeng iyan. Naiinis kasi siya sa akin kapag naalala ko ‘yon. Lagi niyang sinasabi na bakit daw hindi parin ako maka-get over. “Sorry naman” 

"Ang aga kasing mag daydream eh," nayayamot na sabi niya.

"Mianhae (sorry). May naalala lang kasi ako."

"Psh, pakore-korean ka pa riyan. Hindi mo naman bagay. Koreanang sunog!" pang aasar niya.

"Ikaw na nga ang nanapok, ikaw pa ang galit! Haponesang hilaw!" ganti ko naman.

Dahil doon, nagsimula na ang ‘riot’ sa pagitan naming dalawa. Nagbatuhan kami ng unan at nagsigawan. 

Ganayan kami ni Kaoru. Asaran lagi. Pero hindi naman namin siniseryoso. Laging katuwaan lang.

 
Natigil lang kami nang may kumatok. "Penny? Ayos lang kayo riyan?" tanong ni momma.

"Opo momma! Tinotopak lang po si Kaoru!" sigaw ko habang hinahampas ko pa rin ng unan si Kaoru.

"Tse! Ikaw nga diyan eh! Don't worry po tita! Dini disiplina ko lang po itong anak niyong may amats!" 

Ako pa pala ang dapat disiplinahin ah.

 
Narinig kong tumawa si momma. "Bumaba na kayo, may ipapabili ako sa inyo," sabi niya bago ko marinig ang yabag niya pababa.
 

Tumigil si Kaoru sa panghahampas sa’kin. "Uy! May ipapabili raw." Binigyan niya ako ng huling hampas.
 

Ang lakas manghampas nito. Akala mo may bakal ang kamay!

 "Ano naman kaya yon? May bagyo, palalabasin pa tayo?" nakasimangot na sabi ko.

"Baka mahalaga. Wag ka na ngang magreklamo! Tara na!" sabi niya sabay hila sa akin palabas ng kwarto.

Pagkababa namin, nadatnan naming si momma na nagkakape. "Anak, sumaglit naman kayo sa grocery. May darating tayong mahalagang bisita mamayang gabi." Inabot niya sa akin ang listahan ng bibilhin.

 Iniscan ko yung listahan.

Whoah! Ang dami naman. Parang may party lang eh. Sasaglit lang ba talaga?

"Ito lang ba ma? Ang konti naman. Dagdagan niyo pa," pang-aasar ko kay momma.

Natawa naman si momma doon. "Sige na, umalis na kayo hangga't hindi pa umuulan ng malakas," sabi niya habang itinutulak kami palabas ng pintuan.

 
“Ay! Wait lang po tita!” pigil ni Kaoru. Hinila niya ako papasok ulit ng bahay. “Tara Penny!” Hinila niya ako pabalik ng kwarto.

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon