Chapter 8: Kaoru

33.6K 336 14
  • Dedicated kay Jamie Martin
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 8: Kaoru

 
 PENNY

 
Napatalon ako sa kinauupuan ko nang may kumatok sa may pintuan. Kasalukuyan akong nanunuod ng Phineas and Ferb.
 
"Anak! Pakibukas naman ang pinto oh. Baka sila na yan. Hindi ko maiwan itong pinapakuluan ko eh," sigaw ni momma mula sa kusina.
Nagluluto si momma kasi darating daw yung pinsan ko galing sa Japan at dito na raw mag-aaral.

 
Tumakbo ako papunta sa may pintuan.

Bumungad sa akin si tita Collete. Kapatid siya ni daddy at nakapangasawa siya ng Japanese kaya doon muna sila tumira.

 "Penny? Ikaw na ba yan? Ang laki laki mo na," sabi ni tita Collete tapos kiniss niya ako sa cheeks.

 Minsan na kasing dumalaw rito si tita Collete. Noong nagkasakit si lolo. Pero hindi niya kasama ang asawa at mga anak niya. 

 "Hello po tita," nakangiting bati ko.

May sumilip mula sa likod niya. Kasing laki ko na medyo singkit at maputi. Nakatirintas yung buhok niya. Ang cute niya!

 “Nasaan pala mama mo?”

"Nasa kusina po, nagluluto."

 "Sige puntahan ko na muna ah. Mag-usap muna kayo nitong anak ko," sabi ni tita at iniwan kami nung pinsan ko. 

Ay? Si tita talaga. Hindi muna ako pinakilala sa anak niya.

 Nakatingin lang siya sa akin at walang ekspresyon ang mukha. Medyo nakakatakot din pala siya.

Pano ko kaya siya kakausapin? Baka di marunong magtagalog eh. Sabi kasi ni mama, sa Japan daw siya lumaki.

 Lumunok ako. "You...you.. w-wan't to watch?" tanong ko. Magno-nosebleed yata ako.

 Tumango lang siya.
Hala! Mapapasabak yata ako ng englishan ah.

 Pinatuloy ko siya at umupo kami sa sofa.

 "Uhm...m-my name is Penny. What's y-your name?" Grabe nangangabulol ako. -.-

"Kaoru," matipid niyang sagot.

 Grabe. Ang tipid naman niya magsalita. Hindi kaya napapanis laway niya?

 "Y-you like Phineas and Ferb?" tanong ko ulit.  Wala na akong ibang maitanaong eh. Mauubusan pa ako ng English.

Nag-nod lang ulit siya.

 "R-really? Me too," sabi ko na lang. Wala na talaga akong masabi eh.

 Uh…ano pa bang sasabihin ko sa kanya? Magtatanong ba ako tungkol sa Japan? Eh pano ko e-englishin!?

"Uhm...y-you like here in the Philippines?" tanong ko ulit.

 Tango lang ulit ang sinagot niya.

 Ano ba yan!? Ang hirap naman nito! >.<

 "Y-you like our house?" Grabe puro "like" ang tanong ko ah.


"Maganda naman, presko at mukhang kumportableng tirhan." 


Natulala ako habang nanlalaki ang mata.



"E-eeeeeeeeeh!?"


Marunong pala siyang magtagalog! T.T


KAORU 

"Anak, nandito na tayo. Gising na," habang niyuyugyog ni Okaasan (mother) ang balikat ko.

Nakatulog na pala ako. Ang haba kasi ng biyahe mula Japan.

Ginusot ko ang mata ko. "Nani? (What?)"

 "Nandito na tayo sa bahay nina tito Christof at tita Pia mo," sabi ni Okaasan.

 Tumingin ako sa labas ng bintana ng taxi. Simple lang yung bahay, pero maganda naman.

"Mami meet mo na si Penny, ang pinsan mo. Siguradong magkakasundo kayo," excited na sabi ni Okaasan

 Kahit kelan, hindi ko pa na meet ang pinsan ko sa side ni Okaasan. Ang alam ko, tatlo sila. Panganay yung kambal. Philip at Peter yata ang pangalan nila. Tapos bunso si Penny na kasing edad ko raw. Nae excite tuloy ako. Ngayon lang ulit ako makaka kilala ng kasing edad ko.

Kumatok si Okaa-san.

 
May batang babaeng lumabas. Siya siguro si Penny. Mahaba ang buhok niya, maputi at matangos ang ilong. . Cute, iyon siguro ang bagay na description sa kanya.


"Penny? Ikaw na ba yan? Ang laki-laki mo na," sabi ni Okaa-san.


"Hello po tita," nakangiting bati niya.

Gusto ko na ring mag-smile nang ngumiti siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

 “Nasaan pala mama mo?”

"Nasa kusina po, nagluluto," sagot ni Penny.

"Sige puntahan ko na muna ah. Mag-usap muna kayo nitong anak ko," sabi ni Okaasan bago dumiretso sa kusina.
 
Napatingin ako kay Penny. Parang pinaga aralan niya ako. Iniwasan kong magpakita ng kahit anong emosyon. Ganito talaga ako. Tahimik lang. Kailangang maingat ako sa ipapakita ko sa mga taong nasa paligid ko.

 
"You...you.. w-wan't to watch?" tanong niya sa akin.

 
Holo! In-english ako. Hindi niya siguro alam na marunong akong magtagalog.

 Tumango lang ako.

 "Uhm...m-my name is Penny. What's y-your name?" tanong niya sakin pagkaupo namin sa sofa.

"Kaoru," matipid kong sagot.

 
"Y-you like Phineas and Ferb?" tanong niya ulit pagkalipas ng ilang minuto.

 

Nag-nod nalang ulit ako. Mukhang hirap na hirap na siya ah. Gusto ko tuloy matawa.

"R-really? Me too," sabi niya pa.

Ilang minuto rin kaming natahimik. Pinapakiramdaman ko siya. Parang namumroblema siya.
 
“Uhm...y-you like here in the Philippines?” maya maya tanong niya ulit.
 
Tango lang din ang sagot ko. Naiirita na yata sa akin.
Pasensya naman. Nagi ingat lang ako. Baka kasi anong isipin niya tungkol sa akin.

 "Y-you like our house?" tanong niya ulit.

 "Maganda naman, presko at mukhang kumportableng tirhan," tuloy tuloy kong sagot. Napakagat ako ng labi. Nadala ako sa tanong niya.

 

Walang umimik sa aming pareho.

Maya maya, nagiba ang itsura niya at nanlaki ang mga mata niya. Pati butas ng ilong niya, lumaki rin.

"E-eeeeeeeeeh!?" sigaw niya.
 

"HAHAHAHAHA!" Napatawa tuloy ako ng wala sa oras. Nakakatawa kasi ekspresiyon niya!

Nakita ko naman siyang sumimangot. "M-marunong ka palang magatagalog! Bakit hindi mo sinabi!?"

"Hindi mo naman itinatanong eh." Grabe, di ko talaga maiwasang tumawa.

 Nang marealize ko kung anong ginagawa ko, napatikom ako ng bibig. I looked at her apologitacally. "Gomenasai," sabi ko.

 
"HUH!?" nanlalaki na naman ang mata na sabi niya.

Pigilan mo ang sarili mo Kaoru! Wag kang tatawa!

"Sabi ko sorry."

"Aah! Ayos lang yon!" sabi niya na nakangiti at naka thumbs up pa.


Biglang lumabas si Okaasan mula sa kusina. "Anong nangyari!?" Mukhang nag-aalala.

 "Wala po tita. Natuwa lang po sa akin si Kaoru,” nakangiting sabi ni Penny.

 
Gulat na tumingin sa akin si Okaasan. “Hontou? (Really?)” Tapos lumamlam ang tingin sa akin. Nginitian niya ako.

Nag-iwas ako ng tingin. Kung anu ano na naman ang iniisip ni Okaasan.

"Mabuti naman. Ay siya nga pala Penny hija, pwede bang pakitulungan mo naman bukas si Kaoru sa school niyo? Yang bata kasing iyan, mahiyain masyado. Pakitour narin siya sa school niyo ha?" baling niya kay Penny.

 Si mama talaga. Feeling niya baby pa ako.  -.-

"Wala pong problema!" nakangiting sabi ni Penny.
 
"Naku, talaga!? Arigatou! (Thank you!)" masayang sabi ni Okaasan.

 I sighed. What kind of life awaits me here?

But somehow, I am kind of glad we're here.

to be continued...

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon