NOTICE: Edited chapter na po ito. Pahapyaw lang o try lang. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 2: Vaughn
VAUGHN
Today is just a usual day—a usual boring day.
Here I am, under my tree, listening to my iPod. It’s not like there’s something else to do.
"Si Vaughn ba ‘yon? Sheeeet! Ang gwapo!" sabi nung dalawang babaeng napadaan.
I sighed with annoyance. Here we go again.
"Bilis lapitan natin!”
Lumapit sila sa akin—squealing and everything. "Hi Vaughn," the first girl said.
Tsk. Heto na naman. Nakakasawa.
C’mon Vaughn, just go with the flow. Nag-smile ako nang kaunti and then returned to what I was doing.
"Syeeeeeeeeet! Nginitian nya ako!" they squealed.
"Tara na nga,” the other girl said while hitting her friend in the shoulder.
Tsk, girls. Nagiging bayolente dahil lang sa lalaki.
Ano bang bago? Kung hindi babaeng nagtitilian, mga baklang nagpapacute naman. Nakakairita talaga! Araw araw na lang. -.-
My phone suddenly vibrates.
Ugh! Speaking of an annoying creature. "Hello Vanessa?"
(Vince! Hoy lalaki ka! Mas matanda ako sayo! tawagin mo akong ate!)
"Tch..whatever. What do you want?"
(Ikaw na lang ang mag pick up nung cake para sa birthday ni baby Vosz oh? Puhleaseee!)
"Ayoko. Busy ako."
(Ha! If i know, nakatambay ka lang diyan sa ilalim ng puno eh! Sige na! Pleaseeeeee! Nilinis ko na kwarto mo oh! Nilabhan ko pa nga yung favorite shirt mo. Pati yung under—)
"Okay fine! Just shut up already!" Tch! Talagang sasabihin pa. Hindi na nahiya.
(Hahaha! Thanks Vaughnie! You’re the best.)
Kusang napakunot ang noo ko. The hell!?
"Don't call me that stupid nickname! It's annoying!"
(Hihi! Ang cute kaya! Nag high school ka lang ayaw mo na. Dati rati, sobrang wide pa ng smile mo pag tinatawag kang Vaughnie! Vaughnie! Vau—.)
Pinatayan ko siya ng cell phone. Ipinaalala na naman. Sa ayoko nang tinatawag na ganun eh! Bakit ba ang hilig niyang makialam!? Ang sakit pa sa tenga. Sigaw nang sigaw. Parang megaphone ang bibig.
Minsan iniisip ko kung kapatid ko ba talaga ang babaeng ‘yon.
1 message received
From: ate Van
Hoy lalake! How dare you hang up on me!?Hmf! Kung di lang talaga kita love! Yung cake ah! Wag mong kakalimutan! Baka di matuloy party ni baby. Patay tayo kay mommy.
I rolled my eyes.
Maraming nagsasabi na mas mature ako kumilos at magsalita kaysa sa ate ko. Bakit hindi? Una, napakachildish niya. Pangalawa, spoiled pa siya kay papa. Pangatlo, nasabi ko na bang childish siya? Tss. At tingin ko, nai-spoil ko rin siya.
Tatlo kaming magkakapatid. Panganay si ate Vanessa 17, then ako 14, tapos si Vosz na 3 yrs old pa lang.
Imagine, 3 years ang tanda niya sa’kin, pero kung umasta parang bata. Dinaig pa si Vosz sa kakulitan. Masakit siya sa ulo. -.-
Dapat talaga, apat kaming magkakapatid. Sa kasamaang palad namatay yung sunod sa’kin. Si Venice. Baby pa lang siya noong magkakomplikasyon siya sa dugo which lead to her death.
Napabangon ako. I looked at my watch. May klase pa nga pala ako.
I grunted. Naka leave pala yung teacher ko ng last subject. Tss. Bakit hindi ko kaagad naalala ‘yon? Edi sana, kanina pa ako nakauwi. Hindi pa ako napagdiskitahang utusan ni Vanessa. Makaalis na nga. Para makuha ko na rin yung cake. Baka mabungangaan na naman ako ng magaling kong kapatid.
Habang naglalakad ako at mapadaan ako sa elementary department, may nakita akong batang babaeng nakaupo sa lupa.
Halatang naiiyak na pero pilit na pinipigilan. Mukhang binu bully ng kaklase niya. I looked at them closer. Oo, binu bully nga siya.
Tss, it’s just a typical thing in elementary. Hindi ko na sana papansinin. Pero nakakaawa talaga yung bata. She’s crying.
Hay, ayoko talagang nakakakita ng babaeng umiiyak. Kahit bata.
Nung namatay kasi si Venice, iyak nang iyak si mama.
1 month din siyang tulala at bigla na lang sisigaw at iiyak. Kaya mula noon, ayoko nang nakakakita ng babaeng umiiyak. It reminds me of how miserable my mom is. Untill now, iniiyakan niya pa rin yun.
Lumapit ako at napatingin sila sa akin.
"Hello kuya," sabi nung batang naka pig tails, tapos nagpacute pa.
Napakunot ako. Tsk, kids these days. Ang babata pa may paganyan ganyan na. No wonder, mas malala ang mga teens.
I glared at her. "Get lost! Don't you ever bully her again," I said in a cold tone.
Mukhang nasindak naman siya.
"S-sorry po," sabi niya bago tumakbo palayo.
Tinulungan kong tumayo ‘yung batang nakaupo sa lapag. "Hey kid, are you alright?" tanong ko.
Hindi siya sumagot. She’s starring at me. Er.
Hindi yata nakakaintindi ng english.
Tinusok tusok ko yung pisngi nyang malambot at mapula pula. "Uhm, bata? Okay ka lang?"
Napakurap siya. "Aah? E-eh..o-opo. Salamat po," sabi niya at nag-bow pa.
I kept myself from laughing. Ano ba siya? Intsik? Hapon? Koreana?
Bigla na lang siyang tumakbo bago pa ulit ako makapagsalita. Napailing na lang ako. “Tsk, girls.”
Aalis na sana ako pero may tumawag sa akin. “Uhm..kuya!”
Lumingon ako. That girl again?
"Hindi po 'kid' ang pangalan ko, mas lalo pong hindi 'bata'. Penny po pangalan ko," she said while smiling—showing her cute dimples.
“Penny?” I muttered. Napangiti ako.
Bago ako makapagsalita, tumakbo siya palayo sa akin…again.
Tinawag ko siya bago pa siya makalayo. "Penny!”
She looked back.
I flashed my ‘killer smile’ (or whatever those annoying fan girls called it.). "Take care."
Her eyes widened. Natulala siya at namula.
Pagtalikod ko, I smiled proudly to myself. Tsk, tsk. Wala ka pa ring kakupas kupas Vaughn.
“Penny.” Napangiti ulit ako. She’s cute. With those dimples and—
I mentally slapped myself. Vaughn! For Pete's sake! She's just a kid! Mahiya ka.
to be continued.....
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...