Chapter 50: Too much

29.4K 348 58
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

 

Chapter 50: Too Much

PENNY


Natulala ako pagkapasok ko ng canteen. Lilinisin ko lahat yan!? Grabe. Pamatay! Ang daming kalat! Ilang tao ba ang lumapastangan sa lugar na ito?Parang dinaanan ng bagyo at tsunami! Combo attack!

Saan ko kaya 'to uumpisahan?

May dalawang babaeng dumaan sa harapan ko.

"Ang dami namang basura," maarteng sabi nung isa.

Tapos napatingin sila pareho sa akin. "Tch. Kaya pala. Narito pala ang pinaka-malaking basura sa lahat," sabi nung isa na parang diring-diri.

Ako ba ang pinaparinggan nila?

"Oo nga. Dapat lang na siya ang maglinis ng mga kamukha niyang basura."

Ay, obvious naman . Ingungudngod ko na mga nguso nito! Mas mukha pa silang basura eh! Umaalingasaw sila sa baho! 

"Bes, saan ko 'to pwedeng itapon?" tanong nung may malaking nunal sa ilong. Hindi ba ganon yung mga witch?

"Diyan na lang. May muchacha namang pupulot eh," sabi naman nung malaki ang nguso tapos sobrang kapal pa ng lipstick. Clown. 

The clown and the witch. A perfect combination. Mas malala pa sa pinagsamang bagyo at tsunami.

At hayun nga, itinapon lang ang plastic sa tabi-tabi. Sarap hambalusin ah!

Mabuti at umalis na rin sila kaagad, kung hindi, bubuhusan ko sila nitong tubig sa timba. Lakas ng tama ng mga yon. Nang-asar pa ang mga anak ng kulugo na yon! Sila kaya rito sa kalagayan ko!?

Sinimulan ko na lang na maglinis kesa magpa stress sa dalawang kulugo na ‘yon. Iniligpit ko muna ang mga pinagkainan ng mga estudyante na nakakalat pa sa mesa. Pagkatapos, nagwalis ng kalat at alikabok.

"Ako na." Kinuha ni Skye ang walis sa kamay ko.

Gulat akong napatingin sa kanya. "Skye! Bakit nandito ka pa?"

Ngumiti siya. "Katatapos lang ng practice namin. Syempre, nagreready ako para sa pagpapakitang gilas ko sa'yo bukas," he said with a wink.

Natawa ako. "Kahit hindi ka na mag-practice, magaling ka na."

Lalong lumawak ang ngiti niya. "Wow. Thank you. It's so nice that a fair maiden complimented me." 

"Sira! Fair maiden ka diyan! Baka muchahang julalay!" natatawang sabi ko. “Tignan mo nga ‘tong hitsura ko. Pati itong hawak ko.”

He chuckled. "You're more like a damsel in distress for me. And a damsel in distress needs a super hero. Kaya tutulungan kita. I'm your super hero."

"Incredible Hulk? Ikaw ba yan?" pang-aasar ko.

"Sa gwapo kong 'to, Incredible Hulk?! Pa-check up ka na ng mata princess. I'm more like superman!"

Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya.

 "Siyempre naman. Ako yata si superman, ang tagapagligtas mo."

"You know, I don't have to be superman just to protect you. Superman is just a fictional character. He doesn't exist."

"I will protect you in my own ways. Kahit walang superpowers. Naniniwala ka naman sa akin diba?"

 Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang hawakan ako sa magkabilang balikat ni Skye. "Penny. Are you alright?" May halong pag-aalala sa boses niya.


"H-ha? Oo naman." Ngumiti ako nang pilit.

Tinignan niya ako na parang hindi siya kumbinsido.

"What's with the face?" natatawang tanong ko. "Alam mo, pagod lang  yan. Umuwi ka na. Ako na lang dito. Kaya ko na 'to. Magpahinga ka na."

Bigla niya akong niyakap.

I stiffened. "S-skye?"

"Penny, you don't have to pretend in front of me," he said softly.

"A-ano bang sinasabi mo? Bakit naman ako mag...mag..p-p-pretend? Napaparanoid ka lang!" Hinampas ko nang mahina ang balikat niya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong umiyak. Parang lahat ng sama ng loob ko, gustong kumawala sa dibdib ko.

"Penny," mahinang sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Nagsimula nang manlabo ang paningin ko. "O-oy, nakakatakot ka na ha."

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon