Chapter 25: Goodbye Vaughn, Hello Vince

32.4K 336 14
  • Dedicated kay GongChan
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 25: Goodbye Vaughn, Hello Vince

PENNY
 

"Daddy naman kasi! Hindi na po nakakatawa! Huwaaa! Bakit!? Sino ba ‘yon!? Ang bata ko pa eh! Hindi pa nga ako nagkaka boyfriend! Tapos ikakasal na ako!? Daddy naman eh! HUWAAAA! HINDEEE!"

Kanina pa ako nag aalburuto.  Bakit naman kasi bigla nilang sasabihin na engaged na ako!? Na ikakasal na ako sa hindi ko alam kung sinong lalaking ‘yon!?

"Penny, listen to me. Wag ka munang magwala diyan!" Pilit akong pinapakalma ni daddy. 

Tumahimik ako para pakinggan ang paliwanag ni daddy.

Bumuntong hininga muna si dad bago magsalita. "First of all, gusto kong malaman mo na stock holder ako sa isang company. Hindi lang ang law-firm ang pinagkaka-abalahan ko."

Nanlaki ang mata ko. Stock holder!? Aba! Ang dami naman naming pera! Bakit hindi ko alam yon!? "Ano pong kinalaman noon sa pagiging engaged ko!?" 

"Ang kumpare ko ang may-ari ng company. Nagkaroon ng malaking problema sa kumpanya. Kailangang magkaroon ng additional investment para manatili siyang CEO, kung hindi maiibebenta ito sa iba. Ayaw mawala ng kaibigan ko sa kaniya ang kumpanyang pinaghirapan niya at ng kaniyang great grandfather," paliwanag ni dad.

 Grabe, usapang pera pala ito. At talagang idinamay pa ako.
 

"He saved my life once Penny. Utang ko sa kanya ang buhay ko ngayon. Gusto ko siyang matulungan sa kahit anong paraan."

 
I gasped. Muntik nang mamatay si daddy!? Grabe, nakakagulat talaga ang mga nalalaman ko! Bakit wala akong kamuwang muwang sa mga ito!? "Bakit naman po ako napasok doon?" Hindi ko pa rin mantindihan kung paano akong nasali.

Humugot nang malalim na hininga si daddy bago nagsalita. "Meron kang Trust Fund worth 20 million pesos."


 
Tumango tango ako. "Ah. Ayun naman pala. May trust fund naman pala ako—"

 Wait!
 
"WHAT!?" bulalas ko. "SAAN GALING YON DADDY!? "

Feeling ko aatakihin ako sa puso. Trust fund!? As in parang pamana!? So ibig sabihin milyonarya ako!?

OMIGOSH! I’m a MILLIONAIRE BABY! $.$ 

"Galing iyon sa yumaong lola Gilda mo," patuloy ni daddy. 

Kay lola dearest!? Yung mama ni momma . Weeee! Paborito ako non eh. Love na love ko yung si lola Gil. I miss her so much. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya.

Teka? Hini ba ikakasal ako? Bakit napunta sa trust fund?  "Teka daddy. Ano pong kinalaman nun sa kasal ko?" Kumalma na ang puso ko nang kaunti.

"Kasi anak, kailangan mo munang ma-engage o kaya makasal para makuha mo ang pera. Iyon ang kondisyon nung trust fund mo. At kapag doon ka sa tagapagmana ng kumpare ko nakasal, hindi mawawala sa’yo ang pera. Lalago pa ‘yon. Kailangan kayong makasal sa lalong madaling panahon," paliwanag ni daddy.

 Napapikit ako. Parang alam ko na ang sususnod. At nasasaktan ako kung ganon nga ‘yon.

Iyong pera na makukuha pag nakasal ako, ipangbibili ng shares para hindi mapunta sa iba ang company nung kumpare ni daddy.  Tumango-tango nalang ako. "Get's ko na po."

 So ganon pala ‘yon! Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Magpapakasal ako para sa pera!? Pakiramdam ko, ibinebenta ako ng sarili kong ama sa lalaking hindi ko kilala!

I shot him an accusing look. "How could you!? Ibinebenta mo ako, ganon ba daddy!? Bakit dad!? Akala ko mahalaga ako sa inyo?!" umiiyak na tanong ko. 

Ang sakit kaya! Sa isang iglap, ikakasal ako sa kung sino dahil sa pera!?
 
Lumapit sa akin si dad at hinawakan ako sa kamay. "Hindi kita ibinibenta anak. Mahalaga ka sa akin Penny. Kaya ko nga nagawa ito. Alam kong magkakaroon ka ng magandang buhay kay Vince."

 Vince!? So, iyon pala ang pangalan ng ‘future husband’ ko.

"Anak, please. Magtiwala ka kay daddy. Gusto ko lang masiguro ang future mo. Magugustuhan mo siya, promise. At anak, hindi naman kita ipagkakatiwala kung kani-kanino lang eh. Alam mo naman yon diba? Ikaw ang nag-iisang prinsesa ko," halos magmakaawaang sabi ni daddy.

 
I clenched my fist. “No! Hindi ako magpapakasal! I won't let you ruin my life! Kahit na gaano pa kalaki yang pera na yan, hindi niyan pwedeng sirain ang buhay ko!" I shouted bago tumakbo paakyat sa kwarto ko at inilock ang pinto.

 Sino ba yang Vince na yan!? Bakit ipinagkatiwala kaagad ako ni dad sa kanya?! What’s so special about him!? Argh! Sumasakit ang ulo ko.

 Naalala ko si Vaughn. Paano na siya? Oo, hinihintay ko parin siya hanggang ngayon eh.

Umupo ako sa gilid ng kama at isinubsob ang mukha ko doon. Akala ko sa mga palabas lang nangyayari ang arranged marriage. Nag-eexist pala talaga iyon sa totoong buhay. At sa akin pa talaga nangyari! 

 Gosh! Why me!? Hindi ba pwedeng iba na lang?

Tinwagan ko si Kaoru. Kailangan ko ng kausap. Kailangan ko nang mapagbubuhusan ng sama ng loob. Baka maloka ako rito.

 

(Moshi moshi?)

"Kaoruuuu! Huwaaaa!" Wala parin akong tigil sa kakaiyak. Naninikip ang dibdib ko.  

(Anong nangyari sa'yo?)

"Im a millionaire! At Ikakasal na ako!" sigaw ko.

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon