NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.
Chapter 39: Idea
PENNY
Nakasimangot akong pumasok ng school. Hindi kasi ako sinundo ng linsiyak na lalaking yon eh! Napilitan tuloy akong mag commute. Siguradong galit siya sa akin. Naka-30 miss calls kasi siya noong na sa mall kami ni ate Vanessa. Ayaw namang ipasagot ni ate Vanessa. Dapat daw paminsan minsan, mag-alala naman sa akin si Vaughn. Kung alam lang niyang maraming beses ko nang pinag-alala si Vaughn.
Kagabi nga, tinry kong tawagan, pero wala! Patay ang cellphone! Abno talaga yon! Kukulitin ako ng miss calls tapos nung ako na ang tumatawag, biglang pinatay yung cellphone.
Hay naku, tampururut si Hudas. Isipin mo yon, marunong pala magtampo ang adik na yon. Magsosorry ako kapag nakita ko siya. Ako rin naman ang may kasalanan. Dapat tinawagan ko pa rin siya kahit palihim lang noong na sa mall kami.
Sinalubong ako ni Kaoru sa labas ng building. "Penny!" sabi niya sabay akbay sa akin.
"Oh?" walang ganang tanong ko.
"Anyare sa’yo!? Haggard na haggard ka girl! Kanino ka nakipagsabunutan!?”
Sobrang lakas kasi ng hangin kanina nag-commute ako. Kaya mukhang nilipastangan ng sampung manok ang buhok ko. "Sira! Hindi ako nakipagsabunutan. Nag-commute lang ako papunta rito."
"Ha!? Hindi ka sinundo ni fafa Vaughn!?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Kaoru.
Pinaalala na naman! "Malamang hindi! Nag-commute nga diba!?"
She patted my shoulder. "Chillax ka lang! Wag masyadong mainit ang ulo! Tara, kain na lang tayo ng corneto."
Napangiti ako bigla. "Tara!"
"Ang PG mo talaga! Nakarinig lang ng corneto, good mood kaagad!” tumatawang sabi ni Kaoru.
Siniko ko siya. "Oo na! Pg na kung pg! Bilis! Ilibre mo na ako!”
--------------------
"TSSSH! BUSET!" maktol ko for the second time this day. Walang nagawa ang corneto dahil doon sa nakita ko.
"Problema mo?" tanong ni Kaoru.
Nakatambay kami ni Kaoru dito sa room, hinihintay namin yung instructor namin sa Auditing.
"Limag oras na akong hindi pinapansin ni Vaughn!" sumbong ko.
Oo, iniiwasan ako ng loko. Iniisnab ako! Putek! Hindi nga sumabay kaninang lunch break namin eh. Tapos nung nilapitan ko, bigla ba namang pumasok sa comfort room ng boys! Tapos ang pinakamalala pa, nakita ko pa yung...yung....yung... nakikipagtawanan siya sa ibang babae doon sa may hagdan! The nerve! Kafal ng face! Alam niyang dinadaanan ko yon papunta ng room ko tapos magpapakita ng ganun!? Anu yon, bastusan!? Rule number two niya, siya mismo ang sumira! Pambihira oh! Magso sorry na ako eh! Walk out queen tuloy drama ko! Pumunta ako doon para magsorry, tapos iyon ang madadatnan ko!? Shemay! Nakakainit ng ulo!
OO! IM FREAKIN' JELOUS! NAGSESELOS AKO! NAGSESELOS AKO NANG BONGGA! Alam mo yung feeling na gusto mo na lang manabunot bigla!? I want to drag that girl away from him. Muntik na akong umiyak kanina dahil doon ah! Letseng Vaughn!
"Oa mo. Parang 5 hours lang eh," sabi ni Kaoru.
Kung alam niya lang no! Hindi niya pa kasi alam eh.
"Gah! Kapikon siya! Makapag-cr na nga lang muna! Sama ka!?"
"Yaw. Baka ako pa mapagbuntunan mo ng inis."
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Novela Juvenil[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...