Chapter 13: Awch!

31.5K 333 15
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 13: Goodbye

PENNY

 
Nanaglumbaba ako sa may tapat ng bintana ng room namin.
 
Two weeks na mula nang mailibing si tita Lea. Two weeks ko na ring hindi nakakausap si Vaughn. Lagi ko naman siyang nakaksalubong, pero hindi niya ako pinapansin.

 Noong first week, okay lang sa akin. Iniisip ako kasi na masakit pa rin sa kanya ang nangyari. Pero ngayon, napapaisip na ko. Bakit yung iba pinapansin niya naman? Medyo madalas na nga siyang ngumingiti eh. Pero kapag sa akin, parang hindi nya ako kilala. Kaya napagpasyahan ko na kausapin siya mamaya. Kahit iwasan niya pa ako.

Hindi kaya galit siya sa akin? Pero wala naman akong natatandaan na ginawa kong masama.

 Baka nagsasawa na siya sa akin. Wag naman sana. Ngayong alam ko na sa sarili ko na mahal ko siya, ayokong mawala siya sa akin.

Huminga ako nang malalim. Naninikip na naman ang dibdib ko. Tuwing naiisip ko ang nangyayari ngayon, nalulungkot talaga ako.


 Nabulabog ako nang masiko ako ni Natalie. "Aray!" sigaw ko 

"Ay, sorry Penny," hindii mapakaling sabi ni Natalie.

 Kanina pa siya palakad-lakad at hindi mapakali. Ano bang problema nito?
 
“Bakit ba kanina ka pa lakad ng lakad diyan? Para kang kalabaw na hindi mapaanak ah,” pang-aasar ko.

 
"Penny, may sasabihin ako. Mahalaga ito," seryosong sabi niya.

 Napataas ako ng kilay. Anong kailangang sabihin ni Natalie para magseryoso siya nang ganyan? Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan. 

 Nanlaki ang mata ko. HALA!  Hindi kaya…



"BUNTIS KA!?" sigaw ko.

 Nagtinginan sa amin ang mga kaklase namin dahil doon.

 

Kinakabahang tumawa si Natalie. "Ahe he he. Wag niyong pakinggan ang lukarit na yan. Nag-jojoke lang siya," sabi niya sa mga kaklase ko.

 Tapos bumaling siya sa akin. "Baliw! Buntis ka diyan! Hindi no! Ni hindi pa nga ako nagkakasyota eh!"

"Sobrang serious mo kasi! Kinabahan tuloy ako. Akala ko naano ka na!"

 “Sira! Virgin pa ako no! Kahit mahilig ako sa fafa, hindi naman ako katulad ng iniisip mo!” Inirapan niya ako. "Serious na talaga. Wag ka na kasing biro nang biro diyan!" nayayamot na sabi niya.

 "Sige serious na," natatawang sabi ko .

Huminga muna siya nang malalim. "I'm leaving," diretso sa mata at mariin niyang sabi.

"Ay sus! Yon lang naman pala! Bakit? May emergency ba? May nangyari ba sa bahay niyo? Magpaalam ka muna kay mam! Last quiz pa naman natin kasi 4th periodical na," tumatawang sabi ko.

"Hindi yon ang ibig kong sabihin! Aalis na ako ng bansa, at hindi ko alam kung kailan ako babalik." Yumuko siya at nalungkot.

 Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagsinghap ko. "Haaaa!? Bakit!? Hindi pwede! Sabi mo sabay sabay tayong magha-high school!" naluluhang sabi ko.

 Nakita kong nalungkot si Kaoru at nagpipigil na rin ng luha. Napalapit na rin kasi ang loob niya sa amin ni Natalie. Best friends na nga kaming tatlo eh. Bakit aalis pa si Natalie?

 "Gusto kasi ni daddy na sa Paris na ako mag-aral. I'm sorry Penny!" umiiyak na sabi niya.

Lumunok ako para tanggalin ang bara sa lalamunan ko. "Kelan ang a-alis mo?"

"After graduation pa naman. May time pa tayo na magkasama." Ngumiti ng pilit si Natalie.

Umiiyak na niyakap ko siya at si Kaoru. "Bumalik ka rito ha? I-promise mo ‘yon. Mamimiss ka namin Nats."

 Hinampas niya ako nang mahina sa balikat. "Ano ka ba!? Parang pinapaalis mo na ako sa mga pinagsa-sasabi mo niyan eh!" Tumawa siya.

 
Tumawa rin ako. “Hindi naman! Syempre nagpapractice na ako kung sakali diba?”

Hinampas niya ulit ako. Mas malakas na ngayon. "Ang sama nito! Parang ganon din ‘yon ah!" 

Nag asaran kaming tatlo. Tumigil lang kami nang dumating na ang teacher namin.

 

----------------

Uwian na namin. Narito ako sa may gate. Hinihintay ko si Vaughn. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong malaman kung bakit hindi niya ako pinapansin.

 Sa totoo lang, kinakabahan ako. Ewan ko ba bung bakit.

 
Kailangan kong gawin ‘to! It's now or never!

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon