NOTICE: Edited chapter na po ito. Pahapyaw lang o try lang. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters
Chapter 2(second part): Saviour
VAUGHN
Tumuloy kami ni Mr. Smith—our family butler slash driver, sa bake shop kung saan inorder yung cake.
I frowned nang makita ko kung nasaan yung bake shop na in-orderan ni mama ng cake. Kailangan pang tumawid sa makipot pero sementadong tulay para makarating doon. The car won’t fit!
"Mr. Smith, stop the car," sabi ko bago bumaba ng sasakyan. Lalakarin ko na lang.
"Young master, saan po kayo pupunta?" tanong ni Mr. Smith.
"Sa bake shop. It’s on the other side of this...” Ilog ba ‘to o kanal? Tsk, whatever. “…river. Kailangan pang tumawid ng tulay. Hindi kasya yung sasakyan."
"Ako na lang po young master.”
"No Mr. Smith. Just stay here with the car. Mabilis lang ako." Hindi ko na hinitay sumagot si Mr. Smith. Bumaba ako ng sasakyan.
Nang patawid na’ko ng tulay, napahinto ako nang may mahagip ang mata ko.
Wait…
..there’s someone in the..river.
She looks familiar. That uniform and bag…
Nanlaki ang mata ko. That’s her! The girl I saved earlier!
Penny! Yes, that’s her name! Sh*t! She's drowning!
Dali-dali akong tumakbo sa river side. I removed my vest and shoes and jumped in the river. I need to save her!
Unti-unti siyang lumubog. D*mn! Nawalan na yata siya ng malay.
Binilisan ko ang paglangoy papunta sa kanya. Nang maabot ko ang kamay niya, hinila ko siya papunta sa gilid.
Inihiga ko siya at itinapat ang tainga ko sa may bibig at ilong niya. Sh*t! She’s not breathing! "Hang in there kid!"
Elementary pa lang ako, tinuruan na kaming mag-cpr in case sa mga ganitong pangyayari. I pumped her chest.
“1,2,3,4..”
Idinikit ko ulit yung tainga ko sa may bibig nya, para tignan kung humihinga na siya.
Oh God, hindi pa. Marami yata siyang nainom na tubig.
I tried again. 1, 2, 3, 4.. “Kid breathe!” Kinakabahan ako.
Please, wake up.
Pagkatapos ng ilan pang subok, umubo siya at lumabas ang tubig sa bibig niya.
I sighed with relief. She’s breathing now.
Nagmulat siya nang kaunti at tinignan ako.
"Hey, are you okay? May masakit ba sayo?" I asked.
Nakatitig lang siya sakin. Pagkatapos ay ngumiti at pumikit ulit. Napakunot ako. What’s with her?
Oh nevermind. Dapat madala na siya kaagad sa ospital. "Mr. Smith!" sigaw ko.
"Mr. Smith!” sigaw ko ulit. Bakit ba hindi nya ako marinig?
Napagpasyahan kong dalhin na lang si Penny doon.
I carried her on my back. Ugh, hindi naman siya mataba, pero bakit ang bigat niya?
Tumakbo ako papunta sa sasakyan. "Young master, ano pong nangyari?" salubong ni Mr. Smith.
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Teen Fiction[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...